Stephanie Marley Molina's POV "Ah mamaya ko na lang aayusin 'to, magbabanyo muna ako," Paalam ko kay Drake habang inilalapag ko sa ibabaw ng kama ang mga ibinigay niya. At tang-ina naman talaga oh! Sa pagmamadali ko ay nadapa pa ko pero agad din naman ako'ng nakabangon at patakbo na pumunta sa banyo sabay locked ng pinto at agad kong isinandal ang aking ulo sa may pinto nito. Kung kailan naman nagmamadali ako makalayo sa kanya ay tsaka pa talaga ako nadapa. Ano'ng nangyayari sa akin nagiging clumsy na ata ako? Hindi naman ako ganito dati. Thud thud thud.... Napapitlag naman ako ng bigla kong narinig ang pagkatok niya. Ano ba yan? Ang lakas na nga ng kabog sa dibdib ko nanggulat pa talaga siya. "Steph, my love nakita ko na nadapa ka, okay ka lang ba?" Halata sa tono ng boses niya

