“RELATIONSHIP na walang label.” “What?!” may pagtutol sa tinig ni Chris. “You heard me. Iyan tayo,” walang tono na sabi ni Angelique. Tapos na ang isang linggong pagpapanggap nila kay Apo Turing. Bentang-benta nga dito na may relasyon sila. Bakit nga ba hindi ay halos hindi sila magkahiwalay ni Chris. Parang hindi rin matanggal ang kamay nila sa isa’t isa. OA siguro sila sa PDAs nila pero kusa na lang nangyayari iyon sa kanila. At wala ring gabing lumampas na natahimik ang malangitngit na kama. Huling araw na nila doon nang biruin sila ni Apo Turing na makakatulog na rin ito nang mahimbing. Pinamulahan siya ng mukha nang makuha ang ibig nitong sabihin. Abot pala sa kuwarto nito ang eskandalo ng paglangitngit ng kama at siyempre pa, kasali na rin doon ang mga daing at halinghing nila

