Analyn Teng Mahal narito na ako sa labasan. Aantayin kita. Nakabihis ka na ba? Napangiti ako ng kay aga-agang text ni Teng. Kagigising ko lang din ngayon umaga. Inihahatid kasi ako nito sa university pinapasokan ko kapag walang malayong lakad ang boss nito. Kasi dinadala nito ang kotseng minamaneho sa lugar namin. Mabait daw kasi ang amo ni Teng. Parang kapatid na sila kung ituring ng isa nito kaibigan. Naipakilala ni Teng sa 'kin noong sinagot ko siya. Ako Paalis na ako. Tipid ko lang reply kay Teng. Nireplyan pa ako ng heart emoji nga lang. “Nay! Sa school na lang po ako kakain bibili na lang ako ng biscuit,” paalam ko sa kaniya pagkakita ko nakaupo ito sa silyang nasa tindahan nito at seryoso naninigarilyo sa loob ng maliit n'yang tindahan. Inantay kong abutan niya ako ng baon.

