Inayos niya muna ang sariling gown bago siya pasimpleng bumalik sa loob ng salas kung saan bumabaha pa rin ang alak at ang mga pagkain. Makikita rin ang mga kalalakihan na nag uumpukan at maging babae na nagpapagandahan ng mga gown. Dahan dahan siyang naglakad patungo sa pinto para umalis na ng biglang bumulaga sa kanya ang lalaking nakausap niya kanina lang.
''Hi, there! I thought umalis ka na. Kanina pa kasi kita hinahanap" nakangiting wika nito sa kanya kaya naman lumabas ang mapuputi at pantay pantay nitong mga ipin na halatang alagang alaga.
''Yeah, paalis na sana ako. Do you need something?" simpleng sagot niya rito bago humakbang papaalis ngunit hinawakan nito ang kamay niya na naghatid sa kanya ng kakaibang kiliti.
"Wait, forgive me kung mukha akong namimilit. I just thought you really like wine. I have something here that you can taste if you want..." anito sabay abot sa kanya ng isang kopita na may lamang red wine.
"And what made you think na iinumin ko 'yan? Malay ko ba kung may party drugs kang nilagay diyan." nakataas ang kilay na wika niya rito.
"No!!! I'm not that bad. I just wanna know your thoughts about it.Tingin ko kasi you're really good when it comes to wine. " ani ng binata na tila napahiya sa sinabi niya.
"I'm not an expert when it comes to wine, Even tho I used to drink when I want to relax. Actually it seems they liked it. Look at the other guests, you can really tell that they loved it."
"I just want your honest opinion sana. Don't worry harmless naman ako." anito sabay kamot sa batok nito at ngiti na parang asiwa.
Napa-buntonghininga siya dahil sa kakulitan nito kaya naman kinuha niya na lang ang wine at ginalaw galaw at bahagyang nilanghap ang aroma nito.
"Hmm...Masarap ang lasa. Cabernet Franc?"
"Exactly!!! I knew it! My God. Sabi ko na nga ba maalam ka sa red wine eh..."
"I just know. Everytime na nasa France ang mother ko, ito palagi ang gusto niyang inumin..."aniya.
"Really? Wow... I can give you my business card. If you want to try my wine, you can give me a call anytime..."anito sabay kapa ng bulsa nito.
Habang busy ang binata sa paghahanap ng business card nito ay naglulumikot naman ang tingin ng dalaga. Kita niya na nagbubulungan na ang mga security at tila may hinahanap. Batid niyang si Mr.De dios ang hinahanap ng mga iyon kaya kailangan na niyang umalis bago pa man nito makita ang bantay ng amo.
"Maybe you can give it to me next time? I am in hurry, umaatake na naman ang migraine ko...I have to go... And just a piece of advice, you don't need anyone's validation with your craft. It starts from your heart." paalam niya sa binata sabay lakad papalayo rito.
"W-wait....Anong pangalan mo?" Habol sa kanya ng lalaki ngunit agad itong nahawakan ng isang lalaki at napigilan.
"Andito ka lang pala Kuya. Come with me...Ipapakilala ko sa'yo si Ditas. Yung girlfriend ko remember? halika." ani Connor sa nakakatandang kapatid.
"Ha? Teka sandali may ibibigay lang ako dun sa babae" ani ng binata ngunit hindi na niya nakita ang babae dahil sa dami ng tao na masayang nagkukumpulan at nag iinuman.
"Where is she?" buong panghihinayang na wika ni Clark habang palinga linga ngunit tuluyan na niyang hindi nakita ang dalaga.
Samantala nagmamadali rin si Jamie sa paglabas lalo na nang makita niyang unti unti ng naalarma ang mga security sa pagkawala ng amo nila at ang iba ay pasimple ng naghahanap.
Agad niyang tinawagan si Ashton para ihanda ang sasakyan paglabas niya para makaalis sila agad sa lugar na iyon.
"Hi, gentlemen." malambing niyang wika sa mga guard na nakaposte sa gate ng makalapit siya sa mga ito.
"Yes, Ma'am. Hindi pa po tapos ang party uuwi na po kayo?" magalang na wika ng guard sa kanya.
"Yeah..I think inaatake ako ng migraine ko...I can't take it anymore..I think I need to catch some sleep..It's getting late na rin naman eh..." nakangiting sagot niya rito.
"Sige po Ma'am.." magalang na wika ng isa sabay bukas ng gate para sa kanya sakto naman ng pagparada ng sasakyan nila sa harapan ng gate kaya agad siyang nakasakay rito.
"Mission accomplished. Let's go Ashton." simpleng wika niya sa head butler nila habang tinatanggal ang maskara niya at nagpapalit ng damit.
"Right away, Miss Jamie." ani Ashton at agad na pinaandar ng matulin ang kotse papalayo sa lugar na iyon.
