Analyn “T-Teng a-ano a-ang ginagawa mo rito?” natataranta ako bakit nasundan ako nito. Ano siya lumipad? Halos magkasunod lang din kami dumating at nauna pa siya huh? Ano naman ang salitang matatanggap ko rito? Hindi pa ba siya sawa sa mga parungit n'yang insulto kanina habang kasama ko si Sandee. Shitty naalala ko si Alex, kaya hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy na iniwan si Teng. Subalit nag-iba na ang ugali nito para yatang naging siraulo ‘to, kasi tinawag pa ako na ikinainis ko ng sobra sa salitang natanggap ko galing sa kaniya. Baliw na siguro may jowa na siya susunod-sunod pa rin dito. Gusto ba niyang pag-awayin kami ni Sandee? Animal siya, ang sarap nitong kutungan sa totoo lang. “Sandali mag-usap muna tayo,” sabi pa nito’t seryoso. Sinamaan ko siya ng tingin. Ok lang ba

