Stella Takahashi’s POV
PARANG namingi ako sa kaniyang sinabi at pansamantalang mawalan ng hininga.
A-Ano kamo? Gusto niyang mamatay ng nakahubad? Magpapakamatay na nga lahat lahat pero kung ano-anong katarantaduhan pa rin ang gustong gawin.
The ripping sound of his long sleeve polo bring my thought to the present.
“H-Hoy! B-Bakit mo winasak?” nauutal na sambit ko ng ihagis niya sa sahig ang polo shirt nito. Ngayon ay hubad baro na siya sa harapan ko.
Fuck! Tama ba ang narinig ko, nautal ako?!
Bumaba ang tingin ko sa katawan nito at ganoon na lamang ang pagkatuyo ng aking lalamunan sa nakita. Holy hell! Is that a pack of abs? His sexy abdomen is so detailed. Suki siguro siya ng gym, ang ganda kasi ng katawan niya halatang hindi pinapabayaan.
Natigilan pa lalo ako ng makitang lumapat ang kamay niya sa belt ng kaniyang pantalon. Pero bago pa niya magawa ang binabalak mabilis akong umangal para mapigilan siya.
“Pwede ka namang mamatay ng hindi naka hubo ah!” angil ko sa kaniya.
Narinig ko ang malamig niyang tawa at nakita kong inilagay niya ang kanang kamay sa kaniyang bewang na dapat ay tatanggalin ang belt ng kaniyang pants. Medyo nakahinga ako dahil hindi niya itinuloy ang kaniyang plano.
“Ayaw mo nun? Ikaw ang huling makakakita ng aking magandang katawan. Girls are drooling over my sexiness. I’m bleeding sexiness and I am proud. Sa pagka-proud ko ay gusto kung ibandera iyon sa iyo, kahit sa huling pagkakataon.” natutuwang sambit niya.
Napalabi naman ako. “Then serve it, i’m not interested.” masungit na saad ko at pinatalim ang aking mata.
He give me again those cold chuckle. His plain and cold chuckle, halatang parang may pinagdadaraanan siya. Kaya ba gusto niyang tapusin ko ang buhay niya?
I break the brief silent. “Alam mo Mr. Andrada. D-eath is not the answer for your misery, face it with all your strength and overcome that problem. Hindi sagot ang kamatayan mo.”
Alam kong wala akong karapatan na pagsabihan siya dahil isa lang naman akong binayaran niyang tao para kitilin ang kaniyang buhay. Subalit, halata talaga sa kaniya na parang may dinaramdam ito.
“What are you talking about, woman?” ngayon ang boses niya ay nag-iba. Naging walang buhay na ito at sobrang lamig.
Inilingan ko lamang siya pero hindi ko pa rin ibinababa ang hawak na Tokarev, nakatutok pa rin iyon sa kaniya.
“Hindi mo matatakasan ang iyong problema. Kung sa tingin mo mawawala ang iyong problema sa pagkitil ng buhay mo ay nagkakamali ka, mapapasa lamang sa iba ang iyong problema, lalong-lalo na sa pamilya mo.” makahulogang ani ko.
Para na akong nanay na kinakausap ang aking sariling anak at linapaintindi ito.
Nanahimik naman siya. Kahit hindi ko maaninang ang mukha niya ay alam kung nakatitig siya sa akin ramdam na ramdam ko iyon mula sa kinakatayuan ko.
Pero ganoon na lamang ang pagpapasalamat ko ng umiling siya at umatras saka sumandal sa glass wall, ang ilaw na nanggagaling sa labas ay sumisilip sa kaniyang mukha. Pero hindi pa rin iyon sapat para makabisado ko ng mabuti ang pagmumukha niya.
“You’re talking about nonsense, woman.” malamig na usal niya saka ngumisi.
“Nonsense? No! Lahat ng pinagsasabi ko ay may punto. Ikaw itong magpapapatay dahil lang sa isang problema? Ikaw ang nonsense.” salubong ang kilay ko habang ginigiit ang aking punto.
“Look, I want you to end my boring life. Nothing less, nothing more. I don’t have a problem, my life is quite boring. Just end my boring life, as simple as that.” parang balewalang aniya. Parang walang kwenta sa kaniya ang kaniyang buhay kung makapag-utos siya, ah.
“Makapagsalita parang wagas, ah. You’re asking me to k-ill your life because it’s quite boring? What a lame excuse.” seryusong usal ko rito.
“This is wrong, Mr. Andrada. You can’t just end your life because you feels it boring.” giit ko naman baka magbago pa ang isip nito.
He shrugged his shoulders. “That’s how I values life. Just because two ways of thinking are incompatible doesn’t mean one is right and the other is wrong.” the hint of ruthless tone is mirrored in his voice.
Namulsa siya at ibinuka ang kaniyang labi para magsalita. “I grew up getting everything I wanted. All my needs are right next to me and I can easily grab them. Life is quite easy for me. I also want to have a hard life but seems like everyone is very kind to me.”
Pinagkatitigan ko siya at isingkit ang aking mata para malinawan sa pagmumukha niya. Wala sa boses niya ang lungkot, wala rin ang saya. Hindi na ba siya mababago?
“So, ini-expect mo na sa next life mo may hard life ka na?” sarkastikang sambit ko sa kaniya.
Walang kwentang excuse naman ng sinabi niya. Maraming tao ang gustong mabuhay pa ng mahaba at isa pa ang mga taong iyon ay hindi man lang nakukuha ang mga gusto nila sa buhay. Tapos itong lalaking ito na amoy mamahaling perfume ay balewala lang sa kaniya ang buhay para utusan ako na patayin siya.
Engot ba to? Diba professor si Dark Andrada, parang hindi naman ito professor. Nag cheat ba ito gamit ang kayamanan niya para makapasa?
“Kung ako ang guardian angel mo, itatapon talaga kita sa impyerno tapos sasabihin na-- May sungay pala ang aking alaga.” sarkastikang banat ko pa.
His lips form to a smile hearing my sarcastic word, he even shook his head in disbelief.
“For a woman like you. You’re quite mischievous, I like that. So, Miss, can you end my life now?” saad naman niya at umalis sa pagkakasandal sa glass wall saka ayon nanaman ang kamay niya unti-unting tinatanggal ang belt ng pants nito.
Tangina! Hindi pa ako handa na makakita ng ganyan!
“I-Itigil mo nga iyan! B-Baliw ka ba?” hindi ko na mapigilang angil kahit nauutal.
Shit, Stella! Diba tigasin ka?! Sa katigasan ko ay pati daliri ko ay parang hindi ko na magalaw at ma-control!
Nagsitaasan ang balahibo ko. Ayaw ko talagang maging assassin. Dati hindi naman ako tumatanggap ng ganitong gawain pero nagkataong walang mga assassin sa aming headquarter.
“Why? Is this your first time seeing someone’s co-” I cutted him.
“Shut up! Just don’t do that! Don’t strip! Hindi pa ako handa pumatay, darn it!” angil ko pa rito.
Pero sa halip na sundin ako ay isang malademonyong ngisi lang ang ibinigay niya sa akin na alam ko na kung saan ang kakahantongan nito. Ilang minuto pa ay hindi nga ako nagkakamali sa aking iniisip dahil walang pag-aalinlangan niyang ibinaba ang pantalon kasama ang panloob niya at ginamit ang dalawang paa para alisin ang ibinabang panloob at pants. Pagkatapos ng ginawa niya ay ibinuka niya ang mga braso na parang sinasabi sa akin na gawin ko na.
Kusang bumaba ang mga mata ko sa pagitan ng kaniyang hita at ganoon na lamang ang pagsinghap ko ng makita ito. Kahit madilim ay naaaninang ko pa rin ito dahil nasa may glass wall kasi siya.
Naramdaman kong umakyat lahat ng dugo sa aking pisnge at nag-init pa ito hanggang sa punong taenga ko. Parang kamatis na ako dahil sa ginawa niya.
Mas lalong nanginig ang kamay ko at parang nawalan ako ng hininga na parang naestatwa pa ako sa kinakatayuan.
“C’mon, woman. K-ill me.” naiinip na utos nito marahil ay nilalamig na ito dahil hubad na ito at walang ni isang saplot sa katawan saka di-aircon pa ang buong kwartong ito. Humakbang siya papalapit sa akin kaya nabawi ko ang aking huwisyo pero nanginginig pa rin ako at umiinit pa rin ang aking pisnge.
“D-Don’t come n-near me!” umiiling at nanginginig na sambit ko saka mahigpit na hinawakan ang baril na nakatutok sa kanya.
His gaze is gauging me and I met it head on. There was a hint of ruthless in his stares gone the playful and cold one. It’s pure ruthless that can kill someone’s heart.
What’s wrong with him. Nagbabago bigla ang kaniyang ekspresyon.
Hindi siya nakinig sa aking sinabi na wag lumapit sa halip ay humahakbang pa siya ng banayad papalapit sa akin. Napaatras ako ng isang hakbang at maslalong humigpit ang aking hawak sa grip panel ng baril ko.
Nagsalit ang paningin ko sa mukha at detalyadong katawan niya pero hindi ako nag-atubling tignan ang ibaba niyang katawan, hanggang sa abs lang ako.
