Analyn “Tita, susunod po kami,” sagot ko dahil sira ang araw ni Teng dahil nabitin. Umaalog ang balikat ko sa pagtawa. Nakita ni Teng, sinamaan ako nito ng tingin kaya naman pinilit kong pigilan ang pag-alpas ng malakas kong tawa. “Sige Hija. Baba na ako nariyan kasi ang kaibigan ko. Asawa ni Ding,” paalam pa ni Tita Monina sa amin. “Mahal…natutuwa ka pa,” busangot ang mukha saad ni Teng sa akin. Mas lalo akong tumawa dahil padabog din ‘to bumangon galing sa ibabaw ko. Gentleman pa rin naman inalalayan niya akong bumangon. Still helped me fix myself. Hindi nga lang bumalik sa ayos ang salubong niyang kilay. Kaya galit nga sa kaibigan niya. “Tara na oi, importante siguro ipinunta ni Ding, sa ‘yo,” sabi ko sa kaniya. “Yeah, dapat lang na importante dahil kung wala lang? Babawiin ko ang

