Chapter 6
Yong kabago-bago dito imbes trabaho ang asikasuhin yong paglalandi pa sa amo ang inaatupag.
Oo nga akala mo naman papansinin siya ng amo piling tagapagmana....
Eto na naman sila.... bulong ni Theang.
Huwag mo na silang pansinin alam mo namang sanay na ako sa mga yan. Bulong ko.
Kayo ba kesa magtsismisan kayong dalawa diyan bakit di niyo gawin ang mga trabaho niyo? mataray ding sabi ni Theang. Palibhasa maganda at mestiza ang kaibigan ko.
Ikaw...! totoo namang inaakit niya si senyorito Zheta di ba?!
Ay.... hahaha....! napapalakpak ako ng mga kamay. Sobrang advance din kayong mag-isip no? hindi ako malandi at hindi ko inaakit ang senyorito.
Ngayon kung marami kayong issue tungkol sa'kin aba problema niyo na yon. ma-stroke sana kayo halika na Theang...
Hinila ko na ang kamay ng kaibigan ko at hindi na pinansin ang pinagsasabi ng mga babaeng yon.
Siya nga pala di ba nga gusto mong mag-aral? balita ko pinapayagan ng mga amo natin ang pagtratrabaho habang nag-aaral ano? tignan mo sina Feeling, Maya at Amy lahat sila nag-aaral sa gabi
Pero sobrang nakakapagod yon kasi kailangan mong bumangon ng maaga.
Ayos lang naman sa'kin yon importante sa'kin makapagtapos ako ng kolehiyo.
Pangako ko yon sa nanay at tatay ko.
Kung ganon kailangan mong magpaalam sa don kaso Tasia nakakatakot talaga ang awra ng amo natin.Tagos hanggang buto ang tingin niya at lagi akong ilag sa kanya. Wika ni Thea.
Hoy huwag kan judgemental hindi naman natin nakakasalamuha palagi ang amo natin dahil palaging wala.
Hmmmp.... ewan... basta nakakatakot siya lalo na si donya Antonietta mukha siyang magkukulam.
Sssshhh.... baka may makarinig sa'yo ano ka ba.
Anastasia.....? Anastasia....? tawag ni aling Freda.
B-bakit ho manang?sagot ko.
Sumilip siya sa may pintuan.
Ikaw muna ang maglinis ineng sa pangalawang sala at tutulong ako kay manang Caridad sa kusina. Bilin niya.
O-opo manang..... sagot ko.
Salamat hija...
Wala yon manang... O paano ikaw muna dito? paalam ko kay Theang.
Pumunta ako sa pangalawang sala. Saan na nga yon? tanong ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi naliligaw pa rin ako sa lawak at laki ng bahay.
Ahhh ate Myra saan na nga ba yong pangalawang sala? tanong ko sa isa naming kasama.
Ay diyan ka sa kaliwa lumiko yon ang unang makikita mo. Sagot niya.
Nagpasalamat ako.
Narating ko naman at inayos ang mga panlinis na gagamitin ko.
Naging abala ako sa paglilinis.Ahhh...
madumi pa ang bintana.... bulong mo. Kailangan ko tong linisin hanggang sa itaas.Pero dahil may kaliitan ako kailangan ko ng ladder.
Kinuha ko ang maliit na hagdan at umakyat dala ang punas at glass cleaner.
Okay naman at walang naging problema.
Kaso pagbaba ko nagkamali ako ng apak at dumulas ang paa ko.
Gusto ko ng sumigaw pero pinili ko na lang manahimik at ipikit ang mata sa pagbagsak ko.
Pero hindi ako sa sahig nahulog.
Sa matipunong bisig ng kung sino.Napasinghap ako dahil sobrang bango niya.
Are you okay? tanong niya. Ang ganda ng boxes niya.Nag-angat ako ng tingin at nagulat ng makita siya.
Ang amo ng mukha at nakangiti siya sa'kin.Pero ewan ko ba hindi ako komportable sa presensiya niya kahit pa crush na crush ko siya sa picture.
Siguro dala lang ng gulat ko kaya nakakaramdam ako ng ganito.
Nagmadali ako sa pagbaba mula sa mga bisig niya.
P-pasensiya na po senyorito! yumuko ako sa kanya.
It's okay timing na dumaan ako rito. Hindi kita nakita sa labas kaninang dumating kami.... bago ka dito? tanong niya.
Ahhh... o-opo naglilinis po ako dito sa sala pero tapos na po ako... nagmadali akong kunin ang mga gamit sa panlinis ko.
A-aalis na po ako senyorito! paalam ko.
Wait....! pinigilan niya ako sa kamay.
B-bakit po? tanong ko dahil namumula na ang mga pisngi ko.
What is your name? tanong niya sa'kin.
A-Anastasia po s-senyorito.
Nice meeting you Anastasia... I'm Ethan...
Inilahad niya ang kamay.
Ayokong maging bastos kaya nagpunas muna ako ng kamay bago tinanggap ang kamay niya na sobrang lambot tulad kay Zheta.
Sige po aalis na po ako at marami pa akong gagawin...
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Diretso na akong maglakad bitbit ang mga panlinis ko.
Ouch....! tonta! b***h!
Nagulat ako ng sampalin ako ng taong nasagi ko sa pagmamadali ko.
P-pasensiya na po.... sorry po....!
Sorry?! can your sorry clean my blouse?! do you know how much is this? mas mahal pa sa buhay mo! bulyaw niya sa akin.
Ito pala ang spoiled brat na adopted daughter ni Don Demitri.
L-lalabhan ko na lang po senyorita pasensiya na po. Hinging-paumanhin ko.
Pero ang babaing ito mukhang hindi tatanggap ng sorry.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Dumilim ang mukha niya at feeling ko may bagyong paparating.
Umigkas ang palad niya at handa ng sampalin ako.
Pero may sumalo ng kamay niya.
E-Ethan! sigaw niya. Nakasunod na pala ito mula sa sala.
Control your temper.... tandaan mo ayaw na ng papa sa eskandalo....
Anastasia you may leave now... utos niya sa'kin.
Mabilis akong umalis at iniwan sila.
Sa lahat ba naman ng makakasalubong ko ang impaktita pang yon.
Sa pangalawang sala ay nagtatalo ang magkapatid.
I don't like that b***h I will tell to papa to fire her!
The Monticillo first born grab her arm. Czarina enough! just like what u said he don't want another scandal again!
Pasalamat ka at binayaran lahat ng mga katulong na minaltrato mo para manahimik!
Be mature and stop acting childish!
E-Ethan you are hurting me let go....
Ethan let her go.He was carried away because of his sister.
This is not the last time he depend a maid but that girl Anastasia caught his eyes.She's different from woman he met before.
I-am very sorry.... I didn't mean to....
Czarina cried.... Magaling siya sa pagpapanggap kaya sisiw lang sa kanya.
Their attentions is only for her.
Niyakap niya ang kapatid. Tahan na princess.Czarina did so many troubles to the family but still they accept her. Kahit sabihin pang ampon lang ito ng papa nila.
Czarina promise to herself that this new maid will end up just like the previous.
Hindi siya makakapayag na may umagaw sa pwesto niya lalo at maganda ito.