MAY BISITA sila. At hindi na kailangan itanong pa ni Angelique kung sino ang mga iyon. Natanaw niya si Tita Au at Chris na kalaro si Angge sa sala habang sina Lolo Daddy at Tito Oscar ay nagkukuwentuhan sa dining area. Isang paghinga ang pinakawalan niya. Dapat ay hindi na siya magulat. Alam niyang mangyayari na ito. “Anj, dumating ka na pala,” seryosong sabi ni Lolo Daddy. “Talagang hinihintay ka namin.” She hated it. Iyong kaba na palagi na lang dumadagan sa dibdib niya nitong mga huling araw. At mas hindi niya iyon gusto ngayon. Mas matindi pa sa dati ang kabog ng dibdib niya. Hindi malayong magkasakit na siya sa puso dahil sa presensya ng pamilya ni Chris. “Sorry, medyo na-late ako ng uwi.” Humalik siya dito at ganoon din kay Tito Oscar. “Hello, Tito Oscar. Long time, no see. Kumust

