CHAPTER 3

2398 Words
Stella Takahashi’s POV HALOS mag-iisang linggo na rin simula ng tapusin ko ang task ko kay Mr. Andrada at tiwasay naman ang aking pamumuhay. Wala akong balita sa kanya dahil naging mas focus ako sa paghahanap kay Ashi Lucca Morgan. Hindi rin ako dinadalaw ng kaluluwa ni Mr. Dark Andrada, matiwasay ang mga tulog ko kaya sobrang nakahinga ako ng maluwag dahil tiyak na nagawa ko ang task ko. He is the first target of my codename Stellaris, the assassin one. Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ang nasasaktang boses ng aking kaharap. Binigyan ko ng isang malakas na hagupit ng latigo ang babaeng nakatalikod at nakaluhod sa harapan ko. Isa ito sa walang hiyang sumira sa plano ko at dahil ayaw nitong malaman ng supreme na may ginawa itong palpak nakipag’deal ito sa akin. Latigo kapalit ng pagtahimik ko binibigay ko na mismo sa kanya ang gusto nito, ganito ako ka bait. “Ahhhh!!!!!” malakas na sigaw nito na bakas na bakas ang sakit sa ikalawang pagkakataong itinama ko sa likod niya ang aking hawak na latigo. Natawa naman ako sa naging reaks’yon nito. “Ikalawa pa lang ‘yan wala pa tayo sa gitna sumisigaw ka na?” hindi makapaniwalang tanong ko na may halong pang’iinsulto. “S...Shut it Stellar!” She yelled again. I chuckled and lashed her back again. She even mention my codename as a punisher. Lashes after lashes. She was screaming loudly and cursing because of the pain but I remain quite. Nakasanayan ko na ang mga pangyayari’ng ganito, marami talagang pumapalpak sa mga plano na kailangang parusahan. Mas mabuti pa nga kami kasi hindi namin pinapatay ang mga nagkakasala sa isang plano ke’sa sa mga ibang organization, pero hindi ibig sabihin no’n wala nang namamatay sa aming mga kasamahan gamit ang kanilang kamay. Sa isang taon mga lima lang ang nakikitil nilang buhay ng sarili naming organisas’yon, yung mga taong sagad na sagad na mismo ang kasalanan at kailangan nang mawala at tuluyang maglaho sa mundong pinasukan nila. “T....Tama n..na S...Ste...llar...” pagmamakaawa niya. Pero hindi ako tumigil, pag pinagbigyan ko siya masasanay ito at hindi ako sigurado kung hindi na mauulit ang katangahang ginawa nito. Magsisimula na sana akong magmatyag tungkol kay Ashi Lucca Morgan na isa ko pang misyon. Inutosan ako ng head na parusahan ang lalaking iyon sa pagkitil ng mga tauhan namin at pagsira sa ibang property ng sindikatong kinakabilangan ko. Kaso ay nagkamali siya ng hinabol na lalaki at hindi ito si Mr. Morgan. Kung sinunod niya sana ako na h’wag munang gagawa ng hakbang habang hindi pa namin alam ang kilos ng kalaban pero gumawa pa rin siya ng hakbang. Inilingan ko na lamang ang kapalpakan niya. She’s groaning in pain but I remain emotionless. “S..Stellar ayaw ko na, tama na. I’m begging you stop! You're hurting me to muc-- Ahhh!!” bigla kung pinutol ang sasabihin nito at nilatigo ang kanyang likod. Hinawakan ko ang dulo ng aking latigo at pumunta sa harapan nito. “I’m not saint, don’t beg no one told you to beg.” my cold voice darted in the whole cellar. I immediately look at my wrist watch when I remember something. Damn! I forget. I drop my own lashes on the floor and it create a faint sound. I walk near to the door and I was about to leave the cellar when I heard her mumbling making me stop for a moment to hear it clearly. “I’m sorry! P...Please f...forgive me, Miss Stella.” nahihirapan man ay nagawa pa nitong e’klaro ang mga salita niya. Iyan ang isa sa gusto ko sa ibang kasamahan ko sa sindikatong ito. Marunong silang tumanggap ng sariling kasalanan. Pero kahit ganoon, wala pa rin akong tiwala sa kanila tanging ang sarili ko lamang ang pinagkakatiwalaan ko at wala ng iba. “One-Hundred lashes is enough for me to forgive you and I’m not sorry for the lashes, bayad lang ‘yan sa kasalanan mo.” mahinahong saad ko rito at tuluyang nilisan ang lugar. Paglabas na paglabas ko mga bati agad ng ibang mga kilala ko ang bumungad sa akin. “Yo Stellar!” “Hi Miss Stellar” “Good evening Miss Stellar” “Here comes the good punisher” “Good eve Stellar” Tango lamang ang isinukli ko sa mga bati nila at diretsong tinungo ang p’westo ng dalawang babaeng nakayuko. “Dress her and let her go.” utos ko sa kanilang dalawa, mabilis naman silang tumango at naglakad papunta sa direks’yon ng Cellar. Mabilis akong naglakad papunta sa elevator at papasok na sana nang biglang may isang lalaking lumapit sa akin. Naka formal all black suit ito at may earpiece na nakasukbit sa taenga nito. Gumalaw ang kilay ko at sinenyasan itong magsalita. Tumango naman ito at mukang natintindihan ako. “Someome summon all of the exclusive members.” magalang na usal nito sa akin at iniyuko pa ng kaunti ang ulo bilang pagbibigay ng respeto sa akin. Lahat sila ay may respeto sa akin. Knowing my position, I was the respected punisher of this syndicate. “Stellar. They are all waiting for you, Miss Winter,Miss Mercy, Lady Aria, Agent Sun and Agent Heaven is already in the exclusive room.” magalang pa na saad ng lalaking sumalubong sa akin, itinango ko lang aking ulo bilang tugon rito at inihakbang ang aking paa papunta sa elevator. Another meeting? Bakit naman sila nagpatawag? Anong meron? Nang makarating sa palapag na iyon ay kaagad kung tinungo ang nag-iisang room rito sa exclusive floor. As I enter the said room, the smell of a fresh scent of peach welcome my nose. Naglakad ako papalapit sa isang mahabang couch kung saan naka upo sila Winter, Mercy, Aria, Sol.. her name is still unknown for me we just use to call her Sol not sun but the syndicate usually state her as Sun, just like the meaning of her name, and Heaven. Lahat sila ay nandirito na at mukang ako na lang ang hinihintay nila. Nang makita nila ako ay nag kanya kanya silang bati sa akin. “Good evening Stellar.” “Bakit late ka nanaman Stellar?” “Hi Stellar.” “Evening Agent Stellar.” I smiled and sit beside Aria. “Hi! Good evening” masayang bati ko sa kanila. Close kami sa isa’t isa pero may kanya kanya kaming mga sekreto na hindi pinagsasabi sa isa’t isa ramdam na ramdam ko iyon sa tuwing kasama ko sila. Parang sinasabi sa akin ng aking pandama na mag-ingat pag nasa paligid ko silang lahat. Nakikisabay lang ako pag kasama ko sila. Sabi nga ng iba, “Kung ano ang tugtog ay ‘yon rin dapat ang sayaw. Matoto kang sumabay sa sayaw ng tugtog.” Nakaharap kami sa isang malaking Flat Screen at may librong nakalatag sa harapan namin, sa may lamesa. “Finally, you’re already here. Gosh we’re been waiting you for 1 hour, You’re so matagal. Where did you go by the way?” kaagad na maktol sa akin ni Aria. My face turn to grimace. I secretly rolled my eyes at her. I really hate conyo words. “May inasikaso lang ako.” malumanay na sagot ko sa maktol na tanong nito. Kaagad namang nagreklamo ang katabi niyang si Winter. “Don’t talk. I hate your conyo words. I can feel that something want to burst out in my ears hearing those words coming out from your mouth.” maarteng reklamo nito kay Aria. Aria’s eyes widened and curse Winter. I laugh in the lil’ scenario leading for a humorous fight against Aria. “Hey, Winter! You b-itch, you know that I am not from this country! Russia is my hometown! I’ll claim that I am pretty bad at speaking tagalog but it’s just a language and I can learn it by reading.” mariing maktol naman ni Aria, napailing na lang ako at napatingin naman ako sa gawi ni Mercy. Naramdaman kung nagsalubong ang kilay ko at kunot noo ko itong tiningnan “Bakit may dala kang bayong ng Maggi?” takang tanong ko dahil nakita kung may katabi itong bayong ng Maggi, parang namalengke siya. Alam ko kung saan ‘yan nabibili nakita ko na ‘yan dati. “Bayong ng Maggi? This thing is called bayong?” kunot noong tanong naman ng arroganting si Aria. Parang walang muwang sa bagay na iyon. I just nod at her. Her eyebrows furrowed. “I thought this things called Shoulder bag, a yellow shoulder bag.” She added, confused. Mercy suddenly burst into laughter and pointed her finger towards Aria. Nangunot naman ang noo ni Aria, “You! Don’t laugh at me, I just have no idea about that yellow bag thingy.” depensa agad nito na s’yang naging dahilan kung bakit mas lalo pang tumawa si Mercy sabay hawak sa tiyan nito. “I thought this things called shoulder bag, a yellow shoulder bag.” Mercy mocked. Sumama naman ang timpla ng mukha ni Aria. “Saan mo nabili ‘yan? I already saw one of that in super market.” saad ko rito sabay turo sa bayong na katabi nito. Natigil naman siya sa pagtawa at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “Pati ba naman ikaw Stella? I buy this one in a public market not in super market. Hayst! Mga arroganti kasi kayo, mga mayayaman nga naman!” pasigaw na usal niya na parang masama maging mayaman. Natawa nalang ako sa sinabi nito, “My bad” I replied. “Tumigil na nga kayo! Ang iingay niyo, bayong lang pinagtatalunan niyo pa!” mariing saway naman sa amin ni Heaven, nakakunot ang noo nito at nakasalubong ang dalawang makapal na kilay. Tumikhim lang ako at umayos naman sila ng upo. Heaven is the only guy in executive members. Because he is the only guy among us, he used to be our big brother and we use to respect him. Masasabi kong napaka’delikado ng sindikatong kinabibilangan ko. Lahat kami ay may kanya’kanyang rason kung bakit nandito kami sa sindikatong ito at dahil nasa executive kaming posis’yon ang mean lang nun ay magagaling kami at kakaiba. Pero sa palagay ko ang aking rason ang pinaka walang kwenta. Pasekreto akong napatingin sa kanila. Ang pinakamatinik na spy sa amin ay si Winter, kakaiba ang babaeng iyan. Kung may pinakamatinik na spy may matinik rin na hacker at tracker na nagmamay-ari ng isang Café, si Sol. Si Mercy at Heaven naman ay mga notorious na Attacker at manipulator. Napatingin ako kay Aria. Samantalang ang babaeng ito ay isang nakakamatay na sandata ng sindikato. That arrogant assassin and brat heir of billion dollars, Aria. Nung nakaraang araw dapat sana siya ang gagawa ng task na iyon at dapat sana siya yung nasa posisyon ko ng gabing iyon! Inaamin kung tigasin akong babae at isa akong punisher rito kaya dapat tigasin ako dahil ako ang nakarinig ng mga daing, makaawa, iyak at hirap ng mga pinaparusahan ko pero ayaw kong pumatay, ibang usapan naman iyon. Medyo naiinis pa rin ako kay Aria, dapat s’ya yung inupahan ni Mr. Dark Andrada ke’sa sa akin. Edi sana na preserve ko pa ang innocent eyes ko, pero winasak lang iyon ng lalaking iyon matapos maghubad sa harapan ko. Sa tuwing naaalala ko ang gabing iyon ay pakiramdam ko lalagnatin ako sa ano mang oras. Dapat hindi ko na iniisip iyon, nakahimlay na si Mr. Andrada at dapat hindi na binabanggit ang pangalan nito. Rest in peace, Dark Andrada. H’wag mo sana akong dalawin sa aking pagtulog, matatakutin pa naman ako sa dilim at multo. Pero kung sakali man na dumalaw siya sa paniginip ko ang gusto ko lang sabihin sa kanya na ‘Fvck you s’ya hanggang sa next life n’ya.’ Nakakainis parang gusto kong buhusan ng holy water ang aking mata dahil sa nakita nang gabing iyon! Hindi nga ako binabangungot ni Mr. Andrada pero nababangungot naman ako sa ginawa nito ng gabing iyon. Paulit-ulit ko itong naaalala at sa tuwing sumasagi iyon sa aking isipan ay nag-iinit ang aking pisnge at bilang nagsisitaasan ang aking balahibo saka may lukso ng dugo sa akin na nagsasabing gusto kong sakalin si Aria dahil wala siya ng araw na iyon. My thought bring back to present. “Stellar, Gladly you are here. Shall we proceed to the meeting?” someone announced. I rolled my eyes, bakit late na late ba ako. Sinang-ayunan iyon ng lahat. Nag turn on ang malaking Flat screen TV at may kung ano-anong detailed na mga papeles ang siyang bumungad sa amin. A new summon? By the way, I am Stella Polaris Takahashi. My codename in this syndicate is Stellar that means star but used to punished some of our member who create mistakes. Well, my second name means star too and northern anchor but my position have a different meaning. I am Stella Polaris Takahashi and I am the Underworld Anchor of this syndicate... The Huntress. The high rated punisher. Sa sindikato ay hindi namin ginagamit ang mga totoo naming pangalan, may kanya-kanya kaming mga codename. Tago ang identidad namin sa isa’t-isa. Ang magulang ko ay kapwa sindikato rin pero wala sila rito, nasa Japan sila at may matiwasay na pamumuhay. Masasabi kong sumunod ako sa yapak nilang dalawa kahit na alam kong mali ito. I am the high-rated punisher of this syndicate. I always prefer to punish them instead of k-illing them. They also want me to be an assassin of the syndicate and without a choice I accepted it, that’s how my other codename Stellaris created. Ang unang naging kliyente ko ay si Mr. Dark Andrada, ang bilyonaryong propessor. He hired me to assassinate him at sa tingin ko siya ang pinakabaliw sa lahat, simula pa lamang sa pag-hire niya ng isang unwilling na assassin na kagaya ko para wakasan ang boring niyang buhay, hanggang sa pag-request niya sa aking mamatay ng nakahubad. Binigyan ko siya ng chance para magbago ng disesyon pero sirado talaga ang isipan ng isang ‘yon. Masyadong self-centered, akala mo naman siya lang ang nabubuhay sa mundo. Wala nga siyang problema eh tapos bibigyan niya ng problema ang pamilya niya dahil lang sa pagkamatay niya. Dahil lang sa boring ang buhay niya ay ipapakitil na niya. Napaka gago talaga niya... Pero, Rest in peace, Mr. Dark Andrada ‘wag mo akong dadalawin sa aking pagtulog, ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD