Chapter 7
Bakit balisa ka diyan?takang tanong ni Theang.
Y-yong bruhang babae....Este yong mangkukulam ay ano ba yan!y-yong anak na babae narito na siya!
Ah yong Czarina ba?oo kanina dumating sila kasama yong tatlong anak na lalaki ni Don Demitri.Sagot ni Theang.
B-bakit nandito silang lahat?tanong ko ulit.
Tulad ng sinabi ng amo natin nais na niyang ipamana at hatiin ang mga kayamanan niya sa mga anak.Si lola Caridad na may dalang mga gulay.
Pero ang pamamahala sa pinakamahalang posisyon ng pamilya ay mapupunta lang sa isang anak at lahat sila ay pagpipilian.
Lola ang dami namang lihim ang pamilyang to ano ba ang amo natin dating gangster?tanong ni Theang.
Mas malupit at mas mapanganib pa sa pagiging basagulero.Pero huwag niyo ng alamin pa kung ano ito.
Napailing na lang kami ni Theang at ipinagpatuloy ang mga gawain.
Kasalukuyan kaming naghahain ng mga putaheng niluto kanina ng personal nilang tagaluto.
Ang daming pagkain at nakakaramdam na rin ako ng gutom.Siyempre matakaw ako hihi.
Ang talim ng tinging ipinupukol sa'kin ng bruha.Hindi ko na lang siya pinansin isa pa amo pa rin siya.
Dumating ang mga amo namin.Di-sinasadyang nagtama ang mga mata namin ni senyorito Ethan.
Agad akong nagbaba ng tingin.
Ipinagsalin namin sila ng tubig.Malas ko at natoka ako sa bruha.Habang nilalagyan ko ng tubig ang baso niya ay gumawa siya ng eksena.Pasimple niyang tinabig ang baso dahilan upang mabasa ang damit niya.
Ano ba....!are you blind or sadyang tanga ka lang?Singhal niya sa'kin sabay-tulak sa'kin.Parang kanina lang naging slow mo pero ngayon sure ako wala ng sasalo sa'kin.
Tasia....!rinig kong sabi ni Theang.
Eto na talaga!hawak ko pa ang babasaging pitsel yari na ako....
Bobo....!galit na lumapit sa'kin ang bruha.Ito na ang sampal na kanina pa niya gustong ibigay sa'kin.Pumikit ako bahala na....
Hmmmp....!ano ba Axel!bitiwan mo ako!
Your still not change....Czarina pwede bang kontrolin mo ang pagiging hyper mo?
Tinig ng bagong dating.Ang isa naman nag-abot ng kamay sa'kin.Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga bagong dating.
Si Donya Antinietta at Don Demitri ay tahimik pa rin.
Are you okay miss beautiful?tanong ng lalaking nag-abot sa'kin ng kamay.
Yong isa binitiwan na ang braso ni bruha.
P-pasensiya na po senyorita...di ko po sinasadya isa pa kayo po ang....
Tasia huwag na narito ang mga amo natin....saway ni Ferlin.
Huminga ako ng malalim saka pilit ngumiti ng peke.
P-pasensiya na po senyorita....kasalanan ko po...yumuko ako para itago ang inis ko.Yong tipong inaapi na ako sa bahay ng tita ko tapos hanggang dito may mga bully pa rin haissst....!
Ang mga bagong dating parehong sa'kin nakatingin o baka nagkakamali lang ako.
Alam ko namang may itsura ako pero ano naman.Hindi ako sanay sa mga klase ng tingin nila.Ang alam ko mga anak din sila ng amo namin. Pero mas guwapo sila sa personal mga pinagpala kung baga.
Who is she?tanong nong Axel.
Ahhh.... senyorito bago po siyang namamasukan dito. Siya po so Tasia kaibigan ng apo ko... Will ni lola Caridad at inakay ako. Si Theang na ang magtutuloy niyan Tasia doon ka muna da kusina...
Pasensiya na po talaga.... nagpaalam na ako sa kanila.
Agad naman akong tumalima mas okay na yon kesa mabully ako ng bruha.
