LIA' POV Habang kumakain kami kasama si raven at ash may biglang sumulpot sa harap namin na 3 babae at 2 lalaki. "Anong kailangan niyo?" tanong ni chloe sa kanila Nagulat kami ng bigla silang lumuhod na nagpalaki ng mga mata namin. Maliban doon sa dalawa. "Mga kamahalan tulungan niyo po kami!! Parang awa niyo na!!" pakiusap nila Nakita naming napatingin na ang ibang estudyante sa mesa namin. "Teka! Tumayo nga kayo! Di niyo na kailangan pang lumuhod!!" sabi ko kaya naman tumayo sila "Mga kamahalan tulungan niyo po kami parang awa niyo na" sabi ng isang babae "Ano bang nangyari? Bakit kailangan niyo ng tulong namin?" tanong ni troy "Kasi po mahal na prinsipe kami po ay isa sa mga miyembro ng Eros Musical. Yung mga singers po kasi namin nagkasakit at kailangan po namin makahanap ng k

