MATALIM ang tingin ni Gabby sa kamay ni Trevor Lombardi na nakapatong sa balikat ni Kaitlin bago magsara ang elevator pababa ng gusali. Nilapitan niya si Gabriel na nagbubuo ng pouzzle. “We have to follow your Miss Kate.” Iniangat nito ang paningin sa kanya at pagkatapos ay nilingon ang puwesto kung saan nito huling nakita ang babae. “Why?” “Because…” Bakit nga ba? “Because she’s going home. We have to stop her.” Gabriel gave him an annoyed look. “Dad, Miss Kate said she would reward me once I completed this puzzle. She’s not going anywhere, and she would definitely come back.” Umasim ang mukha ni Gabby. Iniisip pa naman niya na magagamit niya si Gabriel tulad ng ginawa nila kay Josh na tauhan ni Madam Helena. Sa puntong ito ay malabo na sumunod sa kanya ang kanyang anak. Umupo siy

