"Gano'n ba? Okay," pagasang-ayon na lamang ni Jaylyn sa kaniyang asawa.
"Saka mas okay na rin na sa probinsya ka magbuntis. Para naman matutukan nila nanay," wika pa nito.
"Sabagay," wika na lamang ni Jaylyn.
"Siya nga pala, Love. Iyong mga importante na lang ang kunin mo gamit, ha? Doon na lang tayo bibili ng iba pang gamiy baby," saad pa nito.
"Sige, love. Para wala na rin tayong masyadong bitbitin." Pagsang-ayon naman nito.
"Oo, love."
"Joey!" Sigaw ni Ronald at malakas ang katok nito sa pintuan.
"Joey buksan mo ang pinto! Joey!" Sigaw muli nito.
"Teka. Si Ronald ba 'yon?" takang tanong din nito.
"A-Ah, hayaan mo siya. Huwag mo na lang pansinin." Agad naman sagot ni Joey.
"Ha? Teka, bakit? Ano bang nangyayari?" nagtatakang tanong na nito sa kaniyang asawa.
"Basta, basta hayaan mo na lang siya!' madiin na wika nito kay Jaylyn at nagmamadaling inayos ang mga gamit nila.
"Joey! Joey! Mag-usap tayo! Jaylyn! Buksan mo ang pinto may dapat kang malaman! Jaylyn!" Sigaw pa muli ni Ronald.
"Love, ano ba kasing nangyayari? At saka, ano ba iyong dapat kong malaman?" nag-aalala na na tanong nito.
"Puwede ba, love. Huwag mo na lang siyang pansinin!" mataas na boses na wika nito.
"Jaylyn! Mag-usap tayo! Harapin mo ako!" sigaw muli ni Ronald.
"Ronald! Umalis ka na! Huwag mo na kaming guluhin!" Sigaw din ni Joey.
"Hindi ako titigil hanggang hindi nalalaman ni Jaylyn ang totoo!" Sigaw muli ni Ronald.
"Love, ano ba iyon, ha? Ano bang totoo?" naguguluhan na rin na tanong ni Jaylyn.
"Wala lang 'yon, love. Wala lang 'yon!" saad naman ni Joey.
"Alam mo pakiramdam ko may tinatago ka."
"Wala nga! Wala!" Sigaw din ng asawa nito.
"Hindi ako naniniwala sa iyo. Sa ayaw at gusto mo. Bubuksan ko iyong pintuan."
"Huwag, pagpigil naman ni Joey at hinabol nito ang kaniyang asawa.
"Alam mo, kung hindi ka natatakot at wala kang tinatago! Hahayaan mo akong buksan itong pintuan at kausapin si Ronald!" matapang naman na saad ni Jaylyn sa asawa nito.
"Jaylyn! Buksan mo ito! Parang-awa mo na!" Sigaw muli ng binata.
"Jaylyn, huwag! Huwag mong bubuksan ang pinto!" pigil naman ni Joey.
Pero huli na, dahil matapang na binuksan ni Jaylyn ang pintuan.
"Jaylyn," wika naman ni Ronald na gumuhit sa mukhan nito ang ngiti.
"Mabuti at binuksan mo ang pinto," dugtong pa nito.
"Ano ba 'yong sasabihin mo, ha? Ano ba ang dapat kong malaman?!" galit na tanong nito sa binata at naka kunot ang noo.
"Jaylyn, huwag kang maniniwala sa sasabihin niya. Nagsisinungaling lang siya." Agad naman ni Joey sa kaniyang asawa.
"Jaylyn. Jaylyn, makinig ka sa sasabihin ko."
"Ano ba 'yon, ha? Sabihin mo na nga!" galit na tanong nito.
"Ako ang ama ng batang nasa tiyan mo."
"Ano?! gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Jaylyn.
"Hindi 'yan totoo!" agad naman na saad ni Joey.
"Dapat lang malaman ni Jaylyn ang totoo." Matapang naman na saad ni Ronald.
"Ano bang totoo, ha? Ano ba?!" Galit at naguguluhan na tanong ni Jaylyn sa mga ito.
"P're, umamin ka na!" wika naman ni Ronald kay Joey.