Chapter 22 Wala akong nagawa. Lahat ay nakatingin sa'min ramdam ko ang pag-aalala sa mga mata ni lola Caridad. Binitbit niya ako at dinala sa judge na magkakasal sa'min. Walang ni isa man sa pamilya niya ang kasama. Ang witnessed ay si Leynard na tauhan niya at yong babae ko ay hindi ko kilala. Sa isang iglap maybahay na ako ng makapangyarihang mafia.. Delta Monticillo Mancini Dead 21 Head of Mancini family.... a powerful family resides in Italy... yan lang ang alam ko sa kanya at ang tunay niyang trabaho. Kaya pala takot at ilag ang karamihan sa kanya. Totoo pa lang pumapatay siya ng tao. Ako na ngayon ang Ms. Delta Mancini. Nakatingin pa rin ako sa marriage certificate na hawak ko sa mga kamay ko. Hindi ko siya makausap dahil busy siya sa kausap niya sa cellphone at hind

