Episode 2

3216 Words
Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe ng magdesisyon siyang basagin ang nakakabinging katahimikan nila ni Nene. Simula kasi ng magising ito ay hindi na nakipag usap sa kanya at nagkasya na lang sa pagtingin tingin sa paligid. "Nami-miss mo na yung mga kasamahan mo?'' "Hindi po ate..." "Bakit ka malungkot?" "Iniisip ko po kasi kung anong parusa ang ipapataw sakin ni Kuya Maeng pag bumalik ako sa kanya...Baka tuluyan na niya akong patayin..." "Isama kita sa bahay,gusto mo ba?" mahinang tinig na wika niya kay Nene. "Ha??? Talaga po ate?!" excited na sagot nito. "Oo kung gusto mo..kesa ibalik kita sa Kuya mong walanghiya..isama na lang kita sa bahay, huwag ka lang magkakamaling pagnakawan ako kundi malilintikan ka sakin." pananakot niya sa dalagita bago ito palihim na tinitigan mula sa kanyang rear view mirror. "Opo, hindi po! Ginagawa lang naman namin 'yon dati kasi kqpag 'di namin ginawa sasaktan kami ni Kuya Maeng." "Mabuti na ang malinaw....Marunong akong maawa sa mababait pero hindi sa masasama. Puputulan kita ng kamay pag pinagnakawan mo ako." muling pananakot niya sa dalagita at halos matawa siya sa reaction nito na nagawa pang ikubli ang dalawang kamay sa likod nito. "Matulog ka na muna, gisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo.." muling wika niya sa dalagita bago muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Naawa din siya kay Nene dahil sa sinapit nito sa kamay ng mga walang hiyang batugan kung bakit ba naman kasi madaming pabayang magulang na nakakayang palaboy laboy ang mga anak nito sa kalsada. Maya-maya pa ay tinawagan niya ang head butler niyang si Ashton. Ito ang nagturo sa kanya ng lahat na pang self-defense na alam nito maging ang paggamit ng baril at archery ay itinuro nito sa kanya. Katwiran nito na kailangan niyang matuto ng self-defense dahil sa palagian siyang iniiwan ng mommy at daddy niya. Alam din nito ang ginagawa niya dahil sa katunayan si Ashton ang tagakalap niya ng ebidensya sa mga salarin,at sa edad nitong sitenta ay matikas pa rin ito at maliksi dala marahil ng tamang pag-aalaga nito sa katawan. "Hello, Ashton." nakangiti niyang sabi rito ng sagutin ang tawag niya. "Hi, Miss Jamie...are you done with your mission?" "Yup...I'll be home in a minute...Can you do something for me?" "Please speak up Miss Jamie ..". "I want you to prepare my guest room. Can you do it for me?" "Forgive me for asking...but do we have a guest Miss Jamie?" "Nope...She's not a guest Ashton...From now on parte na siya ng pamilya natin...I'll be there soon. Please do, what I say" "Right away Miss Jamie" "Thanks a bunch Ashton...bye. " nakangiting wika niya rito bago niya pinutol ang tawag dahil inilagay niya pa sa maliit niyang bag ang lahat ng picture ni Timothy,ang video tape kung saan naka record ang cctv footage ng resthouse nito pati ang phone nito para sunugin pag uwi niya. Ayaw niyang mag-iwan ng bakas na pwedeng maiugnay sa kanya. *** "We're home.." nakangiting sabi niya kay Nene matapos niyang iparada ang kotse niya sa garahe kung saan agad na nililinis ng nga tauhan nila pagkaparada pa lang. "Woooowwwwww...ito po ang bahay mo ate?" "Yeah...nagustuhan mo ba?" "Opo ate...Para akong nasa palasyo! Ang ganda tapos ang laki.." Namimilog ang mga matang wika ni Nene habang tinitingnan ang buong paligid. "From now on...dito ka na titira..Ayos ba?" "Ayos pa sa olrayt ate!" excited nitong sagot. "Pasok na tayo sa loob.." natatawang aya niya sa dalagita na tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Well, sino ba ang di mamamangha sa kanilang mala-palasyong bahay? "Good Evening Miss Jamie..." magkakasabay na bati sa kanya ng benteng kasambahay nila na nakahilera pa na nakatayo sa sala. "Good Evening everyone...I hope you guys prepared something good for dinner."nakangiting bati niya sa mga ito. "As always Miss