Analyn “Aww…sarap naman ng ngiti ng baby Alex, namin,” wika ko ng biruin ko ang anak ko na kilitiin sa kilikili niya at gigil na hinalikan kaya lalong lumakas ang tawa. Humagikhik ito ng sobra kaya kami ni Nanay Hiyas, napa bungisngis na lamang. Kahit din ang mga katabi namin sa ward. Nakangiting pinagtinginan kami. Sabi pa, ang 'guwapo' raw ng anak ko. Of course, guwapo rin naman ang Tatay ni Alex. Hindi lang talaga maputi si Teng ngunit hindi rin naman maitim. Umuwi na si Mutya. Kasama ko si Nanay Hiyas, pareho na kaming pinatatawa si Alex habang kalong ko ang anak ko sa aking hita. Parang wala ng sakit ang anak ko kaysa kanina ng naabutan ko na sinasayaw-sayaw siya ni Nanay Hiyas dahil sa paghikbi-hikbi. “Wow wala na yata sakit ang apo ah,” sabi pa ni Nanay Hiyas na kina hagikgik

