CHAPTER 4

1120 Words
Biglang may kumatok sa kwarto ni Bryant kaya sinend niya kaagad ang message sa kanyang guro ng wala man lang pag aalinlangan. Binuksan ni Bryant ang pinto at pinapasok niya ang kanyang maid. Nang matapos ang katulong sa paglalagay ng pagkain at umalis ay agad sinara ni Bryant ang pinto. Habang kumakain siya ay patuloy lamang ito sa pag stalk niya kay Lovely. Magpahanggang sa kanyang panaginip, laman pa rin ng puso't isipan ni Bryant ang kanyang bagong guro. Kinabukasan, nagpagwapo si Bryant. Nagpagupit siya, pinag plantsa ang kasambahay ng uniform, nagpabango, at nagsuot ng salamin para magmukha siyang matalino. Pagpasok pa lang niya sa gate ng campus nila, halos lahat ng babae ay nakatingin sa kanya. Pumayag siyang magpa-picture kasama sila pero tumanggi siyang ibigay ang kanyang social media account. Dahil sa nangyari, nahuli na naman siya ng twenty minutes sa klase ni Professor Lovely, at tulad ng nangyari kahapon, naging center of attention na naman siya dahil sa pang-iinsulto sa kanya ng kanyang guro. "So, Mr. Bryant Montesero, bakit late ka na naman?" seryosong tanong ni Professor Lovely habang nakataas ang kilay sa bagong transferee. Ngumiti si Bryant, hindi pinansin ang nakakatakot na tingin sa kanya ng guro. "Good day po sa inyo, Ma'am Lovely... ah, hindi po kayo nagreply sa message ko kahapon hehe," nakangiting sabi ni Bryant. Pinagkrus ni Lovely ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. "Oh, anong nakakatawa dun?" "Wala po... pero sana po ay sinagot niyo ang tanong ko hehe," sagot ng pilyong binata. Nagulat ang buong klase sa pagsagot sagot ni Bryant sa kanilang guro. Inilabas ni Lovely ang kanyang cellphone at hinanap ang mga mensahe hanggang sa makita niya ang spam message ni Bryant. Tiningnan niya ito para basahin, saka niya hinarap ang binata na hindi pa rin inaalis ang ngiti sa mga labi nito. "Napaka-drama ng message mo sa akin, tatanungin mo lang ako tungkol sa group chat natin, may explanation ka na agad? Baka law student ka? Dinamay mo pa si Tyler sa paliwanag mo!" sabi ni Professor Lovely sabay bulsa sa kanyang cellphone. For the first time, nagtawanan ang buong klase ni Professor Lovely sa harapan niya. Napakamot ng ulo si Bryant at tumingin kay Tyler na halatang kinakabahan. Muli namang nilibot ni Bryant ang kanyang mga mata sa kanyang propesor na nakataas pa rin ang kanyang kilay. "So Ma'am pwede po bang maupo?" tanong niya sa guro. "Hindi pa," tumingin siya sa kanyang relo. "Late ka na ng 20 minutes, pinayagan na kita kahapon pero hindi ka pa rin natuto, pumasok ka sa loob at tanggapin mo ang parusa mo!" Sumunod naman si Bryant na parang mas excited na matanggap ang kanyang parusa. Pinaupo siya ni Professor Lovely at inilagay ang dalawang makakapal na libro sa kanyang mga kamay. "Squat hanggang matapos ang klase natin! Bukas, kapag late ka na naman, sa labas ng school mo yan gagawin, leche ka! Nagkakaintindihan ba tayo?" "Yes ma'am," sambit ni Bryant na inaakit ang guro sa kanyang malagkit na tingin. "Malabo ba ang mata mo, bagong transferee?" mataray na tanong ni Lovely. Sinagot naman siya ni Bryant gamit ang isang pick up line, "Oo, malabo ang paningin ko, pero nung nakita kita, naging malinaw ulit, Ma'am Lovely! Para kang bahaghari na dumating pagkatapos ng bagyo sa buhay ko!" Nagulat ang lahat ng estudyante sa sinabi ni Bryant, at bago pa man makapagsalita si Lovely ay naunahan na siya ng pilyong binata. "Don't worry, nagbibiro lang ako, ikaw na bahala kung maniniwala ka... po Ma'am!" Lalong pinagpawisan si Professor Lovely at inilagay ang dalawang libro sa mga kamay ni Bryant, saka niya ito dinuro. "Hoy, Mr. Transferee, parang hindi mo alam kung sino ang makakabangga mo! Ako ang pinaka strikto na guro dito at hindi ako marunong makipag biruan sa mga kagaya mong lalaki. Sisiguraduhin ko sayo na iiyak ka sa akin sa graduation kung patuloy ka sa pagiging asal bata at hambog mo," babala ni Propesor Lovely. "Wag po kayong magalit Ma'am Lovely. Alam ko pong mahirap humawak ng gwapong estudyante na katulad ko. Kung tutuusin ang hirap maging gwapo minsan. Akala ng ibang tao ay nagiging hambog ako pero sa totoo lang, wala naman akong ginagawang masama." Halos mapuno ng tawanan at excitement ang buong classroom sa matatapang na galaw ni Bryant. Bigla silang natahimik nang makitang napakagat labi si Professor Lovely. “Iho, una sa lahat, Professor mo ako at wala akong panahon sa mga corny mong biro. Ang cheap mo sigurong maging boyfriend, wag mong subukan ang pasensya ko dahil maaasahan mo mata mo lang ang walang latay!" Nakaramdam pa rin ng takot si Bryant na nakatitig lang sa mga mata ng guro. Napaiwas ng tingin si Professor Lovely, bahagyang namutla kasi siya kaakit-akit na tingin ng binata. Humarap siya sa klase habang si Bryant ay patuloy sa pag-squat. Sinadya niyang titigan ang mga babae sa loob ng classroom para agawin ang atensyon at huwag pansinin ang turo ng kanilang guro. Minsan ay kinikindatan pa niya ang mga ito. Napansin ni Lovely na hindi sa kanya ang focus ng mga estudyante, nilingon niya si Bryant at nahuli niya itong kumikindat at nag-flying kiss sa mga kaklase. Dahan-dahan siyang lumapit at kinurot ang binata sa tenga. Sa gulat ni Bryant, nabitawan niya ang mga libro mula sa kanyang mga kamay at napahawak sa kanyang tenga sa sakit. "Ouch, ang sakit nun ah!" gulat na reaksyon ni Bryant sa biglaang pangyayari "Sino bang nagsabi sayo na pwede mong landiin ang mga estudyante habang nagtuturo ako? That is so rude, you know?" tutol ng masungit na propesor. "Hindi ka ba nahihiya sa sarili mong balat? Baka lumipat ka ng school kapag araw araw kitang pinarusahan? Tumalikod ka ng pag skwat!" Ngumisi si Bryant at muling tumingin sa guro. "Tama ka ma'am. Tainitiyak ko po na ipapasa mo rin ako sa subject mo." "Well, wag kang papakasigurado iho. Kung hindi mo pa alam ang kumakalat na balita sa campus, lahat ng pasaway sa classroom ay tumahimik isang araw pagkatapos nilang makita ang mga sungay ko!" "Ayokong maniwala sa mga sinasabi mo, ang totoong dahilan kung bakit ka nila gustong maging guro ay walang iba kundi ang husay mo sa pagtuturo at ang kagandahan mo po. Well, kung hindi mo pa po naitanong, iyon ang hinahanap kong katangian ng isang babae, kaya hinatayin niyo po akong matapos sa pag-aaral at titiyakin kong liliga-" Napataas ng kilay si Professor Lovely sa kanyang pasaway na estudyante. "Sige, ituloy mo yang sinasabi mo at sisiguraduhin kong tatanda kang estudyante, gunggong na gwapo!" Nagtawanan ang mga estudyante ng tawaging gunggong na gwapo ni Professor Lovely si Bryant. "Pwede po bang magtanong ulit, Ma'am Lovely?" Hirit ni Bryant na halatang hindi nasaktan sa sinabing pang-aasar sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD