“BANANA split.” Tumaas ang kilay ni Angelique sa kaibigan. “We’re having dinner, Em. Iyan lang ang order mo?” “Yes. Banana split. Okay na iyan. Masarap iyan.” “Okay. Gusto daw niya ng banana split. I’ll have this. And also this.” Itinuro niya ang seafood pasta na specialty ng restaurant na pinuntahan nila. Umorder din siya ng carrot cake. Ugali na nilang tikman ang available baked goodies kahit saan sila kumain. “Naglilihi ka ba?” baling niya dito nang umalis ang waiter. Inirapan siya nito. “BFF tayo. Birds of the same feather, flock together. Kung tigang ka, masaklap mang sabihin, ganoon din ako.” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “You and your big mouth!” Angelique said in a warning tone. Luminga siya sa paligid sa pag-aalala na baka may makarinig sa kanila. “Oh, yes, this mouth

