Drake Jordan Delgado's POV
It's been three days since bigla ako'ng sumikat at ginawang katatawanan sa social media.
Nung una ay natatawa pa ko sa kasinungalingan na nababasa ko pero ng makita ko ang mga pinagagawa ng ilang mapanghusga na netizen kung saan ineedit ang larawan ko kasama ang iba't-ibang lalaki ay parang nasusuka ako, ang iba ay nakagawa pa ng video using AI na akala mo talaga ay ako ang nasa video at nakikipaghalikan sa isang lalaki.
Sobrang tindi talaga ang trip ng mga tao online, at para hindi ako ma-stress ay nilubayan ko muna ang social media na ginawa ako'ng katatawanan.
I, Mayor Drake Jordan Delgado, became an instant meme online.
Katatapos ko lang mabasa ang folder kung saan nakalagay ang impormasyon kung papaano nagsimulang kumalat online ang tungkol sa kasinungalingan na kumakalat sa akin, at hindi ako makapaniwala sa mga nabasa ko.
But then I realized what's new, sa mundong ginagalawan ko lahat ay posible, at walang mapagkakatiwalaan.
Bigla naman nag-vibrate ang cellphone ko.
"Good afternoon Mayor, na-send ko na po."
Pagkabasa ko ng mensahe ay agad ko naman tinignan ang file na shinare online ng taong naatasan ko para alamin ang totoo, and again hindi na naman ako makapaniwala sa napanood ko.
Nang mabasa ko ang tungkol sa maling impormasyon na kumalakat tungkol sa akin ay agad kong pinaimbestigahan kung sino ang may kagagawan nito, at siyempre hindi sapat na malaman ko lang kung sino, kailangan ko din ng piece of information tungkol sa baho ng taong iyon na pwede kong magamit laban sa kanya.
Kuyom ang mga kamao ko habang pinapanood ko ang video hanggang sa matapos.
Buti na lang talaga ay naisipan kong magpa-imbestiga.
Hindi ko naiintindihan kung bakit niya nagawa ang bagay na ito?
Nakapagaling niya mag-drama, siya pa ang unang nagbigay ng comfort sa akin ng pumutok ang balita, at nagbigay ng suggestion para mabilis ko malusutan ang problema gayong hindi naman siya talaga totally honest sa akin, at ang video na ito ang ebidensiya.
Sakto naman tapos na ang pinapanood ko ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.
Napangisi naman ako ng makita siya, just like she always do. May bitbit na naman siyang pagkain para sa pananghalian ko, at dumiretcho siya agad sa lamesita na nadirito sa loob ng opisina ko, at inilalabas na muli ang mga dala niya mula sa paper bag.
"Layla."
Napatigil naman siya sa kanyang ginagawa, at nilingon ako.
"Come here, sit on my lap."
Bigla naman nagliwanag ang mukha niya ng marinig ang sinabi ko, at sumunod siya sa sinabi ko.
Pano ba naman sa tinatagal tagal namin magkaibigan eh ngayon ko pa lang siya kakandungin.
"What's with you today?" She said with a full smile on her face pagkakandong niya sa akin ng nakatagilid at niyapos niya pa ang isang kamay niya sa may balikat ko.
"I just want to thank you for your idea, and I complete agree you. Oras na siguro para mag-asawa ako, bukod sa masosolusyunan ko na ang problema ko ay magiging masaya pa ko." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Oh my God! Are you proposing to me right now?" Nakangiting sabi niya sabay ipinaypay niya ang isang kamay sa kanyang mukha.
Yeah, In your fùcking dreams!
Tumahimik na siya at nakangiting nakatitig sa mukha ko, at nag-aabang ng susunod kong sasabihin.
"I want to show you something." Aniko sabay galaw ko sa swivel chair na inuupuan ko para mapaharap kami sa screen ng aking laptop.
I press played para muling mapanood ang video na kakapanood ko lang.
"Oh, my God! What's this? I'm so excited gumawa ka pa talaga ng video presenta-" Hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil bumulaga na sa harapan niya ang kanyang well...
Agad naman sinara ni Layla ang takip ng laptop at mukhang hindi niya kayang panoorin ang kanyang sarili.
Mapapanood lang naman sa video kung saan siya ay may kasamang ibang lalaki sa ibabaw ng kama.
I don't know who is the fùcking guy, and I don't fùcking care dahil wala naman kami talagang relasyon.
Acting a good girl all the time huh, pero may tinatago pa lang lihim, at iyon ang hindi ko naiintindihan.
She wants me pero mukhang enjoy na enjoy sa piling ng ibang lalaki.
Well, i-enjoy na niya ngayon ang pagkandong niya sa akin dahil heto na ang huli.
Nilingon ako ni Layla, at bakas sa kanyang mga mata ang galit sa pinanood ko sa kanya.
"Drake, what the fùck is this?" Kung kanina sobrang sweet ang tone niya, ngayon naman ay bakas na ang galit sa kanyang boses at bukod pa du'n ay parang nagliliyab sa apoy ang kanyang mga mata na masamang nakatingin sa akin.
"Don't you think ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo? But then I realize what's the fùcking point since you're a fùcking liar!" I said in a calm tone manner.
Bigla siyang tumayo at hinawakan ang laptop sabay binato iyon ng malakas sa may pader.
"Fùck!" Napamura naman ako sa gulat sa ginawa niya.
Sa lakas ng pagkakabato niya ay paniguradong nasira iyon dahil may parts na nahiwalay bago bumagsak sa sahig.
So this is the real her. Masama pala talaga ang ugali niya taliwas sa lahat ng pinapakita niya sa akin na isa siyang mabait, maalaga, at mabuting babae.
Uminit ang ulo ko sa ginawa niya. Hindi niya ba pansin that I still remain calm despite ng panggagago niya sa akin.
Well, I have to dahil nasa loob kami ng tanggapan ko.
Layla is the one to blame, siya ang lumabas sa imbestigasyon na nag-utos at nagbayad para kumalat ang maling information about me circling online.
It turns out na nalaman ni Layla ang tungkol sa sinabi sa akin ni Stephanie nung nagpunta siya dito, and she grabs the opportunity to create lies about me, and then she's suggested to me that we should get married para mapatunayan na mali ang mga sinasabi sa akin ng mga tao.
Gusto niya pakasalan ko siya pero may iba naman bumabayo sa kanya?
What a great way to deceive me? I should give her a clap for her good plan, but she doesn't know me so well.
She really thinks na hindi ko malalaman?
Nilapitan naman ni Layla ang laptop na nasahig na ngayon na mukhang hindi na mapapakinabangan.Bakas sa mukha niya ang pagsisisi sa ginawa niya bago nag-angat muli ng tingin sa direksyon ko.
"I'm sorry Drake, hindi ko sinasadya, I promise papalitan ko 'yung laptop mo, hindi ko alam kung sino ang nagpadala sa'yo ng video, it's fake you know, that's not me. It's an AI." Naiiyak niyang sabi.
Napahawak naman ang isang kamay ko sa sentido ng aking noo para bahagyang hilutin iyon, at nakakasakit ng ulo ang pinagsasabi nito ni Layla, I can't believe her. Sinusubukan niya pa din lumusot.
"Please, Drake believe me, hindi totoo ang bidyo na 'yun! Someone just put my face in that woman." Sabi niya na tila pinipilit ako na paniwalaan siya hanggang sa nagsimula ng pumatak ang mga luha sa magkabilang mata niya.
Kung may ibang makakakita sa itsura ni Layla ngayon ay malamang kinaawan na siya pero hindi niya ko madadaan sa pag-iyak iyak niya.
Kung tutuusin wala naman ako pakiealam sa sѐx scandal niya, I'm just using it as leverage para lubayan na niya ako.
Matibay ang ebidensiyang hawak ko na siya ang nagpakalat ng maling impormasyon sa akin dahil umamin mismo 'yung taong inutusan niya.
Mula sa pagkakaupo ko ay tumayo ako para lapitan siya, at kailangan ko ng tapusin ito.
"Shhhh, don't cry, hindi naman ako galit." Malumanay kong sabi sa kanya.
Hindi talaga ako galit, dahil GALIT NA GALIT ako!
Tumigil naman si Layla sa pag-iyak pero napakunot ang noo ko sa ginawa niya.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin, akmang hahalikan niya ako, buti mabilis ako'ng nakaiwas at naalis ko agad ang dalawang kamay niyang nakahawak sa mukha ko.
Fùck! Is she trying to seduce me?
"Drake, I'm sorry, please huwag ka maniwala sa mga taong naninira sa akin." Pagmamakaawa niya, at patuloy pa din ang pagbagsak ng mga luha sa gilid ng magkabila niyang mata.
Hinawakan ko naman ang magkabilang balikat niya, at seryoso ako'ng tumitig sa mukha niya.
"Layla, listen to me, cause I'm only gonna say this once. I'm not going to tell anyone about your dirty secrets as long na lulubayan mo na ko. From now on hindi ka na pupunta dito, at kung tsakaling hindi maiiwasan na magkita tayo sa iisang lugar or event, we will just casually said hi to each other, and that's it. No more, no less. Leave now and never come back." Seryoso kong sabi sabay bitaw sa kanya.
"What?!" Sabi niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.
She acts like na hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
Sinabi ko ngang one time ko lang sasabihin. Bahala siya kung hindi niya maintindihan, hindi ko na siya sinagot pa at bumalik na ko ng upo sa aking swivel chair.
Hindi naman kasi maiiwasan na hindi muling mag-krus ang aming mga landas dahil anak siya ni Gov. Deluca. One of the reason kung bakit nagtitimpi ako ngayon. I have to be careful with my actions, at hindi ko masasabi, baka mamaya at kasagwat niya pa ang ama niya para siraan ko, and they are waiting for me to snap.
I have to remain my calm.
Kagaya nga ng sinabi ko wala na talagang mapagkakatiwalaan ngayon.
Umiling-iling naman si Layla sa mga sinabi ko, at pinunasan niya ang kanyang mga luha sabay lapit sa harapan ko.
"No, you can't do that! How about 'yung sinabi mo kanina na you agree with me, na ready ka na mag-asawa.You know you need me, ako lang ang makakatulong sa problema mo." Sabi niya sa mataas na boses sabay turo sa kanyang sarili.
Hindi gumana ang pag-iyak iyak niya kanina kaya ngayon naman dinadaan na niya sa pagsigaw.
Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"You mean the problem that you started so I could marry you?" I said mockingly.
Gusto niya pa talaga isa-isahin ko sa kanya ang kasalanan niya sa akin bago talaga siya umalis.
Natahimik naman siya sa sinabi ko, at bago pa siya mag-imbento ng kung ano mang kasinungalingan ay ako na ang muling nagsalita.
"Tama ka ready na ko mag-asawa at magpakasal ka pero mali ka sa part na ikaw ang kailangan ko! I don't fùcking need you because I already have a bride, so you fùcking leave now!"
Nagtagis ang bagang niya, and at the same time I can see the pain in her eyes, at muli na naman may pumatak na luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Pinalitan mo ko? At sino naman ang ipinalit mo sa akin?" Sabi niya sa nanginginig na boses.
Tang-ina naman 'tong babae na 'to kung makapagsalita ay akala mo talaga ay pinangakuan ko siya ng kasal.
Hindi pa rin ba talaga siya aalis?
"Just leave now." Tanging nasabi ko, at pagod na ko makipagdiskusyon sa kanya na siyang lalong ikinagalit niya.
"Hindi ako makakapayag sa sinasabi mo Drake. Heto ang pakatandaan mo hindi ito ang huli natin pagkikita, at kung may dapat kang pakasalan ay ako 'yun, it was my idea at bukod pa du'n ay ako ang kasama mo simula ng nagsisimula ka pa lang, I supported you all the way from the beginning, ako ang nauna, ako ang nagpakahirap, ako ang original kaya ako ang dapat. Hindi ako makakapayag na mapunta ka sa iba." Madiin at galit na galit niyang sabi bago siya taas noo na naglakad palabas ng opisina ko.
Buti naman at umalis din kaso may pagbabanta pa, akala mo naman masisindak niya ko.
She's losing her mind, bagay talaga sa kanya ang apelyido niya.
Nag-vibrate naman ang aking cellphone, at agad tinignan ang mensahe na dumating.
Napangiti naman ako ng makita ko ang picture niya.
Nasa isang grocery store si Stephanie at may bitbit na grocery basket.
Since tinanggihan niya ang alok na trabaho ko sa kanya ay may inatasan ako na i-monitor ang mga bawat galaw niya.
Dalawang araw siyang hindi lumabas, ngayon lang ulit.
Maraming larawan ang pinadala sa akin, at isa-isa ko 'yun tinitignan hanggang sa unti-unting nawala ang ngiti ko labi dahil sa mga sumunod na picture na nakita ko.
Bawat scroll ko sa picture ay palapit ng palapit ang isang lalaki, at malinaw na makikita sa larawan ang pag ngiti nilang dalawa sa isa't-isa na hindi ko nagustuhan.
Napahigpit ng husto ang paghawak ko sa aking cellphone habang tinitignan ko ng maigi ang masayang mukha ni Stephanie habang kasama niya ang lalaking hindi ko kilala.
Humigpit ng humigpit ang pagkakahawak ko hanggang sa hindi na ko nakapagpigil pa.
Naibato ko ang cellphone sa may gilid ko, at tumama iyon sa parehong pader kung saan ibinato ni Layla ang laptop ko kanina.
Kaya magkatabi na ngayon sa sahig ang aking sirang laptop at cellphone.
Ipinikit ko ang aking mga mata.I breathe in and out trying to calm myself dahil sobrang bigat ng paghinga ko dahil wala ako mapaglabasan ng galit sa mga oras na 'to.
I'm so fùcking mad!
Minulat ko ang aking mga mata at nagpasyang tumayo, at magpalakad lakad sa harapan ng table ko baka sakaling makabawas ng bigat sa dibdib ko.
Pagdating sa akin ay napakadamot niya, tapos sa lalaking 'yun na ang panget naman ay pangiti ngiti siya.
Ayokong makita na ngumingiti siya sa iba, akin lang ang ngiti niya!
Akin lang ang lahat ng sa kanya!
Hindi ako makapapayag na mapunta siya sa iba.
Napatigil ako sa aking paglalakad, at may sumilay na ngisi sa aking labi sa naisip ko.
Stephanie Marley Molina, humanda ka at iuuwi na kita.