Nagpapahinga na noon si Jaylyn nang makarinig si Paulo na may nagtatao po mula sa labas ng gate nila.
"Jaylyn! Alam kong nandiyan ka. Kausapin mo naman ako, oh. Parang awa mo na." Pagmamakaawa ni Joey.
Agad na lumabas si Paulo mula sa gate at kinausap nito si Joey.
"Paula, parang awa mo na. Iharap mo sa akin Jaylyn. May sasabihin lang ako. Gusto ko lang siyang makausap at makita. Parang awa mo na," pagmamakaawa nito.
"Joey, gabi na. Isa pa nakainom ka. Bukas na lang kapag hindi ka na lasing. At isa pa, hindi sa nakikialam ako sa inyong mag-asawa. Pero kaibigan ko si Jaylyn. Sa mga nangyari at nalaman niya. Maigi ng hayaan mo muna siyang mapag-isa," payo nito.
"Pero, Pau. Mahal ko ang kaibigan mo. Alam mo 'yan. At hindi ako mabubuhay ng wala siya sa tabi ko," umiiyak at pagmamakaawa nito.
"Kung talagang mahal mo siya. Irespeto mo ang desisyon niya. Baka mapaano pa siya at ang batang dinadala niya. Umuwi ka na Joey," pakiusap din ni Paula sa asawa ng kaniyang kaibigan.
Walang nagawa si Joey kung hindi ang luhaang umalis at umuwi sa bahay nito.
KINABUKASAN ay tanghali na noong nagising si Jaylyn.
"Good morning!" nakangiting saad ni Paula sa kaibigan nito.
"Good morning," wika naman ni Jaylyn na kita sa mukha ang pagkabalisa nito.
"Mabuti pa kumain ka na. Sure ako na gutom na si baby," saad ni Paula.
"Hindi ako gutom," saad naman ni Jaylyn at tinalikuran nito ang kaniyang kaibigan habang nakatalikod.
"Jaylyn, huwag mo naman sanang pahirapan ang sarili mo. Oh, ang idamay ang bata sa sinapupunan mo. Wala siyang kasalanan," saad pa ni Paula na naaawa sa kaniyang kaibigan.
"Wala siyang kasalanan. Pero ang ama nito at dahil sa kaniya, naalala ko ang kahay*pang ginagawa nila sa akin," saad nito na tumutulo ang kaniyang mga luha.
"Best, alam ko wala ako sa position mo. Hindi ko alam ang kung gaano kasakit ang nararamdaman mong sakit. Pero ilang araw ka ng hindi kumakain. Gusto mo na bang mamatay?" tanong pa ni Paula sa kaniyang kaibigan.
"Oo, gustong-gusto ko ng mamatay para matapos na ang lahat ng problema ko. Paggising ko wala ng nangyari at pati na rin 'yong sakit mawala na rin. Dahil wala ng dahilan para mamabuhay pa ako. Ang sakit sobra. Isipin mo 'yon. Ginawa ko ang lahat kahit labag sa loob ko nagpag*mit ako sa ibang lal*ki. Para lang hindi siya manlamig at iwan ako. Para maging maayos kami, ang pagsasama namin. Tapos malalaman ko, p*tang ina, best. Niloko lang ako at ano ang dahilan para raw hindi ko siya iwan. Dahil gusto niya akong bigyan ng anak at maging pamilya kami. T*ng-inang pagmamahal 'yan, best! Iyon ba ang tinatawag na pagmamahal?" umiiyak na saad ni Jaylyn at hindi pa rin ito makapiniwala na sa nangyari sa buhay niya.
"Best, masama ba akong asawa? Ano pa ba ang mali sa akin at kulang? Ang sakit at hanggang nandito ang bata itong sa sinapupunan ko. Lagi ko lang maaalala ang lahat lahat. Hinding-hindi ko sila mapapatawad," wika ni Jaylyn na napuno ng puot ang puso't nito.