Jamie....Welcome abode....." ani Ashton habang pababa sa napakaganda nilang hagdan. "Hello there, princess...Maybe ikaw ang tinutukoy ni Jamie na parte na ng pamilya at dito na titira...Anong pangalan mo?".magiliw na wika ni Ashton ng balingan nito ang dalagita. "Nene po. Nene po ang tawag nila sakin." magalang na sagot ni Nene sa matanda. "I want you guys to meet Nene...from now on,she's one of us..."masiglang wika ulit ng dalaga sa mga kasama niya sa bahay. Lahat ng mga kawaksi ay isa-isang binati si Nene at maging ang mga ito ay tuwang tuwa sa dalagita. "Girls, kayo na muna ang bahala kay Nene..Make sure na malinis na siya before dinner.." utos niya sa mga kasambahay nila. "Let's talk inside Ashton." muli niyang wika bago nagpatiunang bumaba sa kanyang basement kung saan naroon ang gym niya na kumpleto sa mga gamit,may shooting range at boxing ring . Naroon din ang kanyang sekretong opisina kung saan sila nagpupulong ni Ashton at tanging silang dalawa lang ang nakakapasok. "Where did you get the girl?" muling tanung ni Ashton sa kanya. "I saved her.." "From? Galing kay Timothy?" "No, I saw her down the street...She was being molested by her guardian...Buti na lang andun ako." "Oh my..." "Don't worry about her, hindi rin malalaman nila Dad yan since lagi naman silang wala..." "Yeah, I know..." Agad siyang naglakad patungo sa kanyang mesa at maingat na inilapag ang video tape ng cctv na nakuha niya kay Timothy. Maya maya pa ay itinapon niya ito sa Chimney nila at agad na sinilaban. "Do we have a new case to be solve?" "Yes, but before that allow yourself to have a decent meal...Baka inaantay ka na ni Nene sa dining area..." nakangiting wika sa kanya ni Ashton. "Okay,let's talk about it tomorrow...I wanna rest after dinner." aniya rito bago sila lumabas sa silid na iyon para maghapunan. Paglabas nila ni Ashton ay nasa hapag kainan na nga si Nene na halos hindi makapaniwala sa nakikitang mga pagkain sa harapan nito. "May piyesta ba ate? Sinong may birthday?" "Walang piyesta at walang may birthday." nakangiting sagot niya rito. "Eh bakit po ang daming pagkain?" "Dahil madami tayong kakain." nakangiting sagot niyang muli sa dalagita. "Tayo pong lahat?" "Yes.Tayong lahat" aniya bago sinenyasan ang iba pa nilang kasambahay na magsilapit para sabay-sabay nang kumain. Ganoon sila sa bahay dahil kahit na napakayaman nila Jamie ay nananatiling nakatapak sa lupa ang dalaga siguro dahil lumaki siya sa gabay ng mga kasambahay at hindi mismo sa sariling mga magulang na simula ng isilang siya ay mas naging hardworking at explorer ang mga ito. Nagkasya lang ang mga ito sa pagbabayad ng mga kasambahay at yaya na siyang mag aalaga sa kanya dahil katwiran nila ay para din iyon sa kinabukasan ng dalaga. "Ang saya naman dito Ate." ani Nene kasabay ng pagkagat ng fried chicken. ''Alam kong magugustuhan mo rito Nene..." sagot naman niya sa dalaga sabay kindat kay Ashton na nangingiti na rin dahil sa pagkagiliw niya sa dalagita. Pagkatapos nilang maghapunan ay ibinilin ni Jamie si Nene sa mga kasambahay niya para makapagpahinga siya ng maaga dahil may tatrabahuin pa siya kinabukasan. Tiwala naman siyang hindi pababayaan ni Ashton ang dalagita kaya payapa siyang nakapagpahinga ng walang alalahanin. Masaya siya na natulungan niya ang gaya ni Nene na nangangailangan ng tamang pangangalaga at pagmamahal. Batid din niyang hindi rin malalaman ng kanyang mga magulang na nag ampon siya ng batang kalye dahil madalas namang wala ang mga ito. Agad nang nakatulog ang dalaga ng may ngiti sa labi. *** "Good morning Ashton!" masiglang bati niya sa head butler nila kinaumagahan. "Your favorite breakfast is ready Miss Jamie...Come with me.." nakangiting anito sabay giya sa kanya papunta sa terasa nila kung saan niya gustong mag almusal dahil nakaharap iyon kung saan sumisikat ang araw. "Tulog pa ba si Nene?" "Yes, Miss Jamie...Maybe ngayon lang niya naranasang humiga sa malambot at komportableng kama kaya napasarap ang tulog." "Huwag mo na lang gisingin. Hayaan mo siyang makapagpahinga..." aniya bago umupo sa silyang gawa sa narra at nakangiting humarap sa haring araw. "Good morning, sunshine!!" masiglang bati niya habang idinidipa ang mga kamay. Si Ashton mismo ang nagsisilbi sa kanya ng almusal at madalas sinasabayan na siya nito. Doon na din sila nag uusap ng panibago nilang target at pinagpaplanuhan kung ano ang gagawin nilang hakbang. "So, sino ang sunod nating target?" aniya habang nginunguya ang paborito niyang wheat bread. "Actually he's old enough para maging suspek. Pero siya ang tinuturo ng mga ebidensya na nakalap ko." "Like what?" "Kindly check this." ani Ashton sabay abot sa kanya ng ilang larawan ng pinangyarihan ng krimen maging ang forensic analysis. Naroon din ang hardcopy ng mga statement ng pamilya ng dalagang pinatay at maging ang mga ito ay malakas ang kutob na ang matanda ang may gawa niyon sa kaanak nila. "Siya si Mr. Oscar De Dios, 76 years old, isa siyang pilay ngunit may ari ng isa sa malaking mining company ng bansa. Ang biktima ay si Asuncion Serna, isang bente sais taong gulang at nurse ng matanda. According to some of eye witness minsan daw talagang nananantsing ang matanda sa dalaga at madalas itong magsumbong sa mga kasama pero hindi siya pinaniniwalan dahil kilala sa pagiging relihiyoso ang matanda.". ''Then, what made you think that he's the culprit?" "According to autopsy report it seems like it was his semen that later found in her private part." "Then, where is the autopsy report?" Maya-maya may iniabot ito sa kanya na mga papel na naglalaman ng autopsy ng dalaga. "I had the chance to get a copy bago tuluyang makuha ng mga tauhan ni De dios at sirain. Nakausap ko na rin ang pamilya ng biktima at kahit may alam sila at hinala na si De dios ang may gawa ay tila takot silang magsalita o labanan ang matanda. Maybe tinatakot sila ni De dios na wag magsalita." "I can see that coming..." "The problem here is, kahit malakas ang ebidensya na nag-uugnay sa matanda ay mukhang mauuwi lang sa wala ang kasong ito." "Bakit? wala bang humahawak nang kaso ng dalaga? This is a rape slay murder case. " "Yeah may mga humahawak nang kaso ng dalaga pero sa bagal ng usad ng kaso ay magagaya lang yan sa ibang case na nabaon na lang sa limot dahil sa tagal ng proseso..." "I understand." "So anong plano mo?" "Ano pa nga ba? I think I wanna meet this old guy.Is there any way na malapitan ko siya?" "Sa ngayon madami siyang bodyguard simula ng kumalat ang isyu ng nurse niya. But I've heard na magkakaroon siya ng thanksgiving party sa residential house niya sa Makati this coming weekend." "May chance ba akong maka attend sa party na 'yan?" "It was a mask themed party...At lahat ng imbitado ay mga piling personalidad lang...Mahigpit ang security nila kaya kung gugustuhin nating makapasok ay tiyak na dadaan muna tayo sa butas ng karayom." "Then, let's do it...I wanna see this guy." "As you wish Miss Jamie." "Ngapala nailibing na ba 'yong dalaga?" "Hindi pa Miss Jamie...Nakaburol pa rin siya until now." "Thanks! Mauna na ako sa'yo. Magpapapawis muna ako,balak ko ding puntahan ang burol niyan to gather some info na pwede nating magamit..Ikaw na rin ang bahala kay Nene pag nagising na siya" nakangiting paalam niya rito bago siya muling pumasok sa loob ng kabahayan at agad na nagtungo sa gym niya para mag ensayo at magpapawis. Balak niya ring sadyain ang pamilya ng biktima para makakalap din ng impormasyon laban kay De dios kaya naman ng matapos siyang mag ehersisyo ay agad siyang nagtungo sa bahay ng mga ito kung saan nakaburol pa din ang dalaga. *** "Magandang umaga ho.. Ako ho si Maria...Nakikiramay po ako sa pagkawala ni Asuncion. Magkaibigan ho kami during college days...." ani Jamie habang inaayos ang may kakapalan niyang salamin. Kinailangan niya kasing mag disguise para walang makakilala sa kanya at maghinala lalo na at may naispatan siyang pagala gala na mga lalaki na hula niya ay mga tauhan ni De dios. Kaya naman nagawa niyang magsuot ng peluka,makapal na salamin,mahabang manggas at lampas tuhod na palda. "Salamat Ineng...Salamat at hindi ka nakalimot puntahan ang anak ko Nakakawa ang sinapit ng aking anak." naluluhang wika ng ina ng dalaga. "Maging ako man ho ay hindi makapaniwala sa nangyari sa kanya,napakabait ho ng anak ninyo para sapitin niya ang ganyan..". "Iyon na nga Ineng...pero hindi ko man lang magawang bigyan ng hustisya ang aking anak.." umiiyak niyong tugon. "Bakit ho?? May pumipigil po ba?" tila nang aarok niyang tanulong. "Meron, pero pinipigilan kami ni Mr. De dios na magsalita. Kita mo ba yang mga lalaki sa labas? Simula nang iburol ang anak ko ay nandiyan na sila at parang nagbabantay. Pumapasok sila rito kapag may dumarating na pulis..." "Bakit naman ho kayo pababantayan ni Mr. De dios?" "Dahil siya ang walanghiyang nanggahasa at pumatay sa anak ko!" puno ng galit na wika nito. "Paano ho ninyo nasabi?" kuyom ang kamaong muli niyang tanong. "Nakatawag pa sa'kin ang anak ko bago siya mamatay. Nakapag-sumbong pa siya sakin.. Ang sakit-sakit." "Nakakalungkot naman ho ang sinapit ninyo. Huwag kayong mag alala, nakaligtas man sainyo si Mr. De dios pero hindi sa ibang tao.Hindi po natutulog ang Diyos." alo niya sa matanda habang naglalaro sa isip niya ang mga katagang "lalo na sa akin." *** Kanina pa nakaupo sa loob ng kotse sina Jamie at Ashton habang pinagmamasdan ang pagdating ng mga panauhin ni Mr. De Dios. Lahat ng mga ito ay naggagandahan at naggagwapuhan sa mga suot nito. Ang mga babae ay nakasuot ng mga long gown samantalang ang mga lalaki naman ay napakatikas sa suot nitong tuxedo. At kagaya ng inaasahan ay nakasuot ito ng mga maskara at tanging invitation card lang ang ipinapakita nito sa dalawang guard na nakaabang sa b****a ng gate. "It seems like mahigpit ang security nila at hindi nila hahayaan na may makapasok na uninvited." ani ng dalaga matapos ang pagmamasid sa paligid. "Yes Miss Jamie...Mukhang mahihirapan tayong makapasok,tadtad ng cctv ang bawat sulok ng bahay nila " "If there's a will.There's a way Ashton..." nakangiting sagot niya rito habang nakatingin sa isang dalaga na mag isang naglalakad sa parking lot at abala sa pagkakabit ng mga alahas nito. "What do you mean?" "Watch me." aniya bago bumaba sa hagdan at pasimpleng sinundan ang dalaga at ng madako ito sa dilim ay agad niya itong hinila at maya maya pa ay bigla ng lumabas ang dalaga bitbit ang gamit nito. "What did you do??" nanlalaki ang mga matang tanung ni Ashton. "Don't worry...Magigising din siya maya maya...I just need her dress and her identity as well..." nakangiting wika niya sabay pasok sa kotse niya para magbihis. "Mag-iingat ka pagpasok mo diyan..Tawagan mo ako agad if you need help, I'll make a scene para magkagulo at ng makalabas ka..".nag aalalang bilin ni Ashton ng makitang tapos na siya. "Don't worry Ashton I can do it..Trust me.." aniya sabay kindat dito bago siya bumaba sa kotse at naglakad na parang walang anumang nangyari. "Good evening, gentlemen." magiliw niyang bati sa dalawang gwardiya na nakabantay sa entrace ng gate. "Good evening, Ma'am...Invitation please..." magalang na sagot nito. "Here." aniya sabay abot abot ng invitation card na nakuha niya mula sa babae. Makikitang sinuri agad ng lalaki ang invitation bago siya nito tuluyang pinapasok. "Welcome to the party Maam.." nakangiti pang pahabol ng isa. "I will..." aniya sabay kindat sa mga ito. *** Pagpasok pa lang niya sa loob ay mapapansin na ang kagandahan ng bahay ni De dios. Halatang pinag isipang mabuti ang istraktura pati ang mga display at landscape ng garden nito. Bahagya niyang iginala ang paningin sa buong paligid para hanapin ang pakay niya at agad naman niya itong nakita. Mahahalata sa hitsura nito na ubod ito ng saya ng gabing iyon. "Laugh as much as you want De dios....Bukas di mo na magagawa yan..." aniya bago kumuha ng kopita ng alak at dahan-dahang sinimsim ang laman nito. Napakasarap ng alak na iyon at halatang maaayos ang proseso ng fermentation ng ubas kaya lumabas ang napakasarap nitong lasa. "Did you like it?" baritonong wika ng isang matangkad na lalaki . Nakasuot din ito ng maskara ngunit litaw pa din ang kapogian nito dahil mata lang ang natatakpan dito ala zorro. "Yeah..one of the best wine I guess.." "Thank you for the compliment.." nakangiting wika nito sa kanya. Itatanong niya pa sana kung kanya iyon ng bigla niyang namataan si De dios na lumabas ng balkonahe at lumayo sa karamihan. "You know what..I think I have to go....kailangan kong magpunta sa restroom.." pagdadahilan niya sa estranghero. "Okay..." Pasimple niyang sinundan si De dios at nakita niyang mag isa nitong pinapaandar ang wheelchair nito. Maingat niya itong sinundan dahil pumasok ito sa maze garden nito. Nagpalinga linga pa ang matanda bago ito tumayo at nagsindi ng tabacco. 'So hindi ka pilay..' aniya sa isip ng dalaga habang pinagmamasdan ang matanda na matikas na nakatayo. "Ehemmm...I thought I am going to be alone here, magpapahangin sana ako.. I'm glad you're here Mr. De dios.." aniya sabay lapit sa matanda. "And to see you standing like a real man is really awesome.." nakangising wika niya rito. "Huh?! Who are you? No one is allowed here, except me...Get lost.." matapang na sabi nito. "Is that your way of treating your guest? Sayang narito pa naman ako kasi naiinitan ako sa loob...Gusto ko sanang magpalamig dito..." mapang akit na wika niya habang hinahawi ang buhok para makito nito ang malusog niyang dibdib. "W-what are you doing??" anito sabay lunok ng laway. Sa hitsura ng matanda ay tila hindi na nito ininda ang panganib, dahil sa lakas ng pagnanasa nito sa katawan. "Do you want more?" mapang-akit niyang tanong kasabay ng bahagyang paglilis ng long gown niya at lumitaw ang maputi at makinis niyang hita. "You're naughty ha...I like it!" nakangising sagot nito sa kanya. "Then you must know where to find me." aniya habang nag flying kiss rito sabay kubli sa mga halamanan. "If you can find me.You can have me the whole night." malambing niyang sabi rito. "I will and I'm gonna prove to you na kalabaw lang ang tumatanda." nakangising wika nito habang hinahanap ang dalaga. Walang ibang tao sa maze garden maliban sa kanila ng dalaga at kabisado niya ang pasikot sikot nito kaya tiyak niyang mahahanap niya ito. Ang nga eksenang gaya nito ang nakakapagpabuhay ng excitement niya sa katawan.After niyang matikman noon si Asuncion ay muli na naman siyang nangarap makatikim ng babae at ito ang isang dalaga na nakikipaglaro sa kanya. at yun ang isa sa mga kahinaan niya na hindi malalaman ng iba. "I told you, I will find you dear." nakangising wika niya sabay dakma sa bisig ng dalaga na nakita niyang nakaupo sa madilim na bahagi ng garden. "Ang bilis mo naman." mahinang sabi ng dalaga. "Pagdating sa ganitong bagay ay sadyang mabilis talaga ako...hehehehe!" nakangising tawa ng matanda. "Kagaya ng ginawa mo sa private nurse mo?!" "What?!" manghang sagot nang matanda ngunit agad niyang naitarak sa puso nito ang matulis na sanga na nakita niya sa gilid. "Ugh!!! W-who a-a-re yyyoou!" ani ng matanda habang pilit tinatanggal ang kahoy sa dibdib nito. "Your karma." maikling sabi niya sabay sipa dito kaya naman agad itong sumadsad sa mga halaman na halos bumaon ang kahoy nito hanggang likod. "Whew....Someone like you doesn't deserve to be alive." aniya habang inaayos ang sarili at pasimpleng bumalik sa loob kung saan nagkakasiyahan ang mga tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD