Chapter 5
Hindi pala siya nag-iisa may kasama siyang isang mestisang babae na tantiya ko kasing-edad niya.
Nakasombrero ito ng matingkad, ang buhok ay kulay blonde at soistikadang awra.
Pero ang mga matalas kung tumingin ang mga mata niya at parang nang-uuri ng pagkatao sa madaling salita matapobre!
S-sino siya...? tanong ko kay Ferlin dahil siya ang katabi ko.
Ssshhh.... siya si donya Antonietta asawa ng don... bulong nito.
Sumenyas naman sa gawi namin si lola Caridad kaya tumahimik kami.
Kung ganon ay ito ang ina ni Zheta!?
Pero di ko siya maapuhap sa paligid.
Hindi ba nito alam na darating na ang mga magulang niya?
Hindi ko siya nakita sa mga larawan. Oo nga walang larawan ang asawa ng don maski isa. Nahihiwagaan tuloy ako.
Maligayang pagbabalik Don Demitri at donya Antonietta....
Sabay-sabay kaming bumati at nagbigay-pugay sa mga bagong dating.
Tumango ang don at umakyat sa itaas.
Ang donya ay hinarap kaming lahat.
Makinig kayong lahat....
Hindi lingid sa inyo na may iniinda ng karamdaman ang asawa ko. Ang mga anak niya ay uuwi at dito muna maninirahan sa hacienda.
Buweno gusto kong ihanda niyo ang mga silid ng bawat isa. Maliban sa dalawang silid.Ang silid na bakante at ang silid ng bunso.
Umangat ang tingin ko sa narinig. Bakit ayaw niyang ipahanda ang silid ng bunso niya? tanong ko sa sarili ko.
Hindi na kailangan. Ang papa ay pipili ng personal naming kasama.
Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses.
Si Zheta na mukhang kararating dahil may dalang backpack.
Madilim ang mukha nito. Ilang buwan ko narin siyang kilala at ngayon ko lang nakita ang mukha niyang kasing-dilim ng ulap.
There you are.... alam mo namang uuwi ang papa mo at mas inuna mo pa ang magbulakbol. Walang emosyong wika ng ginang.
As if I am welcome in my own house? mas lalong nagdilim ang mukha niya.
Mukhang hindi maganda ang relasyon ng mag-inang to.
Dumaan siya sa harap namin at sa donya. Tahimik kaming lahat dahil sa tensiyong nangyayari.
All of you go back to work...! utos ng donya. Mabilis kaming nagsibalik sa mga trabaho.
Alam ko may mangyayaring kumosiyon sa pagitan nilang dalawa.
Ang Zheta na kilala ko ay soft, palaging may ngiti sa mga labi at kalmado. Pero kanina kakaiba...
Sabagay wala naman akong pakialam sa problema ng pamilya nila. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagtutupi.
Oh Tasia sumunod ka na samin pag natapos mo yan.... wika ni Theang. Ako kasi ang nagpresintang magligpit ng pinagkainan namin.
Okay.... sagot ko. Gusto ko na ding magpahinga kaya binilisan ko na.
Masyado kaming busy kanina dahil sa pagdating ng mga amo namin. Ang sabi pa madagdagan pa daw pagdating ng ibang anak ng don.
Palabas na ako ng may napansin akong pamilyar na pigura.
Lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya sa damuhan at hindi napansin ang paglapit ko.
Tumikhim ako para makuha niya ang atensiyon niya at hindi naman ako nabigo.
Hmmm nakailang sigarilyo ka na senyorito... mukhang smoker po kayo.
Why you don't you rest and sleep? malamig na tugon niya.
Umupo ako sa tabi niya. Papunta na sana ako sa kwarto ko kaya lang may nadaanan kita dito... ngumiti ako sa kanya.
Ngumiti siya at napailing.Tumingin siya sa akin. May kung ano sa mga titig niya na di ko mabigyan ng paliwanag.
Ayos ka lang ba...? tanong ko sa kanya.
Humithit siya ng sigarilyo sabay buga ng usok na parang doon kumukuha ng lakas.
Alam mo bang ikaw ang unang taong nagtanong kung ayos lang ako? muli siyang lumingon sa'kin. Malamlam ang mga mata niya.
Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko. Ang init ng palad niya.
Siya ang unang lalaking nakahawak ng pisngi ko! pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko. Tapos ginulo niya ang buhok ko.
Nagkatawanan kami pareho nagkwento ng kung ano-ano. Di ko na namalayan ang oras. Di na run ako nagtanong tungkol sa kanila ng donya.Wala ako sa lugar para itanong ang bagay na yon.
Don't worry I'm fine.... you can rest now I know you are tired for the whole day.....
Tumayo na ako at nagpaalam.
Tasia..... tawag niya ulit sa'kin.
Nilingon ko siya. Matagal bago siya nagsalita.
Thank you for tonight.....
Para saan senyorito? tanong ko.
For staying with me.
Naku wala yon paano una na ako.
Tulog na ang mga kasama ko ng pumasok ako sa silid.
Pasado alas dos na ng madaling araw.
Kinabukasan maaga kaming naghanda ng almusal. Tahimik ang silang kumakain sa hapag. Parang piyesta sa dami ng pagkain. Ang mayayaman nga naman hindi alam kung saan ilalagay ang pera.
Why don't you ship to business course? tanong ni Don Demitri kay Zheta.
Bakit di ka tumulad sa mga kapatid mo? they build their own companies and....
You know I want to design and build structures. I'm not interested in any empire. And I am still young. Why don't you choose some of my brothersbl istead of me? Tipid niyang sagot.
You....! Alam mong matanda na ako at kailangan ko ng hahalili sa akin at maging tagapamahala ng pamilya!
Demitri ang puso mo.... si donya Antonietta ay parang isang asawang nag-aalala sa kilos pero di ko makita ang sensiridad sa mga mata niya.
I am destined to be engineer not a disgusting and ruthless....
Watch your mouth young man! galit na si Don Demitri sa anak.
If Zheta don't want to take over as the head of our family you can chose one of his brother....
As what you want.... wika ni Zheta at nagpahid na bibig at tumayo.
Zheta ako pa rin ang nanay mo baka nakakalimutan mo! Ngayon ay nagbabagong-anyo na ang donya at nagiging mabalasik na anyo.
Tumigil siya sa paghakbang. Maybe you forget you rule in this household woman?
Zheta! give some respect to your mother!
You are not my mother..... at kahit kailan she will never be my mother.... And you papa.... you sold my brother to a person who same like you.
Zheta you are crossing the line! galit na ibinagsak ng Don ang kamay sa lamesa.
Kahit anong tawag ang gawin ng donya ay hindi na siya lumingon.
Kayo....! binalingan kami ng donya.
Whatever you heard keep that in secret and don't make any gossips naiintindihan niyo?Alam niyo ang mangyayari sa inyo oras na sumuway kayo.
Sumang-ayon kami sa sinabi niya.
Halata ang pagkadismaya ng Don sa inasal ng anak na bunso.