chapter 10

1002 Words
Inaya muli ni Joey ang asawa nito na gawin muli 'yon. Ngunit hindi pumayag si Jaylyn at kaniyang pinapapasalamat dahil nirespeto na ni Joey ang kaniyang desisyon. Ngunit sa tuwing pumupunta si Ronald sa bahay nila ay talagang naiilang si Jaylyn. Kaya pa nay iwas ito sa binata. Mabuti na lang at kahit paano ay naging madalang na lang ang paiinuman nila Ronald at Joey. Dahil naging busy na sila sa kanilang trabaho. At makalipas ang ilang buwan ay isang pangyayari ang hindi inaasahan. "Tok! Tok" katok sa pintuan ng banyo ni Joey. "Love, ang tagal mo naman sa banyo. Baka puweding pakibilisan." "Love, saglit na lang." Wika naman ni Jaylyn mula sa banyo. "Ano kayang magiging resulta nito? Hala, lord. Kinakabahan ako," wika pa ni Jaylyn sa kaniyang sarili na kinakabahan. "Love, ang tagal mo naman." "Love, wait lang, ha. Diyos ko po ito na." "Po-Positive. Bu-buntis ako," hindi makapaniwalang saad ni Jaylyn habang nakatingin sa pregnancy test. "Buntis ako, diyos ko po," naiiyak na wika ni Jaylyn at agad itong lumabas ng banyo. "Love! Love!' na-e-excite na wika ni Jaylyn sa kaniyang asawa. "Love, ano bang nangyayari?" takang tanong naman nito. "Love, buntis ako." "A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Joey sa kaniyang asawa. "Buntis ka," muling tanong nito. "Oo, love. Ito, oh!" sagot nama ni Jaylyn at ipinakita ang result ng pregnancy test. "Diyos ko po! Buntis ka nga, love," natutuwang saad ni Joey habang nakatingin sa pregnancy test. "Magiging tatay na ako! Magiging pamilya na tayo, love! Salamat sa diyos! Salamat!" masayang-masayang wika ni Joey. "A-Uhm. Pero, Love," nag-aalalang saad nito. "Oh, bakit Love? Hindi ka ba masaya na buntis ka? Na magiging magulang na tayo?" mga sunod-sunod na tanong nito. "Masaya ako syempre. Pe-Pero. Hindi ba kasi-- Ahm, paano 'yong?" hindi matuloy-tuloy sabihin ni Jaylyn. "Love, Iniisip mo ba na posibleng. Hindi ako ang ama ng bata na 'yan?" tanong nito sa kaniyang asawa. "Sorry, Love. Ha? Pero. Oo, eh." Pagkakatotoong saad ni Jaylyn. "Love, hindi mo na kailangang isipin 'yon. Ako ang ama ng batang dinadala mo. Hindi ba't nasabi ko naman sa iyo na baog si Ronald," paliwanag naman ni Joey. "Oo." "Love, baog si Ronald. Kaya siya ang pinili kong makasama natin. Kasi alam kong safe siya. Dahil baog siya." "Sigurado ka ba, Love?" paniniguro naman ni Jaylyn. "Oo at siguradong-sigurado. Saka 'di ba? Maraming beses na may nangyari sa atin. Kaya siguradong akin ang batang iyan. Anak natin 'yan." "Love, gusto ko rin namang ikaw ang maging tatay ng anak ko, eh. Kaya ko kang naman tinatanong sa iyo. Mainam na iyong sigurado 'di ba?" pangangatwiran naman ni Jaylyn. "Oo, Love. Naiintindihan ko. Alam mo ang saya-saya ko. Hindi ko akalain na mangyayari ito. Ang tagal nating hinintay ito, eh. At salamat sa diyos dahil binigay niya iyong matagal na nating hinihiling sa kaniya." "Tama ka, salamat sa diyos. Ako rin naman hindi makapaniwala. Saka ilang beses na rin akong nawalan ng pag-asa. Dahil ilang beses na tayong sumubok at nabigo. Pero mabuti na lang ngayon at hindi tayo binigo ng diyos." "Oo nga, love. Hindi niya tayo binigo. Pangako ngayon na magiging tatay na ako. Magpapakatino na ako, hindi ko na gagawin pa iyong mga kalokohan ko noon ititigil ko na." Pangako ni Joey. "Talaga, love?" wika naman ng asawa nito. "Oo, Love. Pangako 'yan. Magbabago na ako para sa iyo at sa magiging baby natin. "Salamat love, ha." "Ako nga itong dapat magpasalamat sa iyo, eh. Kasi sa kabila ng nagawa ko sa iyo. Hindi mo pa rin ako iniwan. At lalo na ngayon, binigyan mo pa ako ng anak." "Hindi naman kita iiwan, eh. Iyon ay dahil mahal kita. At ni minsan hindi sumagi sa isip ko na iwanan ka. Kaya kahit na ano'ng gusto mo ginagawa ko, eh. Basta huwag ka lang mawala sa buhay ko, eh." "Basta, huwag mo akong iiwan, ha? Basta mahal kita. Tatandaan mo lagi. Pangako hinding-hindi ko na uulitin pa iyong mga ginawa ko noon." "Aasahan ko 'yan love, ha?" "Oo, love. Makakaasa ka." "Salamat." "Hay! Hindi na tuloy ako makapaghintay na makita ang baby natin. Sino kaya ang kamukha niya sa ating dalawa, ano? Babae kaya siya oh lalaki? Na e-exite na talaga ako," saad pa nito na tuwang-tuwa. "Ako rin love, eh. Basta ma pa babae man siya o lalaki, mamahalin ko pa rin siya at aalagaan ng buong-buo." Natutuwang saad din ni Jaylyn. "Basta, baby. Behave ka lang diyan sa loob ng tiyan ng mama mo, ha? Tatandaan mo mahal na mahal ka namin ng mama mo. Wuaahh!" wika rin nito at dinampian pa ng halik sa tiyan. "Oo nga, anak. Mahal na mahal ka namin ng papa mo." "I love you, baby." Aniya nito. "Sabi ni baby, mahal ka rin daw niya." Masayang saad ni Jaylyn. "Hay naku. Ang saya-saya ko talaga." Masayang-masaya na saad ni Joey. "I love you, Love." "Mahal na mahal din kita. Mahal namahal." Aniya naman ni Joey sa kaniyang asawa at dinampian pa nito ng halik labi ang kaniyang asawa. Nang araw na iyon ay talagang napakasaya ni Jaylyn dahil sa wakas ay matatawag na silang isang pamilya. Matagal. Dahil ang totoo ay matagal talaga nila itong hinintay at sa wakas ay binigay na nga ito ng maykapal. At simula rin noon ay napansin ni Jaylyn ang malaking pagbabago nito kay Joey. Tinigil na nito ang pag-inom at ang lahat ng mga bisyo nito. Talaga namang tuwang-tuwa si Jaylyn dahil ang laki ng pinagbago ng kaniyang asawa. Napansin din ni Jaylyn na hindi na rin inaaya ng asawa nito si Ronald sa kanilang bahay. At pabor naman iyon kay Jaylyn. Napagkasunduan naman nilang mag-asawa na sa probinsya na lang manganganak si Jaylyn. Gusto kasi ni Joey na matutukan ng kaniyang ina ang pagbubuntis ni Jaylyn. Hanggang sa--" "Love, bakit naman biglaan ang pag-alis natin? Akala ko sa susunod na buwan pa?" nagtatakang tanong ni Jaylyn. "Ha? A-Ah. Okay na rin iyong maaga. Saka na approve na kasi iyong leave ko, eh," sagot naman ng asawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD