“REALITY LIES” EPISODE 27. ◆General's POV.◆ Maagang nagising si Pauleen dahil maaga palang ay nakatulog na siya. Lumabas siya sa terrace ng kwarto kung saan tanaw ang pool maging ang dagat. Nakita niya naman si RJ na kasalukuyang nag-iihaw ng isda. Kita niyang basa ito kaya naisip niyang marahil ay ito ang nanghuli sa isdang iniihaw nito. Pero agad na napakunot ang noo niya nang lumingon sa gawi niya si RJ at ngumiti ito ng konti. Inirapan niya naman ito at tinalikuran. "Anong nakain niya't may pangiti-ngiti pa siya? Tsssss.." Napapaikot ng mga matang saad ni Pauleen sa sarili niya. Nagpasya na din siyang maghilamos at magbihis saka lumabas ng kwarto. Binati naman siya ni Tesse na siyang naghahanda na ng kanilang almusal. Maging sina Tamsin at Tanamy ay binati din siya. Tumutulong a

