"Ano ba, ha? Ano bang totoo?!" Galit na galit na tanong ni Jaylyn at hindi mapigiling tumulo ang luha nito.
"Jaylyn, hindi ako baog. At kahit na anong gawin niyo ni Joey ay hinding-hindi kayo magkakaroon ng anak. Dahil baog siya. At matagal na niyang alam 'yon." Pagsasabi ng totoo ni Ronald.
"Ano? Totoo ba 'yan?" tanong muli ni Jaylyn.
"Oo, kaya nga pinipilit akong may mangyari sa atin, eh. Dahil gusto niya na magkaanak kyo. At syempre siya ang kilalaning ama. Na dapat ako."
"Joey. Joey, totoo ba iyon?" tanong nito sa kaniyang asawa.
"Jaylyn. Oo, totoo 'yon. Baog ako at matagal ko ng tinago sa iyo ang totoo. Sorry," maluha-luhang saad ni Joey.
"Ano?!"
"Naisip ko kasi na kapag may nangyari sa inyo ni Ronald. At nabuntis ka, ako ang kikilalaning ama ng bata. Natatakot kasi akong malaman mo ang totoo na baog ako, eh. Baka iwan mo ako. Isa pa, gustong-gusto na rin kasi kitang bigyan ng anak. Kaya ko nagawa ang bagay na 'to," paliwanag naman ni Joey.
"Kaya pumayag kang magalaw ako ng iba?" umiiyak na wika nito.
"Oo, kaya pumayag ako. At hindi naman talaga totoong pantasya kong may mangyari sa inyo habang pinapanood ko kayo, eh. Sa totoo lang sobrang nasasakatan ako at nagseselos habang may nangyayari sa inyo. Pero iniisip ko na lang na dapar kung kayanin para maging ina ka na. At maging isang pamilya na tayong dalawa," umiiyak na saad ni Joey.
"Okay lang naman sa akin na walang anak, eh. Ayos lang sa akin 'yon. Pero sana, noon pa lang sinabi mo na ang totoo na baog ka. Matatanggap naman kita, eh. Dahil para sa akin, mahalaga 'yong tayo. Eh, 'di sana hindi tayo aabot sa ganito," aniya naman ni Jaylyn habang tumutulo ang luha nito.
"Sorry, sorry," tumutulong saad ni Joey sa asawa nito.
"Nangyari na! Saka ikaw naman Ronald. Bakit naman pumayag ka sa gusto niya?" tanong din nito sa binata.
"Pumayag ako sa gusto niya. Dahil-- dahil mahal kita." Pagkakatotoo naman ng binata.
"Ano?" hindi makapaniwalang saad ni Jaylyn.
"Ronald, ano 'to?" takang tanong naman ni Joey.
Lalong tumulo ang luha ni Jaylyn dahil sa mga naring niya.
"Ngayon ko lang sasabihin ang totoo. Mahal kita, Jaylyn. Mahal kita noon pa man, matagal ko na itong nararamdaman noong hindi pa kayo nakakasal, eh. Kaya noong binanggit ni Joey ang tungkol dito. Pumayag na rin ako agad, eh. Dahil pagkakataon ko na 'to. Para maiparamdam ko sa iyo ang pagmamahal ko, Jaylyn. At masaya ako dahil nagbunga ang pagmamahal ko sa iyo. Dahil nabuntis kita. Naisip ko na ayokong si Joey ang kilalaning ama ng bata, gusto ko na ako ang kilalaning ama ng nasa tiyan mo." Paliwanag at sagot naman ni Ronald.
"Walang hiya ka, Ronald!" galit na saad ni Joey at agad nitong sinuntok sa mukha.
"Bakit hindi mo sanabi sa akin ang totoo, ha? Kung alam ko lang na may gusto ka sa asawa ko. Hinding-hindi ako papayag na ikaw mismo ang makabuntis sa kaniya! P're, pinagkatiwalaan kita. Akala ko ba nagkasundo tayong dalawa, ha? Pero, ano 'to, ha? Trinaydor mo ako!" Galit na saad ni Joey.
"Pasinsya ka na, P're. Kagaya mo despirado na rin ako, eh. Kung ikaw despirado kang magka-anak, ako despiradong maramdaman ang pagmamahal ni Jaylyn." Katwiran naman ni Ronald.
"Hay*p ka! Ang sama mo! Galit na galit ni Joey at muli nitong sinuntok si Ronald sa sikmura.
"Masama ka rin naman, P're. Magkaparehas lang tayo," saad din ni Ronald.
"Tama na! Tumigil na nga kayo! Tama na gulong na ako, eh! Gulong-gulo na ang isip ko sa mga nalaman ko. Hindi ko nga alam kung sino ang paniniwalaan ko. Oh, maniniwal pa ba ako sa inyo, eh," saway ar umiiyak na saad ni Jaylyn.
"Love. Love, I'm sorry," wika naman Joey.
"Huwag mo akong matawag-tawag na, Love! Joey, pinagkatiwalaan kita. Lahat ng gustuhin mo binibigay ko sa iyo. Pero hindi ko akalain na manloloko ka pala. Sana pala noon pa lang, inamin mo na baog ka. Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito, eh. At ikaw naman, Ronald. Kung inaakala mong makukuha mo ako, dahil magkakaanak na tayo, puwes nagkakamali ka. Kahit sino man sa inyo ayokong kilalanin ng batang ito. Dahil nga sinungaling kayo! Mga manggagamit at manloloko, magsama kayo!" galit na saad ni Jaylyn habang tumutulo ang luha nito.
"Love, sa'n ka pupunta?" agad naman ng tanong ni Joey.
"Wala kang pakialam kung saan ako pupunta. Dahil ayoko na, eh. Hiwalay na tayo! Ayoko ng mahailin pa ang katulad mong manloloko!"
"Jaylyn, please. Ayusin natin 'to," pagmamakaawa naman ni Joey.
"Wala na tayong dapat ayusin pa! Dahil sirang-sira na tayo. At ikaw mismo ang sumira at hindi ako."
"Love, please. Huwag mo akong iwan, please." Pagmamakaawa nito.
"Joey, buo na ang desisyon ko. Ayoko na. At ikaw Ronald, hinding-hindi mo makikita itong bata." Banta rin nito sa binata.
"Jaylyn. Jaylyn naman, eh."
"Huwag niyo akong susundan! Kung ayaw niyong may mangyaring masama sa akin at sa batang ito! Bahala na kayo sa mga buhay niyo. Bahala na ang diyos sa mga ginawa ninyo! Ikaw Joey. Hinding-hindi kita mapapatawad, ang tagal-tagal mo akong niloko. Ang sama-sama mo. Ang sama-sama ninyo. Magsama kayo sa impyerno!" wika pa nito at tuluyan na nga siyang naglakad paalis.
Wala namang nagawa ang dalaw kung hindi ang manatili sa kinatatayuan nila.
Hindi akalain ni Jaylyn na magagawa 'yon ng kaniyang asawa. Pakiramdam nito ay parang pinipiga ang kaniyang puso sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman.
Minihal nito ang kaniyang asawa ng sobra-sobra. Pero hindi pala deserve 'yon ni Joey.
Umalis si Jaylyn sa bahay nila ni Joey at nakitira ito sa bahay ng kaniyang kaibigan niyang si Paula. Mabuti na lang at naintindihan nito ang kaniyang sitwasyon.