Drake Jordan Delgado's POV
Kalalabas lang ni Stephanie sa opisina ko, at talagang nagalit siya ng husto sa akin, tinawag pa kong bàkla.
Bàkla pala ah?! Tignan natin sa mga susunod na araw kung masabi pa niya sa akin 'yan.
Bumalik na ako ng upo sa working desk ko, at hindi pa din matanggal ang ngiti sa aking mga labi habang tinitignan sa kamay ko ang itim panali na kinuha ko mula sa kanya. Inalis ko iyon sa aking kamay sabay dinala sa tapat ng aking ilong.
Napapikit ako ng muli kong malanghap ang amoy niya na kay tagal kong hindi nasamyo.
Fùck! I want her.
It's been years, and it's time na i-approach ko na siya.
I'm just so mad at her dahil bakit ba parang takot na takot na siya agad sa akin eh wala pa naman ako'ng ginagawa sa kanya.
Over the years, ang buong akala ko ay nakalimutan ko na siya pero tila bumalik ang lahat ng makita ko siya sa kahapon.
(FLASHBACK: MAYOR'S PROGRAM SCENE)
Nakaakyat na ko sa may stage at umupo sa upuang nakalaan sa akin. Kasalukuyang nagsasalita ang itinalagang host ng programa habang ako naman ay kunwaring nakikinig pero ang totoo ay pasimple kong pinapasadahan ang buong paligid para mahanap siya.
Ang sabi kasi sa akin ni mommy ay umoo daw si Stephanie na maging photographer reliever ngayong araw pero wala naman ako'ng nakikitang kumukuha ng mga larawan.
Inilibot kong muli ang aking paningin hanggang sa....
There she is ...
Nasa ibaba ng stage, busy sa pagkuha ng mga picture gamit ang kanyang professional camera, wearing a simple jeans and blouse, may back pack na nakasukbit sa kanyang likuran, sobrang ayos at banat na banat na naman ang pagkakatali ng kanyang buhok at parang gusto ko naman hilahin iyon tulad ng palagi kong ginagawa noon.
Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin niya binabago ang style ng tali ng kanyang buhok na ayokong ayoko, I don't know pero lagi ko napagti-tripan noon na tanggalin ang panali ng kanyang buhok tuwing may pagkakataon ako.
Gustong gusto at masaya ako tuwing nakikita ko na naiinis siya sa akin noon.
Pasimple kong pinagmasdan ang kanyang kilos, mabilis at tahimik siyang gumagalaw, lumilipat ng pwesto para makakuha ng anggulo.
Hindi ko malaman kung bakit biglang nag-iba ang pakiramdam ko ngayong muli ko siyang nakita ng personal. Parang nagbalik ang kabataan namin. Parang gustong gusto ko siyang lapitan kahit alam ko naman na iiwasan niya lang ko, at hindi papansinin pero kahit gano'n ay lagi ko pa din siyang pinapansin kahit lagi kaming nauuwi sa asaran na siyang dahiln ng kanyang palaging pag-iyak.
Napatingin ako sa korte ng katawan niya ng bigla kong nainitan. Simple lang naman ang porma niya walang wala sa mga babaeng naka-date ko noon pero iba ang dating niya sa akin.
Napalingon at napatingin naman ako sa sekretarya kong si Maggie na katabi ko ngayon ng bigla niyang itinapat sa akin ang portable fan na hawak niya.
"Gusto niyo po hiramin, pawis na po kayo eh." Sabi pa niya.
Umiling naman ako, at inilabas ko na lamang ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ko ang aking noo, at leeg na pinagpawisan na pala at kinuha at binuksan ang bote ng mineral water na nasa harapan ko at agad na ininom. Naubos ko ang laman ng buong bote pero it's odd na pakiramdam ko ay uhaw pa din ako.
Muli naman ako'ng napatingin sa kinaroroonan ni Stephanie.
Busog na ko sa tubig, at alam kong ibang uhaw ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Parang hindi sapat na maging reliever lang siya para sa araw na ito.
Ngayon nakita ko na siya muli ay hindi pwedeng hindi ko na siya araw-araw makita, I want to see her everyday. Kailangan ko gumawa ng paraan para makasama ko siya araw-araw.
Maybe it's time na siya na ang gawin kong official photographer para lagi ko siyang makasama.
Nakatingin pa rin ako sa direksyon niya ng bigla siyang napatingin sa kinaroroonan ko at saglit nagtama ang aming mga paningin at agad siyang umiwas at tumingin sa camera na hawak niya.
Kasalukuyan siyang nakatingin sa may screen ng camera niya, maybe tinitignan or chinecheck niya ang mga litratong na-capture niya.
Hindi ko naman nagustuhan ang ginawa niya, balak ko pa naman sana siyang ngitian pero agad niya kong iniwasan.
It's been fùcking years pero ramdam ko pa din ang pagkaayaw niya sa akin.
Sa nagdaang panahon ay masyadong mailap ang babae, hindi ko alam kung sadyang iniiwasan ba niya ko or talagang nagkakataon lang na hindi talaga kami pinagtatagpo ng pagkakataon.
Hindi ko alam kung bakit ba parang lagi siyang ilag sa akin kahit pa noong mga bata pa kami. Siya lang ang hindi nalapit at nakikipaglaro sa akin, at hindi niya ko pinapansin at malaking insulto 'yun sa akin dahil halos lahat ay gusto ako'ng maging kaibigan maliban sa kanya.
Hanggang sa magbinata at magdalaga na kami. Hindi ko alam sa sarili ko pero galit na galit talaga ako ng malaman ko na nagkaroon siya ng boyfriend. Hindi ko talaga inasahan na magkaka-nobyo siya dahil sobrang tahimik niya at pakiramdam ko ay ilag siya sa mga lalaki but it turns out ako lang pala ang iniiwasan niya na lalong ikinagalit ko.
Natapos na ang program at hinihintay ko na lumapit siya sa akin pero hindi niya ginawa, ako na nga sana ang lalapit kaso bigla naman siya nawala.
Pakiramdam ko ay pinagtaguan niya ako kaya naisipan kong gawin tseke ang ibabayad sa kanya para muli ko siyang makaharap.
(PRESENT)
Hawak hawak ko pa rin ang panali ng kanyang buhok ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.
Fùck! Ang kulit talaga ng babaeng 'to. Kung hindi lang 'to anak ni Gov ay ipapa-ban ko siya sa pagpunta punta niya dito.
Agad ko naman inilagay sa bulsa ko ang itim na panali ni Steph para itago.
"Hi, may dala ako'ng lunch." Sabi ng nakangiting si Layla habang pumapasok sa loob ng aking opisina.
May bitbit siyang dalawang paper bag at agad na dinala iyon sa may table, at agad inilabas ang mga laman na pagkain nito sa loob.
Ilang beses ko ng sinabi sa kanya in a nice way na hindi niya kailangan gawin ang bagay na ito pero sadyang matigas ang ulo nito ni Layla, at ayaw sumuko.
Tumayo na ako, at wala naman ako'ng magagawa, inaayos na ni Layla ang set-up ng lunch ko.
"Thank you." Sambit ko sa kanya
"No need, ano ka ba? Parang bago, hindi ka pa nasanay sa pagdadala ko ng food sa'yo, tara kumain na tayo." Anyaya niya sa akin, at umupo na nga kami at nagsimula ng kumain.
Habang tahimik kaming nakain ng tanghalian ni Layla ay hindi pa rin maalis sa isipan ko si Stephanie.
Stephanie Marley Molina, pasasan ba at makukuha din kita.