NGUMITI si mira ng matamis saka umalis. "Kailangan na nating maghanda para sa party mamaya at alam mo ba kung anong iniisip ko?" tanong ko kay chloe "I know what you're thinking lia but before that we need to eat because I'm really starving to death" sabi ni chloe kaya naman kumain na kami. --- Pagkatapos naming kumain ay agad kaming nagpunta sa dorm ni raven. Kumatok na agad kami ni chloe na agad namang binuksan ni raven. Sumalubong sa amin ang mukha niyang walang kahit anong emosyon. Di na siya nagtanong at binuksan na lang ng malaki ang pagkakabukas sa pinto kaya naman pumasok na agad kami baka magbago pa ang isip niya eh mahirap na. Umupo siya sa sofa at umupo naman kami sa sofa na nasa tapat niya. "Mira told me about your wish. You can still change your wish. Ako na ang bahalan

