Chapter 10
Anastasia wait.... Tumingin ako kay senyorito Ethan. Nitong mga nakaraang araw mas lalo akong napalapit sa kanya.
Lagi siyang nandiyan kong kailangan ko siya.
Minsang nagkasakit ako siya yong palaging may padala ng palihim kay Theang.
Mga gamot, pagkain at kung ano-ano pa.
Maswerti daw talaga pag maganda biro pa ng kaibigan ko at sinabihan akong baka may gusto sa'kin ang amo namin.
Natawa na lang ako sa mga sinasabi niya.
Alam kong imposibleng mangyari yon ang magkagusto ang amo sa katulong.
Alam ko kung saan ako lulugar. Aaminin ko gusto ko na siya, masaya ako pag kasama siya.... tuwing nagkwekwentuhan kami ng kung ano-ano, sa tuwing magkasama kami lahat ng bagay gumagaan hi hi.
B-bakit po senyorito? tanong ko sa kanya.
I like you.... direktang pag-amin niya. At siyempre ang lola niyo eh tuwang-tuwa.
Hindi ko alam kung isa lang to sa mga biro niya o ano... pero ang tangang puso ko bumibigay.
Kung pwede lang ako magtatalon at sumigaw ngayon ginawa ko na.Kahit pa sabihing mas matanda siya sakin ng walong taon ay gusto ko pa rin siya. Isa pa baby face talaga at napakaguwapo niya.
Sa totoo lang nagulat talaga ako. Tumingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko.
I'm serious Anastasia.... I like you since the day I met you...
P-pero s- senyorito b-bata pa ho ako at gusto ko po mag focus muna sa pag-aaral ko.... totoo yon. Alam kong gusto ko siya pero ang goal ko is makatapos muna ng pag-aaral ko.
I know.... Alam ko ring malayo ang agwat ng mga edad natin. I don't know but I really like you....
Don't worry susuportahan ko ang pag- aaral mo.... hangga't nag-aaral ka pa we will keep this in secret..... but I promise you when you are done with your study and you have your degree we will public our relationship.
P-pero k-kasi....
Anastasia please.... I know you like me too.... niyakap niya ako mula sa likuran.
Ang salawahan kong puso ipinagkanulo ako....
G-gusto din kita senyorito Ethan...
So it's final....? we are officially couple? tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin.
Tumango ako. Buti na lang nasa madilim na parte kami ng Hacienda kaya safe ako na walang makakakita sa amin.
Call me Ethan Tasia.....
S-sige E-Ethan.....dito ko nga nalasap ang first kiss ko! ganito pala ang feeling! nakakaloka! talagang yong mga tuhod ko nangangatog kaya inalalayan niya ako dahil nanghihina ako. Ang lambot ng mga labi niya.
Di ko naman alam paano tutugon kasi kahit nakakapanood man ako nahihiya pa rin ako yong as in maang-maangan ang lola niyo.
I love you Tasia.... bulong niya.
I-i love y-you too E- Ethan....
Lingid sa kaalaman namin ay may mga matang nakamasid at tila nagbabadya ng isang kalamidad.
Bakit ang saya ata ng kaibigan ko ngayon anong meron? tanong ni Theang.
Wala naman araw-araw naman akong masaya....
Hindi eh iba ang aura mo ngayon. Anastasia magtapat ka nga sakin..... nakataas pa ang kilay niya habang sinisipat ako.
Huwag mong sabihing may boyfriend ka na?! di ba usapan natin na sabay tayong magtatapos at magboboyfriend? ano't naglihim ka na sa akin? kunwari ay maiiyak na tong kaibigan ko.
Sus drama... natatawa na lang ako sa mga sinasabi niya.
Saktong dumaan si Ethan at tumingin sa gawi ko at ngumiti bago umalis.
Mangangabayo ata silang magkakapatid ngayon. Si Zheta naman nasa kwarto at mukhang tulog pa.
Tumingin sa akin si Theang ng nakakaloko. Di kaya may alam siya?
Sabihin mo nga sakin crush mo si senyorito no? nakangising tanong niya.
H-hindi ah.... halika na nga at maglinis na tayo... hinila ko na siya patungo sa mga kwarto para hindi na humaba pa ang usapan.
Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin si Ethan.
Biglang ngvibrate ang cell phone ko.Lalo akong kinilig ng makita ang message niya sakin.
Goodnight and sweet dreams my girl I love you.
Goodnight and at mahal din kita Ethan....
Alam kong walang kasiguruhan ang nararamdaman ko pero kumakapit pa rin ako sa mga pangako niya.
Maganda ang bawat umaga simula ng maging kami ni Ethan. Palihim niya akong binibigyan ng mga regalo.
Kumakanta pa ako habang naglalaba ng mga admit nila.
Di ko namalayan ang paglapit ng kung sino sa akin.
Come here stupid b***h!
Aray sinong..... s-senyorita Czarina...? kasama niya sina Rochelle at Yana.
Aray masakit na ang anit ko ah....! papatulan ko talaga ito!
T-teka senyorita bakit po nasasaktan po ako!
Talagang masasaktan ka look what you've done to my designer shirt? ! galit na galit siya habang pinapakita ang mamahaling damit na pinalaba niya sakin kahapon.
Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa sirang damit.
I told you to wash this with your hands and what happen huh?!
S-senyorita hindi naman po yan sira kahapon nong nilabhan ko?!
Totoo naman ang sinasabi ko. Walang kupas at ok na ok ito kahapon.Ginawa ko naman lahat ng ibinilin niya.
At sino ang sinungaling ha ako?! impokrita!
Hoy ikaw ang nagsabi niyan senyorita hindi ako.... araay....!
Hihirit ka pa....! hinila niya ako gamit ang buhok ko.
Itali niyo at tuturuan ko siya ng leksiyon!
Sumunod naman ang dalawang to.
Pakawalan niyo ako senyorita wala po talaga akong alam sa damit niyo!
Pero bingi na siya sa paliwanag ko.
Hinampas niya ako ng sinturon sa likod ng ilang ulit.
Wala naman malas namang wala talagang kahit na sino ang napapadaan.
Hindi ko na talaga matandaan kung ilang beses niya akong hinataw.
Totoo talaga ang tsismis tungkol sa babaeng ito. Napalupit niya talaga.
Itigil mo yan....! sabi ng bagong dating na.Pilit kong iminulat ang mga mata ko.
I-ikaw pala senyorito Zheta....
Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?
Z-Zheta..... s-siya kasi.....
Shut up....! until now your still childish! they are human not machine or something else that can't feel anything!
At kayong dalawa get out! baling niya kina Rochelle at Yana at parang Napahiya rin. Agad umalis ang mga ito.
Kinalagan ako ni senyorito Zheta at binuhat. May kasunduan kayo ng papa ko na hindi ka na mananakit ng mga kasambahay.
Z-Zheta... bakit ba mas kinakampian mo pa ang babaing yan kesa sa akin?isa lang siyang mutchacha! binigyan niya ako ng nakamamatay na tingin.
I'd rather chose her over you. Wala ka ring karapatan na tawagin ako sa pangalan ko... yon lang at iniwan namin siyang tulala.
Hey what happen to Tasia....?! tanong ni senyorito Maverick. Makikita rin ang pag-aalala sa mukha niya.
Bakit hindi mo tanungin ang kapatid mo?
Agad akong dinala ni senyorito sa loob ng silid namin.