Chapter 22: He Knew Odette

1630 Words

“ALAM mong ako si Odette?” tanong ni Kaitlin na hindi makapaniwala. Matagal na ang panahon noong sumayaw siya sa entablado para makilala pa siya ni Gabby. Malayong-malayo siya sa Odette. “Yes,” simpleng tugon ng lalaki. “How? I mean, why do you need to recuperate?” Tumatak sa isip niya ang sinabi nito. May sakit ba ito o nagkasakit ba ito noon? Binalot ng kakaibang emosyon ang mata nito. “I’m sorrry, but I can’t share it with you yet, Kate.” Nalungkot siya dahil hindi nito magawang buksan ang totoo sa kanya matapos niyang magtapat dito sa kanyang nakaraan. Gayunman, matapos maisip ang sinabi ni Trevor, baka hindi lang kayang harapin ng lalaki ang takot nito. Pasasaan ba’t bubuksan din nito iyon sa kanya. Malalaman din niya iyon. “Sasabihin ko rin sa ’yo kapag handa na ako. Ang tangin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD