Episode 9

3531 Words
Ilang saglit na nakatulala ang dalaga sa kawalan habang iniisip kung ano ang planong gagawin upang mabawi si Nene sa mga dumukot dito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama rito lalo na at siya ang dahilan. Bakit ba kasi hindi niya napigilan ang mga ito? Kung ginalingan lang sana niya at mas binilisan pa baka hindi nito nakuha ang dalagita. "Damn it!!!" asar na wika ni Jamie sabay hampas ng malakas ng kotse ng mga ito. Saka lang niya napansin na nakasuot lang pala siya ng pantyshort at manipis na sandong pantulog. Sa kakamadali ay di na niya nagawang magsuot ng roba man lang. Kaagad na nagpalinga-linga ang dalaga at ng masiguro na wala pang tao ay kaagad siyang sumakay ulit sa motor at pinaandar yun upang makauwi na siya sa bahay nila. Noon lang niya naalala na bukod kay Nene ay nasa masamang kondisyon din si Ashton dahil tinamaan ito sa balikat. "Miss Jamie!" malakas na sigaw ng isa nilang kasambahay ng mamataan siyang papasok sa loob ng bakuran nila. Napakaraming tao na nakiki-usyoso sa paligid kaya naman nagmamadali siyang naglakad papasok sa bahay nila. Nadatnan niya pa si Ashton na ginagamot habang tahimik itong nakaupo sa sofa. "Miss Jamie, s-si Nene?"mahinang tanong ni Ashton ng makita siya. "Hindi ko siya nakuha." maikling sagot niya sabay tingin sa mga taong nakatingin lang sa kanila. "Pauwiin mo na sila Ashton. I want peace." ani ng dalaga bago siya nagtungo sa kwarto niya para magpalit ng damit. Hindi mawala sa isipan ng dalaga ang banta ng mga kidnapper kapag hindi siya sinuko ang sarili, at batid niyang sa oras na ginawa niya yun ay baka yun na din ang katapusan niya at yun ang hindi niya hahayaang mangyari. "Sir Ashton. Ano hong nangyari?"ani ng isa nilang kapitbahay. Ang ibang kasambahay ay naglilinis na rin sa paligid dahil sa sobrang kalat nito. "We are robbed! And the saddest part is. We almost died because of this tremendous attack against us. I think we have to tighten our security here para naman masiguro na hindi na 'to mauulit. Maaaring simula pa lang ito ng mga balak nila at iisa-isahin tayong lahat." "Buti na lang at buhay pa ang tatlong sekyu na nakatalaga sa bungad, yun nga lamang ay nasa kritikal pa rin silang kondisyon." ani ng isang homeowner. "Ang mabuti pa ay magsiuwi na kayong lahat at siguraduhin niyo ang kaligtasan ng inyong pamilya... Kailangan ko munang asikasuhin ang amo ko dahil hindi siya okay." ani Ashton sa mga ito bago sinenyasan ang isa sa mga kasambahay na ito na muna ang bahala sa mga tao. Dali-daling umakyat sa second floor si Ashton para puntahan si Jamie at tanungin kung anong nangyari. Kita niya ang pagkabalisa sa mukha nito ng dumating kaya alam niyang hindi maganda ang engkwentro nito sa mga nanloob sa bahay nila. "Miss Jamie, can we talk?" Ngunit ilang saglit nang kumakatok si Ashton ay nananatiling tahimik ang kwarto ng dalaga kaya maingat niya iyong binuksan ngunit wala roon ang dalaga. "Miss Jamie??? Where are you?" alalang wika ni Ashton habang palinga linga sa palibot ng kwarto ng dalaga ngunit wala ito roon. May sugat man sa kanang braso ay kaagad na bumaba si Ashton para pumunta sa pribadong silid ng dalaga ngunit naka lock ito. "Miss Jamie? Are you there?" ani Ashton kasabay ng magkakasunod na katok ngunit tahimik lang ang paligid kaya naman nagpasya na si Ashton na gamitin ang duplicate key para pasukin ang kwarto. "Miss Jamie??" muli niyang tawag sa dalaga ngunit wala pa rin siyang nakuhang sagot mula rito. Imposible namang umalis na lang bigla ang dalaga ng hindi niya nalalaman kaya alam niyang naroon lamang ito sa bahay. Maya-maya pa ay natanaw ni Ashton ang may katamtamang silid kung saan nagpapractice shooting ang dalaga. Sound proof ang silid na yun kaya naman kahit anong gawin ng dalaga ay hindi ito maririnig ng kahit na sino. Bahagya pang napaawang ang labi ni Ashton ng makita ang dalaga na halos ubusin ang bala ng baril nito sa iisang target. Ramdam na ramdam niya ang gigil at galit ng dalaga at alam niyang sa mga oras na iyon ay walang makakapigil sa dalaga kaugnay ng mga binabalak nito. Nang tumigil ang dalaga sa pagpapaputok ay kaagad niya itong kinawayan ng mapatingin ito sa salaming gawa sa bintana. "What?" maikling tanong ng dalaga ng makalabas ito sa silid. Dire-diretso ang dalaga patungo sa lugar kung saan naroon ang mga kolrksyon nitong figurine. Ngunit alam niyang hindi iyon ang sadya ng dalaga. Bagkus ay ang secret compartment sa likod niyon kung saan nakatago ang lahat ng armas ng dalaga. Kailangan lang nitong may galawin sa isa sa mga figurine at magbubukas na ang secret compartment nito. "Miss Jamie, anong nangyayari? Ano 'yang ginagawa mo?" sunod-sunod na tanung ni Ashton ng damputin ni Jamie ang 9mm pistol nito at nilagyan ng bala. "Hawak nila si Nene..." maikling sagot niya. "Oo, alam ko... Pero anong gagawin mo? Huwag mong sabihing susugurin mo sila ng mag isa? Sasama ako!" "No. May sugat ka pa. You stay here Ashton! Baka habang wala ako ay may magpunta rito. Mahirap na." "Pero Miss Jamie.. Baka mapano ka!" "Walang mangyayari sa'kin Ashton, pero sa kanila meron! Wag lang silang magkakamali!!" nangangalit ang mga bagang na wika ni Jamie sabay kasa ng baril na hawak nito. "Miss Jamie ako ang natatakot sa'yo! Sasama ako sa'yo para makasigurado!". "No!!! Maiwan ka rito. Ako ang kailangan nila. Besides, look at you! Nabaril ka na! Hindi mo na kailangan pang sumama. Hayaan mo akong lumakad mag isa. Kayang kaya ko 'to at pangako... Ibabalik ko si Nene dito." "Pero Miss Jam-" "Enough Ashton! Please lang... Let me handle this, okay? Asikasuhin mo ang mga kasama natin dito sa bahay. At kapag tumawag sila Mommy ikaw na ang bahalang magpalusot,okay? I can do this.." ani Jamie sa matanda sabay hablot ng bag niya at isinilid doon lahat ng armas niya. Kailangan niyang maging handa lalo pa at sa ilang saglit lang ay makakaharap na niya sina Riely, at titiyakin niyang mababawi niya si Nene ng buhay. "Miss Jamie.. Please calm down okay? Let's talk about this! Wag ka masyadong magpadalos dalos, I know nag aalala ka kay Nene. Ako din naman! But do you think maililigtas mo siya kung pati ikaw nahuli nila? Sa dami ng taong pumunta dito kanina do you really think may balak pa silang buhayin ka? With all of their firearms?" "Ako ang kailangan nila. That's why ibibigay ko yun sa kanila!" "Then? That's suicide Jamie!! Do you really think that you can save her alone?! Ni hindi nga natin alam kung ilan sila na makakasagupa mo!".m pagalit na wika ni Ashton na siyang nakapagpatameme sa dalaga. "Look! They're loaded with guns and so are you. But the question here is.. Alam mo ba kung anong taktika ang gagamitin mo? Do you really know kung paano sila magagapi? You're state of mind as of this moment will lead you to your downfall!" dagdag pa nito. "The time is running out Ashton... I will never ever forgive myself kapag may nangyari sa kanyang masama..." naluluhang wika ng dalaga. "Then let's make a plan. We have to make sure na mababawi natin siya okay?" Sumisinghot-singhot pa ang dalaga ng tumango ito bilang pangsang ayon sa kausap. "Now, were talking!" nakangiting wika ni Ashton sa kanya sabay tapik ng mahina sa balikat niya. "I'm sorry kanina." "It's alright.. Now, tell me kung saan kayo magkikita-kita." Ani Ashton sabay lapag ng malinis na papel kung saan nito iguguhit ang sketch ng lugar. "Hindi ko masyadong matandaan yung eksaktong lugar. Pero sasabihin ko kung ano ang natatandaan ko."ani Jamie sabay hila ng silya para umpisahan na ang plano nila ni Butler Ashton. --- 10:00pm "Sigurado ka bang magpapakita dito yung babaeng 'yun?"ani Riely kay Borgz habang humihithit ng sigarilyo nito na kakasindi pa lang. "Tiyak yan.. Kita mo naman kanina kung papano siya humabol para mabawi yan.".sagot ni Borgz sabay nguso kay Nene. "Pakawalan niyo na ako! Pag nagalit sainyo si Ate Jamie ay baka kung ano pa magawa niya sainyo! Kaya pakawalan niyo na ako bago mahuli ang lahat!" ani Nene habang pilit na kumakawala sa pagkakagapos sa kanya. "Tumahimik ka! Pag ako nabwisit sayo sasamain ka sakin!"asar na wika ni Riely kay Nene. "Tama na yan Riely,baka di ka makapagpigil madisgrasya mo pa yang bata.. Antayin mong dumating yung babae saka ka bumanat!".saway sa kanya ni Borgz. "Oo alam ko, ngapala ilan ba sa mga tao mo ang nalagas kanina?". "Wag mo ng isipin yun..saka na kapag tapos na tayo dito. Masa labas pa yung tatlo kong tauhan na siyang magbabantay sa labas. Para makasiguro tayo na hindi tayo malulusutan ng babaeng yun.". "Tatlo lang sa labas? Di kaya kulang pa yun?" "Ano ka ba? Iisa lang ang kalaban mo saka sa pagkakaalam ko di yun gagawa ng ikakagalit natin dahil may hawak tayong alas laban sa kanya." "Sige. Ang mabuti pa ay ihanda na natin ang mga gamit. Para pag dumating 'yong babae ay handa tayo." "Kanina pa ako nakahanda, kita mo 'yan." ani Borgz sabay turo ng bomba na nakalapag sa mesa. "Para san 'yan?" "Eh di para sa bisita, para matusta silang dalawa,heheheeh!!" tusong wika ni Borgz sa kausap. "Hindi ba delikado yan sa atin?".tila nag aalangan na wika ni Riely. "Huwag kang mag alala dahil akong bahala." "Siguraduhin mo lang ha!" paniniyak ni Riely. "Oo nga, parang wala kang tiwala sakin ah!" "Naniniguro lang, mahirap na baka kasama ako sa matusta!" "Hindi 'yan.. Akong bahala.. Saka ko na iseset ang timer niyan kapag malapit na siyang magpunta rito." "Okay." --- "Pare! Kawawa naman yung natodas nating mga kasamahan kanina,tsk tsk tsk!!!" ani ng isang matabang lalaki sa dalawang kasama. "Oo nga pare eh! Nagulat nga ako biglang may nagpaputok! P*ta buti na nga lang kamo nakapagtago ako, kung hindi malamang sa alamang nakaburol na ako ngayon!" ani ng isa pa. "Kaya nga maging alerto tayo! Pag nahuli nila boss yung babaeng 'yon mag rerekwest talaga ako na isa din ako sa magpapahurap sa kanya. Aba!! Kamuntikan na din ako kanina ah!" ani ng payat na lalaki sa dalawa. "Hayaan niyo. Ilang oras na lang at makakaganti na tayo.".l "Oo nga!" "Pero bago 'yan,may pagkain ba kayo diyan? Biscuit o tinapay man lang?" ani ng mataba habang hinahaplos ang tiyan. "Talaga naman 'tong taong 'to... Sasabak na nga tayo sa gyera pagkain parin ang nasa isip." ani payat. "Eh sa nagugutom ako, bakit kayo ba hindi nagugutom?!" ani Taba sa dalawa. "Nagugutom din!" magkapanabay na wika ng dalawa sa kasama. Naputol ang pag uusap ng tatlo ng makarinig sila ng lalaking sumisigaw sa di kalayuan habang may bitbit na katamtamang laki ng balde at nakasuot la ng