China
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Josiah. I admit, nagulat ako dahil doon. Bakit parang biglaan naman yata? Kanina lang ay ayos pa naman, tapos biglang ganito?
"B-bakit? I...I mean..." yumuko na lang ako dahil pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko. Totoo pala na kapag buntis ka ay nagiging emosyonal ka. Pakiramdam ko tuloy, hindi naman talaga nila ako gusto. Naawa lang sila kaya gan'on.
Narinig ko siyang bumuga ng marahas na hininga.
"Mas maaalagaan ka doon, kapag dito ka, wala ako para mas mabantayan ka." aniya.
Naiintindihan ko naman. Hindi ko lang talaga mapigilan ang emosyon ko.
I held back my tears and nodded. Calm down China... this is for you. Paulit-ulit kong pinapaalala iyon sa sarili ko. For the better...
"Don't cry in front of me, please? Malalagot ako nito kay North, e." Sabi niya. Nagulat pa ako nang iangat niya ang kamay niya para lang mapunasan ang mga luha ko.
"B-Bakit ba takot na takot ka na may mangyari sa akin... at palagi mo pang nirarason si North?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Nakita ko ang pagbalantay ng gulat sa kaniyang mukha. Mabilis niya rin namang napalitan iyon ng kalmadong ekspresyon.
"He just don't want to see a woman crying. Lalo na kapag sa harap ng isang lalaki. He dislikes it so much. That's why..." he nodded after saying those words.
"S-sige...akyat lang ako sa taas, m-magaayos lang ng gamit." sabi ko at lalagpasan na sana siya pero nabigla ako nang hilahin niya ako para yakapin. Dahil sa ginawa niyng iyon ay hindi ko na napigilan ang aking luha ulit. I hugged him back and cried. Humigpit ang yakap niya sa akin. Ipinatong niya ang kanyang panga sa aking ulo habang hinahaplos ang aking likod.
"Shh... It's okay. Dadalawin ka naman namin or you can come here if you're bored. Promise dadalaw kami ni Israel madalas." aniya.
Himisalay ako sa yakap niya. I wiped my tears, tinulungan niya rin ako. He even chuckled.
"Iyakin." aniya at pinisil ang pisngi ko.
"Sorry..." hingi ko ng tawad. Umiling naman siya.
"It's okay to cry, you know. Abnormal lang ang hindi umiiyak." aniya.
"Mamimiss ko kayo." I said habang nakalabi.
"Dadalaw kami." he smiled at me.
"Promise?" tanong ko.
Tumango siya at itinaas ang kanyang kanang kamay na parang nanunumpa.
"I'll help you pack?" nagtaas siya ng isang kilay.
Umiling ako.
"Hindi na, kaya ko na tsaka baka may gagawin ka pa." sabi ko. Tumango rin naman siya. Umakyat ako sa kwarto para ayusin ang iilang gamit dahil angiba ay nakaayos naman na talaga. Ilalagay lang sa bag.
"Sorry hija, pakiramdam ko tuloy ako ang dahilan kaya ka aalis dito." ani Nana Selya habang tinutulungan akong magpack ng gamit na dadalhin sa bahay nina North.
"Hindi po. Matigas din po ang ulo ko. Hindi naman po kayo nagkulang sa pagpapaalala sa akin kaya ayos lang po at wala po kayong kasalanan, makakabuti rin naman po sa akin."
"Wala na akong katabi dito sa gabi." lumabi siya.
"Dadalas parin po ako dito." I assured her.
"China are you done?" Josiah asked behide the door.
"Saglit na lang." sabi ko at lumapit muna kay Nana Selya ng mahigpit.
"Bumaba ka nalang ha? We'll wait for you there." aniya. I did. Pagkatapos ng iilang bilin ni Nana ay lumabas na ako.
"Lahat na ba nadala mo?" North asked na seryosong nakatayo malapit sa pinto.
"Uhm...oo." sagot ko.
"Let's go." yaya niya. Tumango nalang ako. Naglakad na ako palabas at hindi na lumingon pa, because I know...masasaktan lang ako.
Nagusap muna sina North at Josiah habang nasa kwarto ako. Hindi ko naiintindihan at naririnig ang sinasabi nila at puro seryosong tango lang ang nakikita ko.
Lumingon si North sa akin sandali bago tinapik ni Josiah ang kanyang balikat. Naglakad na papunta si North patungo sa kanyang sasakyan. He entered at kaagad na pinaandar iyon, ngunit bago kami umalis ay nilingon niya muna ako.
"Bibisita tayo dito madalas." aniya at bago niya pinausad ang sasakyan.
I nodded and looked out. Sinundan ng tingin ni Josiah ang paalis na sasakyan ni North kung nasaan kami nakasakay. I will...
Josiah's PoV
"Kuya where's ate ganda?" my brother asked nang makarating siya sa bahay.
I shook my head. Tinalikuran ko siya at hinilot ang batok.
"What?" he asked me again.
"Na kay North na. Doon na muna siya. It's the best for her." I answered bago ako naglakad paakyat sa kwarto ko.
"What?! Babalik pa ba siya dito?" he exclaimed as he followed me.
"She'll visit. Hayaan mo na. Mas makakabuti naman iyon sa kanya. Besides mas maaalagaan siya doon." I said before closing the door.
China's PoV
"Let me carry your bag," alok sa akin ni North, noong una ay ayaw ko pang ibigay iyon mgunit nang hawakan niya na iyoj ay binotawan ko natin.
"Feel at home." dagdag niya pa habang karaga ang bag ko na hindi naman kalakihan.
"Welcome home, Sir, Madame." Yumuko pa ang tatlong kasambahay na naroon at nakasuot ng pormal na na uniporme.
"Respect and serve her if you don't want to be jobless." ani North bago ako binalingan.
"Let's go. Ako na ang maghahatid sa'yo sa tutulugan mo." bago siya tumalikod. I nodded and followed him. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan punahin ang disenyo ng kaniyang tinitirhan.
Sa labas ay halos puro salamin ang makikita ngunit kapag nasa loob ka na ay makikita mo ang pagiging elegante at pagiging tradisyonal ng mga disenyo.
"Watch your step." aniya. Nasa taas na siya ngayon ng hagdan. Nakatagilid ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ako.
"Sorry..." sabi ko at nagoatuloy na sa paglalakad.
"Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang sa akin o sa mga kasambahay dito. I will make it mandatory to follow your orders too." aniya bago huminto sa tapat ng isang malaking pinto. May kinuha siya sa kanyang bulsa at kumilansing ang mga susi na naroon.
"This will going to be your room now." then he opened the door.
My jaw dropped when I saw the insides of the room. I'm not that poor but I think this is too much.
"W-wala bang mas maliit na kwarto rito?" lingon ko sa kanya.
He shook his head habang nakahalukipkip na pinagmamasdan ako.
"A-are you sure this is my room?" tanong ko pa dahil hindi makapaniwala.
"I'm one hundred percent sure." he said as he walked towards me.
---
W/N:
Pasensiya na po sa magulong narration para sa kuwentong ito. Jejemon days po kasi ito at minor edits lang ang ginawa ko. Thank you po for waiting, though. Hindi ko in-expext na medyo marami ring magbabasa nito. Let's stay safe everyone!