Chapter 11: The Dark Past

1886 Words
“YOU hurt my feelings, Kate. Though alam ko naman na nahihiya ka lang sa kanilang umamin.” Hindi niya alam ang magiging reaksiyon niya sa huli nitong komento. Kailangan na nito ng gamot! It was official! Gabby Yong is the most narcissistic bachelor on planet Earth! Lagi na lang siyang napapatigil sa mga isinasagot ni Gabby sa kanya. Akala niya ay korni lang itong magbigay ng pick-up lines, korni rin kahit ang mga hirit nito sa kanya. “Shall we go? Male-late kasi ako,” aniya na pinipigilan na mag-init ang ulo. *** YONG Corporation, Manila office branch. Ilang eskenita lang iyon mula sa Helena Grand Hotel na pinapasukan ni Kaitlin kaya doon niya napiling tumuloy. Alas otso ng umaga ang meeting niya kay Isabel Cuevas. Buong magdamag siyang nagtrabaho ngunit mataas pa rin ang kanyang enerhiya dahil mahaba-haba ang naging tulog niya noong nagdaang araw katabi si Kaitlin. Surprisingly, he likes Kaitlin’s scent. He loves how soft her skin was, and the sound of her sleeping. Everything about her seems sweet, and it calmed him down. “Boss, is there anything you need?” ani Winona na napuna siyang nakatulala. Siguro ay una nitong mapuna na wala siyang ginagawa at nakatulala lang sa kanyang kape. “What’s with Kaitlin? Ilang beses niya na akong tinanggihan sa pag-aya ko sa kanya ng date. Kahit noong nakaraan ay napagastos ako nang malaki para lang maka-date ko siya. Ngayon naman ay hindi siya naguguwapuhan sa ‘kin?” “Isn’t it good news, boss? Hindi ba’t ayaw mo ng babae sa isang lugar?” Tiningnan niya ito nang masama. "Kung ayoko ng babae, ano pala ang ginagawa mo rito?” Winona felt speechless. “Something is wrong with her.” “Do you like Ms. Kaitlin, Boss Gab?” She always likes Kaitlin. Ito ang babaeng tumulong sa kanya noong kailangan niya ng therapy. Ngunit hindi niya sinagot si Winona dahil masyado iyong personal. Hindi nito alam ang nakalipas niya. May kumatok sa pintuan na siyang nagpatigil sa kanila ng kanyang assistant. Lumapit ang huli sa pinto at saka may kinausap doon. “Boss, nandyan na ang grupo ni Ms. Isabel,” anito. Tumayo si Gabby at saka nagtungo sa conference room nang nakasunod si Winona. Pinagbuksan sila ng kanyang bodyguard. Naroon ang babae kasama ang event organizer at presidente ng organisasyon nito. Naroon din ang kanyang Marketing Director na siyang namamahala sa event na magaganap. Umupo si Gabby sa dulong bahagi ng mahabang mesa, ilang metro ang layo sa kanyang mga bisita. “Good morning!” “Good, Mr. Yong!” Ngumiti sa kanya nang matamis si Isabel. Nagpatuloy ang usapan. May isang buwan na preparasyon sila para sa ballet concert ni Isabel. Kukunin nila ang oportunidad na iyon para sa kanyang bagong modelo ng sasakyan na ito mismo ang mag-e-endorso. “What happened to Mr. Ruiz?” tanong niya nang mapuna na iba na ang talent manager ng babae. “It’s just that I don’t like changing the person in charge of a certain job. Isn’t Mr. Ruiz the one who kept on bugging us about this project in the past?” tanong ni Gabby Nagkamot ang ulo ng bagong manager ni Isabel. Si Winona ang sumagot para sa mga ito. “I emailed you about it, boss. Well, something happened between Ms. Isabel and her ex-fiance, Mr. Dmitri Ruiz. Para makaiwas sa problema dahil sa ebidensiya na sinaktan siya ni Mr. Ruiz, we have to remove him in this project.” Too bad. Nais niya sanang parusahan ang taong iyon sa ilang beses nitong panunutya kay Kaitlin. Marami sana siyang plano sa lalaki. Gayunman, ayos na rin sa kanya na nakaalis ito sa team. Natapos ang plano para sa konsiyerto ni Isabel. Isang linggo bago ang itinakdang araw ay pupunta sa Pilipinas ang mga kasama nito para sa paghahanda. Magsho-shoot din si Isabel para sa commercial. “Mr. Yong, nakakahiya man, ngunit gusto sana kitang imbitahan para mag-dinner. I’m thankful for the opportunity you gave me. Gusto ko sana iyong suklian,” wika ng babae. “If you really thankful for this project, have dinner with Mr. Moralez. He’s the one in-charge.” Itinuro ni Gabby ang kanyang Marketing Director. Ngumiti naman ang huli nang makahulugan. “But—” “Goodbye and thank you!” Tumayo na siya nang walang sabi-sabi. Ngunit halatang walang plano ang sikat na balerina na pakawalan siya. Hinabol siya nito. “Mr. Yong! Please!” Nahawakan ni Isabel ang kanyang pulsuhan kaya naman tila gumapang ang kilabot sa kanyang katawan mula roon. May madilim na imahe na naglaro sa isipan ni Gabby—babaeng may mapulang labi na kakulay ng nag-aalab nitong bestida. “No one will separate us,” wika nito sa kanyang imahinasyon. “Our hands were fit together…” “Damn it!” Naningkit ang kanyang mata kay Isabel na para bang ito ang babaeng pumasok sa kanyang isipan habang nauubusan ng hangin sa dibdib at pinagpapawisan. “Get the fvck away from me!” Mabilis siyang pumasok sa kanyang silid. *** “SHT!” usal ni Winona na napuna ang mga naganap. “Oh, my God! I-I’m sorry!” ani Isabel na natakot nang bahagya sa nasaksihan. “Ms. Calves! If you really want this job, watch your actions! Wala ba kahit isa ang nagsabi sa ‘yo na walang sinoman ang pwedeng makalapit kay Mr. Yong?” Natigilan naman si Isabel. Lihim din siyang nagngingitngit. Isa lang itong simpleng assistant, ano ang karapatan nito na pagalitan at pahiyain siya? Bakit si Kaitlin na mukhang pipitsugin ay pinapayagan ng lalaki na lapitan nito? Paano niya iyon maiintindihan? Akala pa naman niya ay madali na lang ang lahat lalo na at naidispatsa niya si Dmitri. “Ms. Winona, pagpasensiyahan mo na lang si Ms. Isabel. Sigurado na mabuti ang kanyang intensiyon,” ani Mr. Morales. Hindi na sumagot ang babae at sumunod ito sa pagpasok sa pribadong opisina ni Gabby. Inayos niya ang postura at pagkatapos ay sumunod sa kanyang team. “Pasensiya na kayo,” aniya na nagmukhang nagpapaawa at nagsisisi. “If you really were greatful, have dinner with me, Isabel,” ani Mr. Moralez. May edad na ang lalaki at alam niya ang nasa isipan nito. Kung iniisip nito na makakaisa ito sa kanya, mag-isip ito ulit. “Maraming salamat, sir. I will contact you again. Nabigla lang ako sa reaksiyon ni Mr. Yong.” “Hindi naman iyon bago. Nabalitaan ko na mula pa sa main branch sa Singapore na wala talagang makakalapit kay boss. Wala pa siyang naging karelasyon kahit na sino. Ang tanging babae lang na nakalapit sa kanya ay si Winona.” “How about Kate?” usal niya. Hindi ba’t nobya ito ni Gabby? Kaya nga malakas ang loob niya na akitin ang lalaki ay dahil kay Kate. “Nobya siya ni Mr. Yong.” “Kate? Ah, for sure she’s nothing. Baka nagpapanggap lang siyang nobya ni Boss Gabby. Balita ko kasi ay hinahanapan siya ng asawa ni Madam Yong, his grandmother.” “Asawa?” “Yes. A friend of mine is a marriage consultant, a match maker. Siya ang nagsabi sa akin na kliyente niya recently si Madam Yong. Idinahilan ni boss na narito siya sa Pilipinas kaya naudlot ang match making na naganap na sana. Haaay! We would not understand these rich people. We don’t know what’s on their mind.” “I wanted to know and possibly meet your matchmaker friend, Mr. Moralez. Siguro