salakot. "Ballllloooooooottttttt!!!!!!!! Pinoyyyyyyyg!!!!! Mani!!!!! Chicharon kayo diyan!!!!!!!!!"malakas na sigaw ng lalaki habang dahan-dahan na naglalakad papalapit sa pwesto nila. "Oh ayan!! May makakakain na tayo!!" excited na wika ni Taba habang kumakaway sa tindero upang lumapit sa kanila. "Lakas talaga manalangin nito ni Taba! Hahahahah!"kantiyaw naman ni payat. "Mga amang, bibili ba kayo ng paninda ko?" mahinang wika ng lalaki sabay lapag ng baldeng dala dala nito. "Oo Manong!! Ang tanong, masarap at mainit ba yang balot mo?" "Oo naman mga amang! Masarap pa ang sukang sawsawan!" "Ganon ba? Sige pabili nga kami!" ani Taba habang dumudukot ng pera sa bulsa nito. "Ilang piraso mga amang?" nakangiting wika ng lalaki. "Bigyan mo kami ng anim!"malakas na sigaw ni Taba. "Ano sa'yo lahat 'yon?" mulagat na tanung ni payat. "Tanga! Tag dalawa tayo! Baka sabihin ninyong masyado akong masiba, nakakahiya naman sainyo!" ani taba sabay hagikhik. "Eh pano yung dalawa sa loob 'di mo bibigyan? Total nanglibre ka na rin lang lubos-lubusin mo na!" "Oo na sige na, bigyan mo kami ng sampong balot manong!" ani taba habang pakamot kamot pa sa ulo. Samantala nangingiti na lamang ang tindero dahil sa inaasal ng tatlo. "Ngapala mga amang, anong ginagawa niyo rito? Abandonado na 'tong warehouse na 'to eh! Kung hindi ko lang nakita na may ilaw dito at may tao hindi ako mapapadpad dito." "Ano ka ba manong?magbabalot o tsismosong kapitbahay? Oh ayan na ang bayad namin. Makakaalis kana..itchusero!" ani taba sa matanda para umalis ito. "Pasensya na mga amang,naitanong ko lang naman. Oh siya ako'y hahayo na.. Mag iingat kayo at mag enjoy kayo sa balot!" ani ng tindero bago ito tumalikod sa tatlo at naglakad papalayo roon ng may ngiti sa mga labi. "Miss Jamie! Nakita ko na kung ilan sila,"nagkukumahog na wika ni Ashton habang papasok sa nakaparadang kotse sa di kalayuan. "Ilan sila?" "Tatlo sa labas at ang sabi dalawa lang sa loob.."ani Ashton sabay lapag ng dala-dala nitong balde na puno ng paninda. "Okay...kunti lang pala akala ko naman isang batalyon ang nandiyan!" "Pero mag-iingat ka pa rin.. Dahil 'di natin alam baka magagaling din ang mga 'yan." "Akong bahala. Anong oras na ba?" "10:30 na," "Punta na kaya ako." ani Jamie sabay lagay ng baril niya sa tagiliran at isang lanseta na may kaliitan at kasya lang sa bulsa. "Sama ako." "Wag na Ashton, dito ka na lang dahil kapag nakuha ko si Nene papupuntahin ko siya dito. Para may abutan siyang tao dito at nandito ka para maiuwi siya sa bahay. Tatapusin ko na lahat ng 'to ngayong gabi." ani ng dalaga. "Sigurado ka ba na kaya mo?"paniniyak ng matanda. "Oo,kayang kaya ko 'to. Wag kang mag aalala!" ani Jamie sabay kindat sa matanda. "Sige. Dalhin mo yang phone mo. Para pag kailanganin mo ako tawagan mo ako kaagad para masaklolohan ka pag nagkagipitan ha!" bilin ni Ashton. "Yes Sir!" nakangiting wika ni Jamie bago ito tuluyang lumabas ng sasakyan at maingat na naglakad papalapit sa warehouse. Maingat ang bawat hakbang ni Jamie upang hindi makalikha ng kahit na anumang ingay na makakapagpaalerto sa mga kalaban. Sa ilang saglit pa ay malaya na niyang natatanaw ng malapitan ang tatlo habang nagkakasiyahan sa pagkain ng balot. Tahimik lang siyang naghintay umepekto sa mga ito ang nilagay nilang lactoluse sa suka na sarap na sarap na hinihigop ng mga ungas. "Sige pa...higop pa more hahahaha!!" hagikhik ng dalaga habang pinanonood ang tatlo. Proooottt! Prooootttt! Malakas na utot ni Taba habang kumakain, sumunod si payat at ang isa pa. "Teka parang natatae 'ata ako mga pare.." ani taba sabay hawak sa tiyan nito. Prroooooottt!! "Ako rin eh!!" ani payat sabay hawak sa puwet nito. Maya-maya pa ay isa isang nagsipagtakbuhan ang tatlo upang humanap ng pwesto kung saan sila pwedeng maglabas ng sama ng loob. "Anak ng tokwa!! Ano ba yung kinain natin bulok?!" nakangiwing wika ni taba habang butil butil ang pawis sa mukha habang naglalabas ng sama ng loob. "Kasalanan mo 'to eh! Baka 'yong nagbenta ng balot ang may gawa nito!" ani Payat sabay dampot ng maliit na bato at ibinato kay taba. "Kasalanan ko pa? Eh bakit ka kumain nung nagbigay ako? Ako pa sinisi mo, malay ko ba!" depensa ni taba. Maya-maya pa ay bigla silang sinigawan ng isa nilang kasama habang naghahanap ng dahon na ipapabid nito sa ouwet sapagkat wala silang tisyu o tubig panghugas ng puwet. "Tumahimik nga kayong dalawa! Baka may nanunuod na satin at pinagtatawanan tayo! Maging alerto kayo!" sita ng isa habang di maidrawing ang pagmumukha. Samantala halos maihi naman si Jamie sa pagtawa habang pinapanood ang tatlo na nagtatalo habang nagbabawas. Mabuti na lamang at naisipang gawin yun ni Ashton para mawala sa pokus ang tatlo sa pagbabantay. May chance na siyang pasukin ang warehouse ng hindi napapansin ng mga ito. Tatayo na sana ang dalaga ng biglang lumabas sina Riely at Borgz habang di maidrawing ang pagmumukha. "Mga g*go kayo! Anong nilagay niyo sa pagkain namin?! Parang hinahalukay sikmura namin ni Riely! Kanino ba yung balot?!" inis na wika ni Borgz ng makalapit sa tatlo. Binigyan din kasi ni taba ang dalawa para may makain din ang mga ito. "Kami nga rin eh!!" sigaw ni taba habang nagsusuot ng brief dahil tapos na ito sa pagtae. "Ahhhh! Eto na naman!" sigaw ni Borgz habang nagmamadali sa pagtanggal ng belt nito at nagtatakbo patungo sa abandonadong banyo para tumae. Nagsisunuran din sina Riely at para silang mauubusan ng lakas dahil sa maya't mayang pagbawas. "Di tayo aabutin ng alas dose dito, 'di nga tayo mamamatay sa bala matutuyot naman tayo!!".ani payat sa kanila. "Yan napapala ng katakawan niyo!" ani Jamie habang pinagmamasdan ang mga lalaki na hirap na hirap sa kalagayan nila. Ilang minuto ring nagmatyag ang dalaga bago dahan-dahang gumapang papalapit sa warehouse habang alerto ang mga mata niya sa tatlo. Inihanda niya na rin ang baril niya para hindi siya mahirapan kapag may kalaban na aatake sa kanya. Habang abala ang mga kalalakihan sa pag intindi sa sarili nila ay malayang nakapasok sa loob ng warehouse ang dalaga at maingat na naglakad habang iginagala ang paningin sa buong lugar. Kailangan niyang mahanap si Nene habang abala pa ang mga ito sa ginagawa nila. Hindi naman nabigo ang dalaga dahil agad niyang nahanap si Nene habang nakagapos sa lugar kung saan siya dating nabihag ni Renato. "Pssstt!! Nene!!!" tawag niya kay Nene ng makitang wala itong kasama. "Ate Jamie!"tuwang tuwang wika ni Nene ng makita siya. "Sshhhhh..." Dali-dali siyang lumapit sa dalagita at kaagad itomg kinalagan. "Salamat ate at dumating ka. May masama silang binabalak sayo! Gusto nilang pasabugan ka ng bomba!! Kaya tara na!" nagmamadaling wika ni Nene sa kanya. "Ha?? Bomba??!!" gilalas na tanong ng dalaga. "Opo Ate, 'yan po ohh!" ani Nene sabay nguso sa bomba na nasa gilid lang nakalagay. "Holy cow!!! Dali Ne, lumabas ka na, sa likod ka dumaan huwag sa harap. Paglabas mo dito sa building tumakbo ka diyan sa gilid. Paglabas mo ng kalsada may makikita kang kotse, nandon si Ashton. Sumakay ka sa kotse at umuwi na kayo. Aalalayan kita para 'di ka mapano!" tarantang wika ni Jamie. "Ha?! Paano ka po Ate?" "Wag mo akong alalahanin!! Basta kailangan mong makalayo rito,okay? Ako ang bahala sa kanila. Dalian mo!" taboy niya sa dalagita bago sila tumakbo papalabas. Kinailangan nilang dumaan kung saan dumaan ang dalaga dahil alam niyamg walang tao roon ngunit nagkamali siya dahil bigla niyang nakasalubong si payat. "Andito na 'yong babae!" malakas na sigaw ni payat bago siya nito pinaputukan. "You jerk! Ang ingay mo!" asar-talong sigaw ni Jamie at agad na binanatan si Payat ng baril habang sinesenyasan si Nene na magtago. Maging sina Riely at Borgz ay napatakbo na rin papasok sa warehouse kaya naman kaagad niyang inasinta si Payat upang makalabas na si Nene at hindi naman siya nabigo. Walang buhay na bumagsak si payat sa harapan nila kaya kaagad niyang hinila si Nene papalabas. "Akong bahala rito. Pagkarating mo sa labas magpahatid ka na kay Ashton pauwi ha! Mag-iingat ka!" aniya kay Nene bago ito itinulak papalabas habang hinaharap sina Borgz at Riely na nagpapaputok na rin. "Matapang ka ha! Nagawa mo pang lumusob dito ng mag-isa! Gusto mo na talagang matodas?! Sabagay pabor samin 'yan!" malakas na sigaw ni Borgz sa kanya habang nagrereload ito ng bala sa magazine nito. "Tanga! Kung meron mang mamamatay dito kayo iyon! Magsama-sama kayo ni Renato sa impyerno dahil pare-parehas kayong mga halang ang mga kaluluwa!" malakas na sigaw ni Jamie sabay dapa mula sa pinagkukublihan. Pilit niyang hinahanap kung saan nagtatago sina Riely at Borgz para paputukan ngunit si Taba ang nakita niya. "Huwag,maawa ka sa'kin! Huwag mo akong babarilin!" mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Taba ng makita siya nitong inaasinta ito. "Wag kang haharang harang diyan duwag!". malakas na sigaw ni Borgz sabay baril kay Taba at kita niya ang pagtagos ng bala sa ulo nito. Agad na sinamantala ng dalaga ang nakalitaw na kamay ni kamay ni Borgz at agad nkya itong pinaputokan. "Ahhhhh!" malakas na sigaw ni Borgz ng makitang halos mawasak ang kanang kamay nito dahil sa pagtama ng bala ni Jamie. "Borgz, halika dito!"mahinang sabi ni Riely ng makitang tinamaan ang kasama. Kaagad silang nagtago sa gilid ng mga tambak na yero habang si Jamie naman ay palinga linga kung nasaan pa ang ibang mga kalaban. --- "Mang Ashton!" hingal na hingal na tawag ni Nene sa matanda ng makarating ito sa kotse na tinutukoy ng dalaga. "Asan si Jamie? Ano ng nangyari?" "Nagpaiwan po siya. Nagkakaputokan na po roon!"hangos na wika ni Nene sa matanda. "Nene, dito ka lang ha! Kailangan ni Jamie ng tulong ko. Kahit anong mangyari 'wag kang lalabas rito. Maliwanag?" "Pero ang bilin ni Ate Jamie umuwi na raw tayo.." tila takot na wika ni Nene. "Hindi ko siya magagawang pabayaan Nene. Di ko kayang iwanan ang alaga ko. Dito ka lang babalik din kami agad!" ani Ashton bago iniwanan ang dalagita sa loob ng kotse at mabilis na naglakad patungo sa kinaroroonan ni Jamie. "Ano nanghihina na ba kayo? Akala ko ba matapang kayo? Mag isa lang ako bakit kayo nagtatago?! Mga duwag!"sigaw ng dalaga habang hinahanap kung nasaan ang dalawa. "Wag kang kikilos ng masama kung ayaw mong mawarak yang ulo mo dito!" ani ng isang tinig mula sa likuran ng dalaga na siyang ikinabigla ni Jamie. Sa pagiging abala niya sa paghahanap ng pinagtataguan ng dalawa ay hindi na niya naramdaman ang lalaking nasa likuran niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD