Five years ago. BERLIN, September. Nagmamadaling lumabas si Kaitlin mula sa loob ng hotel. Malamig na hamog ang sumalubong sa kanya matapos siyang iluwa ng malaking gusali. Bahagya nang nag-uulan sa bansa at mababa ang klima. Makulimlim ang kalangitan at tila nagbabadya ng mga pag-ambon. Wala siyang pakialam kahit pa nanuot sa katawan niya ang lamig na base sa weather forecast ay 19 degrees. Suot ang magandang tutu, ay tila siya diwata na iniluwa ng kaharian. Hinulma sa katawan niya ang malinis at puting damit na gagamitin niya sa show sa loob lang ng ilang minuto. Iyon ay kung makahahabol siya. May mga feather accessory na nakakabit sa kanyang nakaayos na buhok. Hinayaan niya lang ang ilang mga tao na nasa labas ng malaking bulwagan na sundan ng tingin ang bulto niya. "Kate!" taw

