Rainbow Kinabukasan nga ay agad kaming tumungo sa airport at lumipad papuntang Norway kasama ang isang entourage—si Dad, mga kapatid ko, sina Mr. Coleman, mga nannies, sina Papai at Mommy Jody, sina Manix at Erin. Kaya naman hindi ko na inisip na magha-honeymoon pa kami. This was more of a thanksgiving trip courtesy of my husband-- Maximillan. Pagdating namin sa Norway airport ay may nag-aabang na sa amin na driver na may dala ng aming mga kagamitang panlamig. Maximillan had it all planned out pala. Pag dating namin sa hotel ay sinabi niyang maiiwan muna ang mga anak namin sa pangagalaga ng aming mga kasamang entourage. Nagmamadali naman siyang umalis daw kami dahil magga-gabi na. "Wala ba tayong ibang dadalin?" pagtataka kong tanong habang pasakay kami sa isang jeep. "Pakshit, Tort,