Mawawalan ako ng malay pag nakita ko pa iyon, pero sadyang taksil ang aking mata dahil tinatalo ito ng curiosity kaya kahit ayaw ay napapatingin ako roon. Napasinghap ako sa aking ginawa at kaagad na napatakip sa aking mata at umiwas ng tingin. Narinig ko naman ang malamig nitong pagtawa kaya napaayos ako at nakita kung ilang hakbang na lamang ay pwede na niya akong madikitan.
“I want someone to spice up my life-”
“Bumili ka ng sili saka ipaligo mo sa katawan mo! It will literally spice up you.” suggestion ko sa kanya at nanginig pa lalo ang aking kamay. “Don’t come near me! Lumayo ka, babarilin talaga kita.” mariing saad ko pa.
I must k-ill him! That is what he want and my mission, ordered by him! Pero bakit parang namamanhid ang aking hintuturo na nakahawak sa gatilyo. Bakit ba ako kinakabahan, pati ang dibdib ko ay parang binundol sa kaba. Dahil ba sa hubad niyang katawan o sa presensya niyang papalapit o baka naman ay pareho lang.
He chuckled again. “Then do it. Don’t hesitate. I can perfectly see the hesitation in your eyes.”
Nangasim ang mukha ko saka mariing ipinikit ang aking mata. “Binalaan na kita, bahala ka na! Wag mo akong mumultohin ha, pinagsabihan na kita at binigyan ng aral pero sarado ang isipan mo!”
I really need to k-ill him! Ending his life is quite hard for me. “Stella! Get on your control. You are the master of the situation!” mariing bulong ko sa sarili. I have to end this.
I already made peace with my mind. Para matapos na ito ay nakapikit kong kinalabit ang gatilyo at narinig ko ang munting ingay ng bala na lumabas sa silencer na tumama kung saan kasabay nun ay parang may natumba pero hindi ko pa rin tinignan ang pwesto niya, nakapikit pa rin ako ng mariin.
“Gosh! Fly high, Mr. Andrada sana walang hihila sa iyo papuntang impyerno.” huling sinabi ko at hindi nag-atubling buksan ang aking mata para tignan ito, sapat na sa akin ang narinig na kumalabog.
Tinalikuran ko siya at inilagay ko sa aking gun holder ang aking Tokarev saka kumaripas ng takbo papalabas sa kaniyang penthouse papuntang elevator.
Nang makasakay sa elevator ay doon ko nalang naramdaman ang panghihina at panginginig ng aking kalamnan at tuhod. Napadaosdos ako ng upo sa elevator na pababa sa ground floor.
This night is quite intense at parang hindi kinaya ng aking sarili.
Paparusahan ko talaga ang mga assassin ng aming sindikato dahil wala sila rito para mag-handle ng utos ni Mr. Andrada. Napahawak ako sa aking dibdib, ramdam na ramdam ko ang kalabog nun at ang panlalamig ng aking katawan.
Nang makababa ako sa ground floor ay mistulang naging normal ang lahat parang walang nangyari subalit hindi ko na iyon inintindi. Malalaki ang hakbang ko papalabas sa Royal Tower saka pinuntahan ang aking Lexus na sasakyan na nakaparke sa malayo at nakatagong parte ng parking lot.
Pinakalma ko ang aking sarili at lumanghap ng sariwang hangin. Ang kailangan kong gawin ay matiyak na patay si Mr. Andrada sa pamamagitan ng news. Isa siyang professor at tiyak na ibabalita ang pagkamatay niya pag may nakadiskubre ng kaniyang nakahandusay na katawan sa sahig ng penthouse nito.
Task done na ako pag nasigurado kong patay na talaga siya tulad ng gusto nito. Nakaramdam naman ako ng hindi makapaniwalang dismaya. Binibigyan ko pa naman siya kanina ng chance na mabuhay at ng mabigyan ko siya ng tips sa buhay para hindi na maging boring ang buhay niya. Dahil sa totoo lang napaka walang kwenta ng kanyang dahilan. Kung maririnig iyon ng mga taong walang-wala ay tiyak na magiging hater niya ang mga iyon.
Tapos napakalakas pa ng apog, akala mo kung sinong gwapo, ibandera pa sa harapan ko ang kanyang kahuboan! Nanginig ako pansamantala, nakakakilabot sa tuwing naaalala ko kung paano sumaludo ang kaniyang kaibigan sa pagitan ng hita niya.
Nag-init nanaman ang pisnge ko sa iniisip.
This is not the right time to think about it. I need to leave this place. Before driving, I close my eyes tightly and grip my hands together.
“Sana matuloyan ka at wag mo akong mumultohin, Dark Andrada”