***
"Kuya Clark, I want you to meet Ditas Segismundo. My beautiful girlfriend." nakangising wika ni Connor sa kapatid habang ipinapakilala ang girlfriend niyang kolehiyala.
"Nice to meet you, Ditas. I'm Clark..." magalang niyang wika sa dalaga sabay abot ng kamay nito para makipag shake hands.
"Hello po Sir..." kiyemeng sagot nito sa kanya.
"Kuya Clark na lang...Mag-iingat ka sa kapatid ko medyo pilyo 'yan."nakangiting biro niya sa dalaga bago tinapik ang kapatid na bahagyang sumimangot.
"Kuya naman eh...baka ma turn-off sakin si Ditas ha." kunwari ay nagtatampong wika nito sa kanya.
"Joke lang Ditas. Pero pilyo talaga 'yan si Connor lalo nung nasa America pa kami. " aniya sabay hagikhik.
"Hay naku. Halika na nga Ditas...Baka sirain ako ni Kuya sa'yo" natatawang naiinis na wika ni Connor sabay hila sa kasintahan papalayo sa kapatid.
May katotohanan naman ang sinabi ni Clark dahil magkaibang magkaiba sila ng bunso niyang kapatid. Masyado itong happy go lucky at wala sa hitsura nito ang magseryoso sa buhay. Sa katunayan ay napakarami na nitong naging girlfriend at halos hindi na niya mabilang, kumpara sa kanya na sineseryoso ang pakikipagrelasyon kaya naman iisa pa lang ang naging gf niya at yun ay si Marian na isa ng tanyag na fashion designer.
Dahil hindi na rin naman niya makita ang babae ay nagpasya na lang siyang maupo sa sulok at pinanuod na lang ang ibang mga bisita na nagkakatuwaan.
Ngunit nagtaka siya ng makitang tila nababahala ang mga security guard dahil nag ipon ipon ang mga ito at masinsinang nag usap, nga matapos ay naghiwa hiwalay ang mga ito na tila may hinahanap na kung ano o sino.
"Kuya what's going on?" 'di nakapagpigil na tanong niya sa isang gwardiya ng magawi ito sa kinaroroonan niya.
"Nawawala kasi si Mr.De dios Sir. Kaya hinahanap namin...Nakita ni'yo po ba siya?"
"Ha? Hindi eh..." aniya sabay iling.
"Sige po Sir,hahanapin ko na po si Mr. De dios.." anito sabay alis ng nagmamadali.
Maging ang ibang panauhin ay bahagya na ring naalarma nang makitang nagkakagulo ang mga alalay ni Mr. De dios kaya kanya kanyang tanong ang mga ito.
"Ladies and gentlemen.. Huwag po kayong mag panic.Hinahanap na namin si Mr.De dios as soon as possible...Maybe nagpapahangin lang siya sa garden kung saan niya gustong naglalagi every night".ani ng isang lalaki na sa tantiya niya ay head ng security.
"Sir! Sir! Nakita na namin si Mr. DE DIOS!" humahangos na wika ng isang alalay na galing pa sa labas.
"Talaga? Nasan siya? Alakayan mo na siya pabalik dito at hinahanap na siya ng mga guest niya." utos nito sa lalaki.
"Sir patay na po siya!" Hintakot na sagot nito ng putlang putla at tila takot na takot.
Nang marinig iyon ng ibang mga bisita ay nagsitilian na ang mga babae at halos magkagulo sa buong salas dahil sa takot ng mga ito.
"Oh my God! May killer na nakapasok! We're not safe here!" tili ng isang matandang babae na halatadong sosyalera.
"Maaari ho bang huminahon muna kayo..." saway ng security head bago ito lumabas at nagtungo sa haze garden kung saan nakasalubong na niya ang iba pa niyang tauhan na bitbit bitbit ang walang buhay na katawan ni Mr. De dios na may nakabaon pang kahoy sa dibdib nito.
"Halughugin ang buong bahay! Nakakatiyak akong narito pa ang killer! Huwag magpapalabas ng kahit na sino! Icheck ang lahat ng cctv!" pagalit na utos ng security head habang nakakuyom ang kamao.
Kailangan nilang mahuli ang pumaslang sa kanilang amo!
Palinga-linga si Clark habang hinahanap ang kapatid na si Connor dahil nagsisimula ng magkagulo ang mga bisita. Pinasarado kasi ng isang gwardya ang lahat ng exit upang walang makalabas na bisita para mahanap kung sinuman ang may gawa noon kay Mr. De dios.
"Connor! Connor!" malakas na sigaw ng binata habang pilit na tinitingnan kung nasaan ang nakakabatang kapatid.
"Narito ako Kuya!".sigaw ni Connor habang yakap nito ang girlfriend na naiiyak na sa takot dahil sa pangyayari.
"God, buti na lang nakita kita, kanina pa kita hinahanap,are you okay?"
