Chapter 19
Ay ayoko ng isipin! bigla ay napasigaw ako at parang wala sa sarili.
Ms.Santos may problema ka ba? nakataas ang kilay ng professor namin.
W-wala po.... sorry po Prof hehe...
Hoy Tasia ano ba kasing iniisip mo? bulong ni Theang.
W-wala naman sabi ko at itinuon ang pansin sa leksiyon.
Pagkatapos ng klase ay umuwi na kami. Maaga pa ang gising namin para bukas.
Pero sa gabing ito ayaw akong dalawin ng antok.
Ang don ay pinakiusapan akong alagaan ang anak niyang lumpo at koreksiyon alam ko nga ang sikreto niya.....paano ko aalagaan ang taong mas malakas pa kesa sa kalabaw? isa pa naiilang akong pakisamahan ang senyorito.
Hindi maalis sa isip ko kung bakit nagawa niya ang kalokohan sa nanay at kapatid niya?Matino bang tao ang pagtangkaan ang buhay ng ina at kapatid?
Pero paano ba ako makakatanggi sa don? eh sadyang napabait nito?
Napabuntong-hininga ako ng malalim.
Saka ko na iisipin kung paano siya pakikisamahan bahala na.
Ito na Tasia.... marahan akong kumatok sa pinto ng kuwarto niya.
Walang sumasagot kaya ako ang nagbukas.
Magandang umaga senyorito... Eto na po ang almusal niyo....
Napakunot-noo ako dahil mukhang tulog pa siya.
Nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan siya.
Guwapo talaga ang senyorito siguro mas lamang siya ng isang paligo kay Ethan....
Biglang may kumurot sa puso ko pagkaalala sa kanya pero pilit kong iwinaksi.
Ikakasal na siya... sabi ng isip ko.
Ang isang to talagang nakakaakit ang itsura ang pointed na ilong, at ang mapulang mga labi niya...maging ang katawan niya lalo na ang mga pandesal sa may bandang tiyan na natatakpan ng kumot. Napalunok ako at umiwas sa tuksong nakahain sa harapan ko.
Inilapag ko ang tray ng pagkain sa lamesa niya.
What are you doing here?
Susmaryosep! halos mapatalon ako sa sobrang pagkabigla.Hindi ko nabalanse ang katawan ko at babagsak ako sa Luna kung hindi niya ako nasalo ng mga braso niya pero bumagsak naman ako sa ibabaw niya!
Aaaah....! napasigaw ako ng maramdaman ang matigas na bagay na tumusok sa'kin sa may ibabang puson niya.At hindi ako tanga para hindi malaman kung anong bagay yon.
Agad akong tumayo mula sa ibabaw niya at inayos ang sarili.
P-pasensiya na po senyorito! hinging-paumanhin ko.
Gising na po kayo senyorito? tanong ko.
Since you disturb my f*****g sleep care to me why you are here? tanong niya.
Sadya talagang mailap ang ngiti ng lalaking to.
A-ang papa niyo s-senyorito sinabihan pong alagaan kita..... ako po ang magiging personal maid niyo....
At kung ako lang po ang masusunod ay tatanggi ako dahil hindi ka naman totoong lumpo... nabitin ang kamay ko sa ere. Di bale na.... sabi ko.
In my situation maybe I am the one who will babysit you... nakataas ang kilay na sabi niya.
Eto na naman siya sa pagiging masungit.
G-gawin ko po lahat ng iutos niyo senyorito.... sabi ko.
Really....? parang sinaniban ulit at may iniisip mo na kapilyuhan.
Tumango ako. Then help me to take bath....
Po....?! you told me you can do everything....?
Bumangon siya mula sa kama at sinadya atang maghubad sa harap ko.
Agad akong tumalikod dahil sa hiya at sigurado ako pulang-pula na rin ang pagmumukha ko ngayon!
Hindi ko na nakita ang pagngiti niya.
After I bath bring my towel... no need for you come inside.... but if want you are free to come.... bulong niya sa tenga ko.
Nakaramdam ako ng kilabot ng dumapyo ang hininga niya sa tenga ko.
Parang libong boltahe ng kuryente ang dumapo sa katawan ko.
Dinig ko ang lagaslas ng tubig sa loob.
Wala akong nagawa kundi hintayin siya
Give me the towel...narinig ko ang baritonong boses niya.
Pikit-mata kong iniabot ang tuwalya sa siwang ng pinto.
Hindi nagtagal ay lumabas din siya.At eto nanaman ako hindi mapakali.
Nakita ko ulit ang katawan niya.
Noong mga nakaraan di ko napansin ang mga pilat sa likod at tagiliran niya.
Mukhang napansin niya ang tinitignan ko.
Are you interested with my scars?tanong niya at wala man lang kangiti-ngiti.
H-hindi po....napayuko ako at tila napahiya.
These scars remind me of what I have been through when I was young....sabi niya habang nagbibihis.
Bahagya akong tumalikod.Napaka-akward naman magbibihis sa harapan ko pa!
Hindi ko namalayan ang paglapit niya.
Bigla niya akong hinarap sa kanya.
Namilog ang mga mata ko ng hawakan niya ang kamay ko at dalhin sa tagiliran niya.
Ngayon ay nasasalat ko ang pilat doon.
Nakaramdam ako ng awa para sa kanya kahit hindi ko pa alam kung saan at paano niya nakuha ang mga ito.
Leave....I will call you when I need you..
S-sige po....ang weirdo talaga ng lalaking to sa isip ko habang palabas ng kuwarto niya.
Sa pasilyo ay nasalubong ko si senyorita Czarina.
Saan ka galing?mataray niyang tanong.
S-sa kuwarto po ni senyorito Delta....
At anong ginagawa mo doon?lahat na lang ba ng mga lalaki sa ranchong ito ay lalandiin mo?!Wala ka talagang kahihiyan!Tasia leave Delta alone....he'mine naiintindihan mo?!
Itigil mo Yan Czarina....!boses ni don Demitri at mukhang paparating.
Walang ginagawang masama si Tasia.
Ang kapatid mo ang humiling na maging personal caregiver ng kapatid mo.
P-pero papa...!
No more buts....Tasia you can go....baling niya sa akin.
Agad akong nagpaalam sa kanila.
Leave him alone....?anong ibig sabihin ng senyorita sa mga sinabi niya?naguguluhan ako.Umpisa pa lang ramdam kong hindi kapatid ang turing niya sa senyorito.Pero bakit kaya?
Hmmmp....!buhay nila yan....
Dumating ang araw na pinakamasakit.
Lahat sa rancho ay abala sa paghahanda ng maraming pagkain.
Ang buong pamilya ay pumunta sa lungsod.Ngayong araw ang kasal ng lalaking minahal ko at nangakong ako lang ang mamahalin.
Tama ang kasabihan kahit kailan ay hindi bagay ang mayaman sa mahirap.
Magkaibang mundo....pinilit kong maging kaswal at walang nararamdamang sakit.Pero sa loob ko durog na durog na ako.
Nagsaya ang mga taga rancho kahit hindi dito ginanap ang kasal.
Ako naman pagkatapos ng mga gawain ay nauna ng nagpaalam at hindi na nakisalo sa pagdiriwang na sanhi ng aking pighati o diba makata ako?
Sa loob ng silid namin dito ko ibinuhos ang huling luha ko para kay Ethan.
Magiging bahagi na lang siya ng nakaraan ko na kailangan kong kalimutan.
Tasia....makakalimutan mo rin siya....