Dapat lang yon sa kanya dahil hindi niya inaayos ang kilos at trabahi niya. Dinig kong sabi ng donya.
We are in the middle of foids. Hindi ko gusto ang inasal mo wika ng Don.
Hindi ko na alam kung ano pa ang mga pinag-usapan nila. Bahala sila siguro kailangan ko ng iwasan ang babaeng yon.
Papa....? it's not fault did see that sinadya niya akong tapunan ng tubig!
I know you Czarina... pinalaki kita at inayos ang lahat ng gulong ginawa mo.
I don't want another problem again in this house.Don't try to mess with her again.
I don't want that bitch....
Czarina pwede ba? nakakapagod ka na.. wika ni Ethan sa kapatid.
Axel and Maverick just stated at each other.
Czarina stop your nonsense act... kaya walang nagtatagal na katulong ang bahay na to... saway ni Ethan sa kapatid.
Anyway let's skip this issue and eat... isa na lang at kompleto na kayo wika ni Don Demitri sa mga anak.
Bakit where is Zheta? tanong ni Maverick.
Matigas ang ulo ng kapatid niyo.He wants to go on his own way.... stubborn just like his mother!
Hayaan mo na kung ayaw niya importante meron pa rin namang mapupunta sa kanya. Saad ng Donya.
Maririnig sa gitna ng usapan ang kalansing ng mga tinidor at kutsara.
Your brother will come back anytime....
Na freeze ang lahat da narinig.
Sino papa? tanong ni Ethan.
Alam niyo kung sino ang tinutukoy ko...
Anak ko pa rin siya at may karapatan sa mga ari-arian at kayamanan ko pati sa posisyong iiwan ko.
Pababalikin niyo ang mamamatay-taong yon sa pamilya? tanong ni Donya Antonietta.
Watch out your words he's still my son baka baka nakakalimutan mo Antonietta kung ano rin ako?Maybe I sent him away and let someone to take care of him...and that's enough Seryosong saad ni Don Demitri.
Mom..... Papa is right.... ani Ethan.
Axel and Maverick is still quiet.
Si Czarina naman ay biglang kumislap ang mga mata. Larawan ng isang ambisyon at pagiging gahaman sa kapangyarihan.
Inipon ko lahat ng lakas ng loob para kausapin ang amo namin.
Ngayon ay nasa tapat na ako ng opisina niya.
Kaya mo Tasia! bulong ko sa sarili ko.
Huminga ako ng malalim bago kumatok.
Tuloy.... mula sa loob ay dinig ko ang boses ng Don.
Dahan-dahan akong pumasok.
M-magandang umaga po senior.... lumapit ako at inilapag ang isang kape sa mesa.
Tinitigan niya ako ng malamig. Talaga naman na ka ka intimidate ang tingin ng amo namin. Kinakabahan pa rin ako.
May kailangan ka...? tanong nito. Mukhang napansin niya na may gusto akong sabihin.
M-magpapaalam po sana ako s-senior....
Gusto mo na bang umalis? kung ang anak kong babae ang dahilan maari bang pagpasensiyahan mo na siya...
H-hindi po yon senior... hindi po ako aalis.
Kung ganon ano ang gusto mong sabihin?
G-gusto ko po sanang mag-aral sa gabi.... gusto ko pong ituloy ang pag-aaral ko.... kung papayagan niyo po ako... pangarap ko po kasing makatapos sa kurso ko.
Napatigil ang Don at tumingin sa akin.
Ano ba ang kursong kinukuha mo? tanong niya.
N-nursing po senyor....
Kung ganon pumapayag ako kung ipapangako mong pagsisikapan mong makatapos. Gusto ko ang determinasyon mo hija.
Maraming salamat po makakaasa po kayong pagbubutihan ko.
Tumango siya. Nagpaalam ako at masayang-masaya. Pagkakataon ko ng makabalik sa pag-aaral.
Hindi naman pala nakakatakot ang amo namin kahit laging seryoso at mailap ang kanyang mga mata.