“ODETTE?” usal ng isang babae na para bang inaalala nito kung sino siya. “Yes! I know her. Hindi ba’t siya ‘yong principal ng Berlin Ballet Group dati bago si Miss Isabel?” Principal dancer ang tawag sa pinakamataas na posisyon sa grupo nila. May malalaking kuwestiyon na nakalarawan sa mga tao sa kanyang paligid at hindi siya komportable sa mga tingin na ibinibigay nito sa kanya. Ibinabalik siya sa kanyang nakaraan. “Please forgive Roxanne and our friends, Kate. They were just shocked to see you here. The last time they saw you were five years ago. That night when…” Nanginig ang katawan ni Kaitlin. Halatang ipinaaalala nito sa kanya ang nakaraan. Ang gabing iyon kung kailan nais niyang burahin sa kanyang kalendaryo. Nais niyang ibalik nang paulit-ulit at itanong sa kanyang sarili kun

