Rainbow It was already 4:00 PM. Ito ang paborito kong oras—yung mahangin at palubog na ang araw. Nakadagdag pa na maraming puno dito sa Hacienda Tolosa na pagmamay ari ng mag-asawang sina Utt at Katniss. Lahat ng mga nananinirahan dito ay mga tapat na tauhan ng yumaong lolo ni Utt Sanders Romualdez. Karamihan ng mga bahay dito ay row houses maliban sa bandang liblib na lugar kung saan nakatirik ang luma ngunit mala-palasyong mansion na pinagawa pa ng lolo ni Utt para sa lola nito. Mayroon din simbahan, at elementary school sa loob ng hacienda na pinagawa ni Utt para sa komunidad na naninirahan dito. Ang nagdisenyo at develop ng simbahan, maliit na ospital, at 80 rooms na hotel na may 20 suites ay ang Ponce Group na family business nina Percival at Gerard. Sa Hacienda Tolosa Hotel ma

