Kabanata 9

1017 Words
Kabanata 8 China's PoV "Ano'ng gagawin mo ngayon?" tanong ni Nana Selya habang naglilinis siya sa sala. Winawalis ang sahig. "Wala naman po... kung pwede nga lang po na magtrabaho, gagawin ko po dahil nahihiya na ako kina Sir Josiah." sabi ko. "Naku, huwag mong iisipin ang hiya mo, madaming masamang epekto ang hiya." aniya. Bumuntong hininga ako. "Pero kasi po..." umiling ako, hindi ko nalang itinuloy. "Basta sinasabi ko sa'yo. Huwag kang mahihiya dahil hindi naman kami nagiisip ng katulad sa iniisip mo." sabi pa niya. "Salamat po talaga." "Walang anuman hija, tsaka huwag ka sa akin magpasalamat kina Ser Josiah at Ser North ka magpasalamat." "Sobrang bait po nila, kung minsan nga naiisip ko kung nagkakaroon man lang ba sila ng mabigat na problema kasi parang hindi naman..." "Hindi gano'n 'yon hija. Sa pagkakakilala ko kasi kay Ser Josiah, hindi siya nagpapakain sa kanyang mga problema. Kapag may dinaramdam 'yon, maglalasing lang sa gabi tapos kinabukasan wala na." kwento niya. "Si Ser North naman, kahit hindi siya rito nakatira, nakilala ko narin naman dahil madalas siya rito. Magkababata sila ni Ser Josiah. Sobrang close ng mga iyan. Parang magkapatid, si Ser North ang panganay tapos pangalawa naman si Ser Josiah tapos bunso si Ser Israel." humagikgik siya saka umiling at nagpatuloy sa pagwawalis. "Sayang nga lang... ang gusto pa sana nina Senyor at Madam noon ay maabutan ang mga anak nilang makapag-asawa kaso namatay na sila." lumabi siya. "Kawawa din si Ser Josiah kasi siya lang mag-isa ang nagaasikaso sa naiwang kompanya ng mga magulang nila." Hindi ko inaasahan ang kwentong iyon ni Nana Selya. Parang nakaramdam ako ng pagasa sa bawat salita. Sa buhay, hindi lahat ng gugustuhin ay nakukuha, kahit pa paghirapan iyon. Kung minsan mas nangingibabaw parin ang swerte. "Nana, tulungan ko na po kayo diyan." alok ko nang makitang bubuhatin na niya ang banga para mawalisan ang ilalim nito. Lumapit ako doon at ginabayan ang bangang hawak niya. "What are you doing?" North's voice thundered. "S-ser North..." boses iyon ni Nana Selya, dahil sa pagdating ni North ay nawala ang atensiyon ni Nana Selya sa banga na binubuhat niya kaya naman bumigat ang pwersa sa akin. Nawalan din ako ng balanse dahilan kung bakit matutumba na dapat ako ngunit mabilis na tinakbo ni North ang distansiya namin. He made himself as a shield to cover me para hindi rin mabagsakan ng malaki at mabigat na banga. "Jusmiyo! Haluh!" sigaw ni Nana Selya na natataranta. Parang bumagal ang oras, nagkatinginan kami, nakaawang bibig ko habqng siya ay nagiigting ang panga. He...protected me. "Ser North, ayos ka lang? China?" nagaalalang tanong ni Nana Selya. Hinihingal pa si North nang umalis siya sa pagkakaibabaw sa akin. Umupo siya sa tabi ko at ipinatong ang dalawang kamay niya sa kanyang nakatuping tuhod. "Nana Selya..." Iyon nalang ang nasabi ko. Gulat parin sa nangyari. "Didn't Josh told you to just rest? Iyon na nga lang ang gagawin mo―" hindi niya na iyon itinuloy at sinabunutan niya nalang ang sarili niya. Ngunit, halata parin sa kanyang boses ang kanyang iritasyon at galit. Mas nangibabaw nga lang doon ang pag-aalala. "Sorry...wala na nga akong ginagawa rito, nagiging pabigat pa ako." Kinagat ko ang pangibabang labi ko. Napayuko ako dahil sa kahihiyang naramdaman. Gusto ko nga lang namang tumulong, iyon lang ay hindi pala maganda ang naging epekto. Imbes na makatulong, mas lalo pang naka-perwisyo. "Tss...wala akong sinabing, tsk! Just do as we say please?" may pagmamakaawa pa sa boses niya. I swallowed the bile on my throat. Pakiramdam ko na naman ay sobrang tigas ng ulo ko. Kaunting mga panuto ay hindi ko magawa ng maayos. I'm such a brat... "Nana Selya, pakiusap po. Huwag niyo ng isasama itong si China sa mga bagay na ito. Kapag sinabi kasing huwag nang kumilos, huwag ng ipilit. You're making us all worry." Bumaling siya sa akin. "Paano kung wala ako e 'di napahamak ka na?" kaunti nalang talaga ay iiyak na ako. Para akong bata na pinagagalitan ng magulang at natatahimik nalang. "Pati si Nana Selya." pahabol niya pa bago siya tumikhim na para bang may mali sa sinabi niya. "I'll talk to Josiah about this." aniya bago umayos. Nang nakatayo na siya ay inilahad niya ang kamay niya sa akin, ngunit hindi siya nakatigin sa akin. For the nth time, I saw his jaw clenched in a manly manner. Marahan na may kaunting rahas ang pagkakahila niya sa akin kaya naman tumama ang katawan ko aa katawan niya. Umawang ang aking labi at hindi na rin napigilan ang paglaki ng mga mata sa pagkagulat. "Thank you...at s-sorry dahil pinagalala pa–" "What's happening here?" boses iyon ni Josiah na kakapasok lang sa mansion. Kaagad akong humiwalay kay North at inayos ang sarili, yumuko na lang ako roon. Walang ginawa kung hindi ang mahiya sa sariling kamalian. "We need to talk about some sh*t, Josh." may diing sabi ni North. Hindi ko alam Nagangat ako ng tingin kay Josiah na seryosong nakatingin sa akin habang nakalagay sa kanyang bulsa ang kanyang mga kamay. Tinagilid niya ang kanyang ulo at sinuri ako mula ulo hanggang paa. "Let's go." ani North na dumaan pa sa harapan ko. "Should've jailed you..." hindi ko na narinig iyon ng maayos mula kay North, but it sounded like that. Umupo na lang muna ako sa sofa habang pinapakalma ang sarili. Ilang sandali akong nanatiling gano'n bago ko napagpasyahang magtungo aa kusina para uminom ng tubig. Binuksan ko ang fridge para makakuha ng tubig. Nagsalin ako ng kalahati sa glass. Sa paginom ko ay para akong nawalan ng nakadagan na mabigat sa akin.Ibinalik ko ang pitsel ng tubig sa fridge at hinugasan na ang ginamit na baso. "China." si Josiah na nakasandal sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip. "Yes?" Lingon ko sa kanya habang pinupunasan ang aking basang kamay. "I have something to tell you." aniya at lumapit sa akin. "W-what is it...?" kabado kong tanong. "Nagusap na kami ni North and we both agreed that it's better if you stay with him... para mas maalagaan ka. Sa bahay ka na muna niya titira."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD