CHAPTER 5

1092 Words
Sa unang pagkakataon, biglang napatawa si Lovely. "Hahahaha! Nakakatawa ang hitsura mo iho, daig mo pa ang nasiraan ng bait! Ano ba ang itatanong mo?" Napangisi si Bryant, "Itatanong ko po sana sa inyo kung ni minsan ay nagawa ninyong ngumiti!" Nawala ang ngiti sa mga labi ni Lovely, "Dahil hindi naman ako isang comedian at hindi pagpapatawa ang pinunta ko sa school. Higit sa lahat, wala akong panahon sa mga kalokohan." Biglang nag bell at nagsipag uwian na ang lahat. Habang naglalakad si Bryant at ang kanyang klase sa kalsada kasama sina Tyler at Justin, napag-usapan nila ang panunukso ni Bryant sa kanilang guro. "How to be you po Bryant? You created a history sa Annex University. Ibang klase ka boss!" sambit ni Justin. "Korek! kung ako, baka uuwi na lang ako bigla. Matalim pa rin ang tingin niya sayo kanina," pagsang-ayon ni Tyler. Inakbayan ni Bryant sina Tyler at Justin. "Alam niyo ang mga babae, sa una lang masusungit ang mga 'yan. Pero eventually, we will win their hearts. Papalambutin ko ang puso ni Ma'am Lovely at sigurado akong mapapangiti siya, basta maghintay lang kayong dalawa!" Gulong-gulo ang mood ni Tyler at bigla siyang nagtanong. "Don't say that you're in love with Professor Lovely? Diba sabi ko naman sayo bawal makipagrelasyon ang isang estudyante sa professor? Paano kung ma-expel ka sa ginagawa mo?" nag-aalalang sabi niya. "Relax, that can wait, pre. Sa ngayon, gusto ko lang makitang ngumiti ulit si Ma'am Lovely gaya ng nakikita ko sa kanya kanina at baka kasi masyado na niyang siniseryoso ang buhay niya at tumatanda na siya!" "Bryant, baka mauna pang mag concert dito si Taylor Swift bago mangyari ang sinasabi mo. Sabi ko nga, napakataas ng standard ni Ma'am Lovely," giit ni Tyler. "Well, let's see, mataas yata ang pride ko at hindi ako basta-basta susuko makuha lang ang pangarap ko!" Kinabukasan, bago pumasok sa klase, bumili si Bryant ng tatlong pirasong bulaklak at tsokolate para kay Professor Lovely, pumasok siya ng mas maaga para ilagay ang binili niya sa table ng guro, sinulatan niya ito ng random na pangalan at saka siya umalis ulit para hindi mapansin ng ibang mga estudyante ang kalokohan niya. Tumambay siya sa canteen at nang makita niya si Tyler ay sumama siya dito. "Pre, tapos ka na ba sa research natin? Parang ang hirap ng ginagawa ni Ma'am Lovely," nakasimangot na sabi ni Tyler. Si Bryant naman ay lutang na walang ibang iniisip kundi ang kalokohang ginawa niya. "Anong meron?" Nagulat si Tyler sa sinabi niya. "Ano? Wala kang assignment? Bakit ka pa pumasok? Dapat umabsent ka na lang." "Pakopyahin mo na lang ako, tutal magkaibigan naman tayo diba?" Nakangiting sabi ni Bryant. "Naku, yari ka kay Ma'am Lovely. Galit na galit siya sa mga tamad, siguradong i-squat ka na naman niya sa klase at ipapahiya ka niya!" "Don't worry, babawi ako sayo next time. Ang dami ko rin kasing ginagawa kaya nakalimutan kong may assignment tayo!" Pag-akyat nilang dalawa sa klase sa ikaapat na palapag ng building, nadatnan nilang nagkakagulo ang mga kaklase nila sa table ni Professor Lovely. "Anong meron?" Tanong ni Bryant na halatang nag mamaang maangan sa ginawa niyang kalokohan. Lumapit silang dalawa at nakita ang tatlong rosas at imported chocolate na nakalagay sa mesa. "Ano ba mga estudyante, bakit kayo nagkakagulo?" tanong ni Professor Lovely na biglang sumulpot sa pinto ng classroom bitbit ang dalawa niyang libro at bag. Umupo ang lahat ng estudyante maliban kay Bryant na buong tapang na bumati sa kanyang professor. "Magandang araw po, Ma'am Lovely," nakangiti niyang bati. "Good morning, himalang hindi ka na-late ngayon Bryant? Mukhang natuto ka na!" "Opo naman, feeling ko motivated ako ngayon hehe!" "Umupo ka," utos ni Lovely. Ibinaba ni Lovely ang dalawang librong hawak niya at nagulat siya sa tatlong rosas at tsokolate na nakapatong sa mesa niya. Napatingin siya bigla kay Bryant na nakahawak sa baba para magpacute. "Sino sa inyo ang naglakas-loob na gawin ito?" Tanong ni Professor Lovely sa klase niya. Walang nagsalita sa klase maliban kay Bryant. "Wala po kaming alam ma'am, lalo na ako." Kinuha ni Lovely ang tatlong rosas at tsokolate at binigay kay Bryant. "Iho, kung alam mo kung sino ang nagbigay sa akin, sabihin mo na cheap niya at hindi niya kilala ang taong gusto niyang pagbigyan!" Nagulat si Bryant nang bumalik sa kanya ang regalo nito. "Teka lang, wala akong kinalaman sa mga sinasabi nyo. Sayang naman yung chocolate parang imported!" "Well, you can eat that if you want. Hindi ko yan tatanggapin," seryosong sabi ng guro. Si Bryant ay nanatiling persistent at naglakas loob na magtanong. "Ma'am, baka po may kasabwat 'yung tao sa classroom natin, ano po ang gusto mong bilhin ng manliligaw mo para magustuhan ka niya?" "Wala akong ibang gusto kundi ang mawala siya na parang bula. Hindi ako tumatanggap ng manliligaw at wala akong pakialam kung anong klaseng kalokohan ang ginagawa niya. Ang gusto ko lang ay mag-focus sa mga estudyante ko, speaking of... may assignment akong pinagawa, di ba?" Napatingin si Bryant sa mga kaklase niyang nakahanda na ang mga research paper. Napakamot siya ng ulo bigla at tumingin ulit kay Lovely. "Wag mo akong tignan ng ganyan, gunggong na gwapo! I hate people lazy people, may assignment ka ba o wala?" "Pwede bang umihi muna? Saglit lang prof!" pagmamakaawa ni Bryant na parang naiihi. Nanatiling nakakunot ang noo ni Professor Lovely nang makita ang pag-arte ng binata. "Sana sa susunod ay mas magaling ka na sa pag-arte, kasi hindi ako kumbinsido!" Nagtawanan ang buong klase sa sinabi ni Professor Lovely. Tumayo si Bryant at nagmatigas na naman. "Bahala ka Prof, malaki na ako at hindi mo na ako madidiktahan!" Tumakbo si Bryant palabas, ngunit hindi siya pinigilan ni Professor Lovely. Ilang minuto ang nakalipas, biglang nagsalita ulit si Lovely sa kanyang mga estudyante. "Guys, please don't hang out with that kind of guy. Sa isang classroom, meron talagang pasaway na lalaking estudyante. Sayang gwapo pa naman si Bryant, pero kulang sa tamang pag-iisip!" "Narinig ko yun Ma'am!" Nakangiting sabi ni Bryant sa kanyang professor at bigla siyang may hawak siyang folder. "Akala ko ba iihi ka? Ang bilis mo nama!" "Kinuha ko lang yung folder ko sa library, baka kasi sabihin mo pong tamad akong estudyante!" Umupo si Bryant at pilit niyang tinitingnan ni Lovely ng malagkita. "Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan, Bryant? Parang may meaning ang tingin mo!" Tumingala si Bryant sa kisama at nagsalita. "Dapat po ba sa itaas ng kisame ako tumingin para may matutuhan po ako sa klase ninyo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD