"YOU can already stop now" sabi ni mira kaya napalingon kami sa kanya "What do you mean?" tanong ni brent "Patawarin niyo ko kung pinilit ko kayong baguhin si raven. Akala ko kasi may pag-asa pa. Akala ko kasi magagawa niyong baguhin siya dahil sa unang pagkakataon kahit saglit lang nakita kong nagkaroon ng pakialam si raven bukod sa sarili niya pero mukhang nagkamali ako ng pagkakakita. Namisinterpret ko yung mga pagliligtas na ginawa niya sa inyo. Nakalimutan kong magaling pala siyang magpanggap. Kaya di ko napansin puro pagpapanggap lang ang mga kabutihang pinakita niya sa inyo. Kaya patawad. Pwede niyo ng itigil ang ginagawa niyo. Mas pagtuunan niyo na lang ng pansin ang paghahanap ng taong makakapagligtas sa inyo. At wag niyo na ding lapitan pa si raven. Kaya lang naman ako pumayag

