TILA siya babaeng itinago ni Gabby sa asawa nito kung ang pagbabasehan ay ang tingin ng ginang na sa palagay niya ay nasa singkuwenta ang edad. “Mom, what are you doing here?” ani Gabby na hindi maganda ang mood nang makita ang babae. “Ako na nga itong dumalaw sa ‘yo! Ganyan pa ang itatrato mo sa ‘kin? At saka, sino ang babaeng ito? Bakit may kasama kang babae sa kuwarto?” “Salamat sa pagdalaw ngunit personal masyado ang tanong mo.” Tinawag ni Gabby ang isa sa mga bodyguard na Singaporean at nakipag-usap ito sa Mandarin. Hindi naiintindihan ni Kaitlin ang mensahe, ngunit kung ang pagbabasehan ang body language ng dalawa ay pinaaalis ni Gabby ang ina nito. “Aba’t, Gabby! Nanay mo ako! Suwail ka talagang anak! Nagsisisi ako kung bakit kita iniluwal! Hindi ako aalis!” Lalong naningkit

