DAHIL sa kanyang pagdadalang-tao ay lalong sumama ang loob ng kanyang lolo. Maliit lang ang mundo na kinabibilangan niya sa Bernard Family. Kung mananatili siya sa poder ng mga ito, hindi malabong nakarating ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao sa mataas na sosyedad. Nirerespeto ang pamilya niya sa ibang bansa. Bayani ang kanyang ama. May tradisyon din ang pamilyang kinabibilangan niya at malaking kasalanan ang kanyang pagbubuntis nang walang ama. Lalampasuhin hindi lang ang pangalan niya kung hindi pati na rin ang magulang niya kung hahayaan niyang ipagtanggol siya ng mga ito. She could feel the disappointment in her parent’s eyes. They asked what happened, but she was silent. Ayaw na niyang dagdagan pa ang problema ng mga ito sa kanya. Nagdesisyon si Kaitlin. Lalayuan niya ang Pamil