"Yes Kuya..don't worry...Mas nag-aalala ako kay Ditas kanina pa siya umiiyak dahil nakita niya ang bangkay ng matanda."
"Ditas, calm down okay? Everything will gonna be alright..."
"Paano kung isa na pala sa taong narito ang killer at patayin tayong lahat." nanginginig na wika ni Ditas sabay subsob sa balikat ng kasintahan.
"Hindi 'yan mangyayari. Bukod sa madaming gwardiya ay alerto na din ang mga tao. Kaya relax ka lang okay? Mabuti pa maupo muna tayo sa sulok. Kung makikisabay tayo sa mga nagpapanic lalo tayong maestress." suhestiyon niya sa dalawa habang iginigiya ang mga ito sa bakanteng mesa kung saan wala gaanong tao.
Habang nakaupo sila ay nagsimula ng manghalughog ang mga gwardiya ng mga gamit ng mga bisita. Pinapatayo na rin ang mga lalaki para kapkapan dahil sa pag asang mahuli ang kriminal.
"Tumawag kayo ng mga pulis, nakakatiyak akong narito pa ang killer! Huwag magpapalabas nang kahit na sino!" mabangis na sigaw ng pinaka head ng mga gwardiya bago ito umakyat sa pribadong silid kung saan naroon ang mga record ng kuha ng cctv.
"Asan ang video!" pagalit na sabi nito sa nagbabantay roon at agad na hinila mula sa kinauupoan nito at agad na tiningnan ang mga kuha ng cctv ng buong bahay.
Kitang kita mula sa kuha ng cctv ang babaeng pasimpleng sumunod sa matanda ng pumunta ito sa garden ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito makilala dahil sa suot nitong maskara.
"That lady, what the hell is she doing there? Bakit niya sinusundan si Mr. De dios?!" namumulang anito sa mga alalay habang itinuturo ang babae.
"Mukhang siya po ang pumatay kay Mr. De dios. Siya lang ang nanggaling sa pinangyarihan ng krimen at wala ng iba."
"Anong ginagawa mo sa oras ng duty mo ha! Bakit 'di mo yan nakita?! Di sana napigilan natin yan!"
"Sir naman, kumakain ako ng oras na yan. Saka malay ko ba na may ganito eh party to." depensa ng lalaki sa kausap.
"Oh, ngayon na nakampante kayo..Kita moo nangyari sa amo natin ngayon paano na tayo? Nganga?! Hanapin niyo ang babaeng yan at iharap sa'kin!"
"Mukhang mahihirapan tayong matunton kung sino man ang babaeng yan Sir, bukod sa madilim na ang paligid,nakasuot pa siya ng maskara. And I checked the videos. Nakaalis na siya even before the commotion starts." ani ng nagbabantay roon.
"What the hell!!" gigil na sigaw nito sabay suntok sa lamesa na yari sa kahoy dahil sa kawalang pag asa na mahanap ang pumatay sa kanilang amo.
Saan nila hahanapin ang babaeng mala palos kung kumilos?
***
"Miss Jamie, are you sure hindi kayo makikilala ng mga 'yon." muling wika ni Ashton sa kanya.
"Don't worry, Ashton malinis ang pagkakatrabaho ko. Kahit may cctv pa sila kung hindi din naman nila makita ang mukha ko. It's useless." kampanteng sagot niya rito.
"Okay, Miss Jamie. I trust you."
"So, now that we're done with De dios, what's next?"
"Ayaw mo bang magpahinga muna? Ilang case na din ang nahahawakan mo."
"No. Marami tayong dapat asikasuhin. At sa dami ng taong halang ang kaluluwa magpapahinga pa ba tayo? I just can't... Sabihin mo sakin ano ang sunod kung misyon and I'll do it as soon as possible." aniya.
Maya-maya pa ay may inabot na dyaryo si Ashton kung saan may mga kaso ng panggagahasa at pagpatay lalo sa mga kadalagahan na umuuwi ng dis oras ng gabi.
"Any suspects?"
"Sad to say Miss Jamie pero wala..."
"How? Nailagay na 'to sa diyaryo. Policemen should do their job to find the culprit!"
"I think may mga nagpapatrolya ng mga tanod diyan sa Sta. Mesa."
"Pero 'di pa rin nahuhuli ang may gawa?"
"Don't have any clue..."
"I'll work on it." walang gatol niyang sagot.
"What?! How?! Hayaan mo na ang mga pulis..saka na tayo kumilos kapag may inilabas na silang suspek"
"Naku matagal pa yan. Uubanin lang tayo kakahintay. Ako na magtatrabaho."
"You're putting your life in danger. We don't have any clue. I won't let you do it. Antayin nating magkaron ng lead ang mga pulis and let me investigate for a while... Para alam natin kung sino ang kalaban."
"I can't wait that long Ashton... I want it done before weekend..".pinal na sabi niya sa kanyang butler.
"Why hurry?"
"Because I hate criminals!"