CHLOE'S POV "MIIRAA!" sigaw namin saka tumakbo papunta sa kanya sina troy at zach naman ay tumakbo papunta doon sa direksyon kung saan nanggaling yung pana. Si raven ay nanatiling nakatulala Nang makalapit sa kanya ay lumuhod ako at nilagay ang ulo niya sa hita. "Mira! Wag kang pipikit! Parating na iyong mga healers" sabi ko ng makita kong parang pipikit na ang mata niya at may lumalabas ng dugo sa bibig niya "N-no need. A-alam kong di na ako m-magtatagal. T-tinamaan ako sa v-vital parts ko at w-walang magagawa ang mga healers dahil walang m-magic na ginamit sa p-pagpana sa akin" nahihirapang sabi ni Mira saka napaubo ng dugo "Wag ka ng magsalita mira!" saway ni lia na may luha na ang mga mata. Damn! Pati ako naiiyak na din. Medyo napalapit na din kasi si Mira sa grupo namin kahit p

