Rainbow
Time flew by, but my friendship with those girls became stronger. Para kaming pamilya. They were like the sisters and family I never had. Well, except for Shayla. She's very special to me. She's my ideal girl. Maganda, mabait, matalino, at simple. Pero matatakutin siya sa tao, mahiyain at may trauma kapag hinahawakan siya ng di niya kapalagayan ng loob. She also has a family problem. Lulong sa drugs ang kanyang ina at pinagnanasaan siya ng kanyang stepdad, kaya naman palipat lipat siya ng bahay. Nakikitira siya sa kaibigan namin na si Rori, because Rori also needed company, after the tragic death of her parents.
For so many years, I made sure I was always there for Shayla, Rori, and the gang. Nagsilbi akong taga-drive ng mga baliw pero mahal na mahal kong mga kaibigan, lalo na tuwing pageant ni Shayla. We were helping Shayla dahil self-supporting student siya. Pero hindi naman lahat ng pagkakataon ay nananalo si Shayla sa mga beauty pageants kaya nashoshort siya sa pera. Ito ang dahilan kung bakit napunta ako sa mga illegal street drag racing. I desired to win for her, and every time I would win, ay paunti unti kong binibigay ang pera sa kanya. It's not that I don't like to give them all to her, pero siya mismo ang tumatanggi. Ang gusto kasi niya ay mabayaran niya kaagad ang kanyang inuutang. Nakita ko na rin siyang magtiis na hindi kumain at mahimatay sa gutom dahil sa sobrang hiyain niya ay ayaw niyang mangutang ulit hangga't hindi siya nakakabayad, kaya napag-usapan namin ng aking mga kaibigan na i-make sure na kumakain kami na magkakasama. We would secretly share budget with Jackie para magluto siya ng food namin araw araw na hindi namin hinihingan ng share sa budget si Shayla. Doon din nagsimula ang pagke-catering ni Jackie. Gusto kasi namin palabasin na either nagiimbento si Jackie ng bagong cuisine, o tira sa catering, o kaya naman tinoyo si Jackie magluto. Ganun parati. Siguro kaya mas lalo kaming naging close because we made it a point to eat breakfast, or lunch, or dinner together. Bukod sa gusto kong makasama si Shayla, kaya din ako nag-hangout sa grupong ito ay dahil mababait, matulungin, at sincere ang magkakaibigang ito. Akala ko nga forever na kaming ganun. Kaya naman nang magkaroon ng manliligaw si Rori ay may bahagyang pagseselos ako. Not because I like her, but I was just possessive of my freinds. Kung kay Rori nga ay nagselos ako, paano pa kaya nung nalaman ko na nabuntis si Shayla? My world came crashing over me. Kaya nung gabing dinalaw ko si Shayla sa ospital kasama ng mga kaibigan ko, at nakita ko kung paano magtinginan sina Shayla at Gerard, alam ko na... mawawalay na sa akin ang prinsesa ko. Durog na durog ang puso ko nun!
At para saglit na makatakas sa sakit na nararamdaman ko ay tinungo ko na lang ang circuit kung saan ayaw na ayaw ng mga kaibigan ko na pumupunta ako.
Hating gabi na nang makarating ako sa Fairview. Naroon na ang mga tao na manonood ang magpupustahan kung sino ang mananalo sa race.
Nilapitan ko na ang ka-team kong si Manix.
"Hey, Rain! Buti dumating ka." Nakipag-fist bump sa akin si Manix. "Merung bagong salta dito. Naghahamon sa pinakamagaling namin. Php 100,000.00."
"Sige." Kibit balikat ko. Sumakay na ako sa aking kotse. Umupo na ako at sumandal, making sure that my body has good contact with the seat, and my arms were fully extended. This was to ensure that my wrists would rest at the top of the steering wheel. This would allow my arms to be slightly bent and fully extended for a turn in the steering wheel. Ito rin ay para hindi mangawit ang aking mga kamay at hindi mawala ang sensitivity nito sa vibration ng steering wheel.
Pasaglit saglit kong naalala si Shayla at ang reaksyon niya sa tuwing magkakatinginan sila ni Gerard. May invinsible electricity dun sa tingin nila, at kumikirot ang puso ko sa eksena iyon. I wanted to bury the hurt I was feeling. Halos paluha na nga ako habang nakatitig sa kawalan sa loob ng aking sasakyan nang may tumapat na kotse sa gilid ko.
It was a 2012 Lamborghini Aventador LP700-4 Necro Noctis. Ang isang pre-owned nito ay nasa $500,000.00, depende sa mileage. Pero f*ck pa rin! Binalot ako ng inggit. Gustung gusto ko kasi ang sasakyan na yon.
Pero mahal ko pa rin ang baby ko na si Akie. Mahal lang ang Lamborghini na nasa tabi ni Akie ngayon, pero walang wala pa rin yon sa first baby ko na 1994 Acura Integra GS-R dahil sadyang ginawa ang sasakyan ko para sa racing.
Fully tinted ang sasakyan kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob nito pero tiyak kong mayabang at maangas ang may ari ng sasakyan na ito. Kung may Lamborghini ako, hindi ko gagamitin iyon para lang ipang-illegal car racing. Dadalin ko ito sa mga internation car racings. Siguro hindi marunong ang may ari nito. Engot eh! Dito pa talaga sa street racing gagamitin ang sasakyan niya? Engot talaga. Dapat pala yung sasakyan na lang niya ang pinusta niya. Kumpyansa akong matatalo ko ang may-ari nito.
Tinawagan ko sa mobile phone si Manix para i-alok sa may - ari na kapag nanalo ito ay sasakyan ko ang papanalunan niya. Pero kapag nanalo ako, akin ang kotse niya. Lumapit sa Lamborghini si Manix at kinausap ang driver nito. Hindi ko makita kung sino ang kausap dahil hindi nakabukas ang bintana nito na malapit sa akin. Ilang saglit lang ay lumapit naman si Manix sa akin.
"Payag si pretty boy, pero kapag nanalo daw siya, kulang pa daw 'tong kotse mo. He wants to get laid tonight."
"One night stand? Kanino?" taka kong tanong at kokontra na dahil hindi ako papayag na gawing pain ang sino man sa mga babaeng kaibigan ko dito sa circuit na'to.
"Sa'yo, dude!" Sagot ni Manix.
"Ano?" nanlaki ang mata ko.
"Dude, naguwapuhan yata sa'yo! Bading yata yon eh! Natipuhan ka!" Natatawang sabi ni Manix.
"Gago!" Irita kong sagot. "Alam ba niyang tibo ako?" buwisit kong tanong.
"Dude, mukha mo lang yata nakita eh. Hindi pa niya nakikita kung paano ka lumakad. Daig mo kaya ang may lawet!" Mapang-asar pang tawa ni Manix.
Tinitigan ko siya ng masama. "Tado!" Bababaan ko na dapat si Manix pero pinigilan ako nito. "Ito naman! Di mabiro! E alam naman nating di ka naman matatalo!"
"Yan! Ganyan!" Sagot ko at kumalma na.
"Ano? Payag ka ba kay pretty boy?"
"Tapusin na natin 'to. Gusto ko uminom mamaya." Sabi ko saka sinara na ang bintana ko.
Alam ko na napakabilis ng sasakyan na Lamborghini, pero depende pa rin kung sino ang nagdadadrive nito. And that's what I've already proven. Yeah, my car is old, but it's well maintained by me. At higit sa lahat, ilang beses ko nang napatunayan na magaling akong race driver dahil magagara ring sasakyan ang natalo ko in the past, especially that time ay pinipilit ko talagang manalo para kay Shayla dahil kailangan niya ng pera.
Manix stood in front and made an up-down motion with his arms indicating the race has begun.
I gripped the steering wheel hard, and focused in front. I changed gear down. Mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan para maunahan kaagad ang Lamborghini, dahil kapag ako ang naunahan nito ay siguardong hindi ako makakahabol.
I steadied my hand as I drove dahil naniniwala akong wala sa steering wheel o sa pagbago ng gears nakasalalay ang bilis ng sasakyan ko kungdi nasa kontrol ng kamay ko. Pero parang nagtutuloy tuloy ang malas ko ngayong araw na ito. Bukod sa nalaman kong buntis ang prinsesa ko, unti unti akong nahahabol ng Lamborghini!
"Tangna!" Galit kong sigaw, at sinubukang humabol.
I was close on his tail, when he reached the finish line.
Mura ako ng mura at hinampas ng kamay ko ang steering wheel nang kumatok si Manix sa bintana.
"Sh*t!" I sobbed at the thought of losing two of the most important in my life. Shayla and Akie! Oh, f*ck! I forgot! It looks like I'm going to lose my virginity, too.