“REALITY LIES” EPISODE 26. ◆General's POV.◆ Kinabukasan, maagang nagising ang mga magkakaibigan maliban kay Pauleen. Kinausap din naman muna nila saglit si RJ na siya ng bahala kay Pauleen bago sila umalis papunta sa kani-kanilang trabaho. "Aaarrhhhmmpp..." Reklamong daing ni Pauleen habang hawak ang ulo niya at pababa ng hagdan. Sumakit kasi ang ulo niya dahil hindi siya nakatulog ng maayos. Nagtaka pa siya dahil wala ang maiingay niyang kaibigan. Pero ng maisip niyang pumasok na ang mga ito sa trabaho ay nagkibit-balikat nalang siya at nagpasyang pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. "AAAAAHHHHH!!!." Pero tila nawala ang pagsakit ng ulo ni Pauleen nang lumabas si RJ sa CR na nasa may kusina mismo na walang damit pang-itaas at tanging tuwalya lang ang takip sa may bewang nito pabab

