Drake Jordan Delgado's POV Kasalukuyan na kaming nakain sa restaurant ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko, hindi ko muna pinansin at patapos na rin naman ako kumain, tsaka ko na lang tinignan ng matapos ako. Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa at may text message na dumating mula kay hepe. Agad kong pinindot ang notification para mabasa ko ang mensahe. Chief Marquez: Good evening Mayor, may problema. May babaeng nagpunta dito at gustong mag-report na missing person daw si Ms. Stephanie Marley Molina, ilang beses ko na sinubukan pakalmahin ang babae pero ayaw makinig. Napakunot ang noo ko sa nabasa ko, saglit naman ako'ng tumingin ako kay mommy at kay my labs, uy huli ko siya. Nakita ko tinitignan ni may labs tapos biglang umiwas ng tingin sa akin, at kunwaring tumingin sa plato