naman ay maipakikilala mo ako?” Ngumiti siya nang matamis. “Sure, but on one condition…” Kumindat ito sa kanya. She was disgusted. However, she did heavier than this. She’ll do everything to get what she wants. *** “ARE you alright, boss?” nag-aalalang tanong ni Winona kay Gabby matapos nitong pumasok sa loob ng kanyang pribadong silid. Naabutan siya nito na nagbubuhos ng alcohol sa katawan. “I’m sorry. I was careless. Hindi dapat namin siya hinayaang makalapit sa ‘yo.” “Ayos lang.” Isinandal niya ang katawan sa kanyang malapad na swivel chair. Nakababawi na siya sa paghinga. Naikuyom niya rin ang kamao. Kailan kaya siya makatatakas sa anino ng babaeng iyon? Ang babaeng dahilan kung bakit wala siyang nakarelasyon kahit isa. Ang babaeng nakapasok sa kanyang buhay nang walang sabi-sabi at naging dahilan kung bakit nag-e-exist si Gabriel sa kanyang mundo. Kate… *** FINALLY, Kaitlin went home. Dati ay safest place niya ang casino, ngunit ngayon ay medyo naiinis siya dahil inaabala siya ni Gabby. Kahit sa pagkain niya ay mukha ng lalaki ang nakikita niya. Eksakto na pagkapasok niya ng pintuan ng kanyang maliit na apartment ay nag-blink ang kanyang cellphone na nakapatong lang sa cabinet. Hindi niya ito dinadala dahil ayaw niya na may tumawag o kumontak sa kanya. Literal niyang pinutol ang komunikasyon sa lahat. Nakita niya ang mensahe ni Khalid. Khalid: Please let me know once you have read this message. Advance ang oras sa Korea kaya naman ilang saglit lang ay nagri-ring kaagad ang kanyang telepono. “Hi, Kate!” anito sa kabilang linya. “May problema?” “I saw Angel.” Higit sa lahat ay siya ang nakaiintindi sa babaeng binaggit nito. She was Khalid’s best friend, the love of his life who ran away from home. “Good to know. I miss her.” “Listen, I heard Gabby Yong was there. He is the one who is promoting and sponsoring Isabel Calves’ show. Nand’yan din ang ex mo na si Dmitri. Have you seen them?” “Yes.” “Kate, alam ko na hindi ka na makapagsasayaw, pero hindi mo ba ninanais na makaganti sa kanila? You are a Bernard from Sweden!” Nanginig siya sa sinabi nito. “Enough! I was, Khalid. Not anymore. Pinutol ng pamilya ko ang ugnayan sa ‘kin matapos ang araw na ‘yon. Matagal na akong walang komunikasyon sa kanila, hindi pa ba ‘yon sapat? It was my fault!” Natahimik ito saglit. Nanghina siya sa pagsigaw niya rito. Alam niyang nag-aalala lang ito sa kanyang lagay, tulad ni Trevor. “About your question if I want revenge. Funny, but I don’t like Dmitri anymore. Kung magkaroon man siya ng relasyon sa kung kaninong babae ay hindi ko na intindihin. I know that he just used me. At kung magustuhan niya si Isabel kapalit ko, I’m glad.” “But that’s not what I mean, Kate. Alam ko na hindi worthy ang lalaking iyon sa ‘yo. What I mean is about that accident.” Napapikit siya nang mariin sa pagppapaalala nito sa pinakamasamang araw ng kanyang buhay. “Hindi tama na isisi ko sa kanila ang aksidente noon. Ako ang may kasalanan no’n.” “It looks like you didn’t know.” “What should I know?” “May nagmanipula sa makina ng sasakyan mo noon para madisgrasya ang minamaneho mo. It turned out it was Dmitri, who was head over heels in love with your best friend, Isabel.” “What?” usal ni Kaitlin. “But that’s not all, Kate. You and Isabel were together when something happened to you. When, you know, conceived a baby. We found the Canadian blogger now—the tourist. Isabel asked him to kiss you and took photos while you were drunk.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD