NAIKUYOM ni Gabby ang kanyang kamao matapos makita si Trevor at Kaitlin sa bar area, ilang metro ang layo niyon sa kanyang kinaroroonan. Umasim ang kanyang mukha at naaasar siya sa paglalapit ng dalawang ito. Naroon lang si Laiza, ang asawa ni Trevor. Hindi ba siya natatakot na mahuli ng asawa niya? “Mr. Yong?” pukaw ni Isabel na lumapit sa kanilang lugar. Nagkataon na kilala nito ang kanyang kausap. “I’m sorry. Excuse me!” Nagpaalam siya sa kausap na grupo. Malalim ang tingin niya kay Kaitlin na pinamumulahan ng pisngi. Dahil ba iyon kay Trevor? “I believe she’s my date, Trevor Lombardi,” aniya sa lalaki. “So?” he asked nonchalantly. “Trevor!” sita rito ng dalaga. “Yes, Kaitlin?” Nagpukulan ang dalawa ng matalim na titig. Nahiwagaan siya sa parteng iyon dahil kulang sa emosyo

