Analyn “Teng?” napamulagat ako. Bakit feeling ko sa akin siya nakatingin. Ngunit baka ako lang ang napaparanoid sa kakaisip. Binibigyan ko lang ng alalahanin ang isip ko samantala si Teng, kung pagbabasehan ko iyong kanina sa kotse niya patungo namin dito. Parang balewala lang dito nagkita ulit kami. Sa sobra kong takot baka ako ang pinuntahan ni Teng. Lumapit ako sa taxing nasa likuran ng kotse niya at agad-agad kong binuksan ang pinto ng taxi para lang madismaya dahil sa taxing nakuha ko. Naku po may sakay na sa loob paano ako makalalayo agad dito. Pisti kapag minamalas ka nga naman Oo. Mukhang ako ngayon ang paborito ng kamalasan. Kanina ito ha? Sa MS Manpower Solution pa lang, nandoon na ang signal number 3 na bagyong, Teng. “Analyn!” Napako ako sa aking paghakbang dahil hahanap p

