Pagkarating na pagkarating nila sa bahay ay agad silang sinalubong ni Nene na tuwang-tuwa dahil sa wakas ay kakain na sila. Inantay pala sila nito para sabay sabay na sa pagkain kaya wala na ring nagawa ang dalaga kundi sumabay kay Nene at sa iba pa nilang kawaksi.
"Ate Jamie san po kayo nagpunta ni Mang Ashton?"usisa.
"Wala naman may inasikaso lang kami." paiwas na sagot niya rito.
"Sa susunod po na alis ninyo pwede po ba akong sumama?''
"No! Hindi pwede ang bata roon.''
"Hindi na po ako bata, dalaga na po ako."
"Nene pwede ba 'wag kang makulit? When I say no it means no, okay? You stay here..."
"Sorry po sa pangungulit ko, namimiss kasi kita pag umaalis ka ate. Tapos nag-aalala din ako.."
"You don't have to worry about me...I am safe, always."
"Sige po ate Jamie." ani Nene at nagpatuloy na ito sa pagkain.
Maging sina Ashton ay tahimik na rin sa pagkain at hindi na nagsalita pa hanggang sa matapos silang magsikain.
"Mauna na ako sainyo. I think I have to rest. Goodnight sainyo at lalo na sayo Nene." aniya sa dalagita sabay halik sa pisngi nito para mawala ang tampo nito sa kanya dahil sa pagsusungit niya.
"Goodnight din po ate Jamie..."
Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa dalagita bago umakyat sa hagdan patungo sa kanyang kwarto para malinisan ang sarili bago magpahinga.
Pagkatapos magshower ng dalaga ay maiigi niyang tinitigan ang dyaryo kung saan naroon ang balita ng mga pinapatay at hula niya ang namimili ang salarin ng bibiktimahin.
"Mahuhuli rin kita. At kapag nangyari yun, lintik lang ang walang ganti!" nagngingitngit na wika niya habang sinisimsim ang alak na nasa kopita.
Bahagya pang natigilan ang dalaga ng maalala ang lalaking nakausap niya kanina at nangungulit pa para lang tikman niya ang alak nito.
"Bakit ko ba naalala ang kumag na yun. Infairness ahh...Boses pa lang sexy na." natatawang wika niya sa sarili habang nangingiti.
***
Matapos matiyak nang mga gwardiya na wala sa mga bisita ang mga salarin ay agad din silang pinauwi lalo na ng magsidatingan na ang mga pulis.
Naghiwalay naman sila ng sasakyan ni Connor dahil ihahatid pa daw nito ang nobya nito kaya hindi na lang niya pinigilan ang dalawa kaya naman siya ang naunang nakarating sa bahay nila. Isa pa iniisip niya ang nakita niyang babae kanina sa party at halos ito ang laman ng isip niya sa mga oras na iyon.
"Hindi kaya siya ang killer? But why?"anas niya sa sarili habang nagpupunas ng katawan dahil kakatapos lang niyang mag shower.
Malalim na ang gabi ngunit kapwa hindi makatulog sina Jamie at Clark. Inuukopa ng isipan nila ang bawat isa kaya hirap silang makatulog.
Sa inis ng dalaga ay bumangon siya sa kama at nagpunta sa silid ni Nene na noon ay mahimbing ng natutulog. Agad niya itong nilapitan at bahagyang tinitigan.
Napangiti pa siya ng mapansin na payapang payapa ito sa pagtulog kaya naman dahan dahan lang siya sa paglapit rito para halikan sa noo.
Batid niyang nagtatampo ito sa pagsusungit niya kanina pero mas maiigi na yung ganun kesa sumama pa ito sa mga lakad niya. Ayaw niyang mapahamak ang dalagita at mas gusto niya itong manatili sa bahay nila kung saan ito safe at marami ang mag aalaga.
Di rin nagtagal ang dalaga sa kwarto ni Nene at maingat ring lumabas upang magtungo sa gym kung saan balak niya munang magpapawis. Tulog na rin ang lahat ng kasambahay kaya maingat siyang naglakad patungo sa kwarto kung saan naroon ang gym nila at sinimulan nang magpapawis hanggang sa mapagod at doon na dalawin ng antok.
***
"Miss Jaime..." mahinang wika ni Ashton habang maingat nitong tinatapik ang balikat niya.
"Huh?"
"Gising na po. Umaga na."
"Ouch! Dito pala ako nakatulog.." aniya sabay sapo ng leeg dahil pangangalay.
"Nagulat nga ako ng madatnan kita rito. Bangon na. Gising na rin si Nene at nasa kusina na.Tutulong daw siya magluto ng almusal."
"Gan'on ba? Sige susunod na ako sayo. May lakad pala ako today..." aniya bago muling nag-inat.
"Okay Miss Jaime. Pero san po kayo pupunta?"
"Mag iikot-ikot sa lugar ng bagong mission natin...I wanna know kung may mahihita ako sa place na yun even in broad daylight..".
"Hindi na ba kita mapipigilan? I can go there by myself. Maiwan ka na lang dito at magpahinga ka saglit..."
"Nope, Rest is for weak Ashton. And I am not---weak." aniya sa butler sabay kindat dito na tila ba nagsasabing trust me. I can do it!
"Okay Miss Jaime. If you insist then go...But..."
"But?"
"Let me accompany y-''
"No! I'll go by myself. You have to stay here with Nene. Baka utusan rin kitang mag-shopping at ipamili ng mga personal na gamit si Nene. If I have time sasabay ako sainyong mag lunch."
"Noted, Miss Jamie."
"Thanks Ashton... Let's eat?"
"Let's go."
***
11:30am
Kanina pa nagmamasid sa buong paligid si Jamie ngunit wala siyang mapansing kakaiba dahil siguro sa tirik pa ang araw at abala pa ang mga tao. Dahil sa inip ay agad niyang tinawagan si Ashton na susunod siya sa mga ito at sasabay na siya mananghalian. Tulad kasi ng utos niya ay nagpunta ang mga ito sa Sm Sta. Mesa para ipamili si Nene ng mga gamit nito.
"Ashton sabay ako sainyong mag lunch.Tapos na ba kayong mamili?"
"Yes, Miss Jaime... Nagugutom na nga daw si Nene..." anito sabay tawa.
"Okay...Daanan ko kayo diyan..." aniya sabay putol ng usapan nila para makapagmaneho siya ng maayos.
***
"Connor, san ka na ba? Kanina pa ako paikot ikot dito sa Sm, pambihira ka!" inis na wika ni Clark sa kapatid ng sagutin nito ang tawag niya.
Nagkasundo kasi silang dalawa na ilalabas si Ditas para manood ng sine dahil na trauma ata ito sa nangyari sa party kaya naman nais nila itong mapasaya.
Ang siste ay hindi naman niya mahanap ang kapatid at nakailang missedcall pa siya bago ito sumagot.
"Dito kami sa second floor Kuya. Punta ka na lang dito. Sorry 'di ko agad nasagot para kasing wala sa sarili si Ditas eh."
"Oh sige. Punta na ako riyan." maikling sagot niya sa kapatid bago siya naglakad paakyat ng hagdan ng bigla siyang may mabunggo.
"Ouch!!!" ani nang babae habang sapo nito ang pang-upo ng bumagsak ito sa lapag.
"Sorry Miss. Di ko sinasadya.."tarantang hingi niya ng paumanhin sabay tulong dito upang makatayo.
"It's okay. May kasalanan din ako. Di ako tumitingin sa dinaraanan ko coz I'm in hurry... I have to go.." ani ng babae sabay sulyap sa kanya.
"Sorry talaga miss. Are you hurt?" muling tanulong niya sa dalaga.
"No, I'm fine...bye.." anito sabay hakbang papalayo ngunit nahawakan niya ito sa bisig nito.
"Wait!!"
"Have we met before?" ani ng binata sabay titig sa kanya ng matiim.
"No.." aniya sabay piksi ng braso para makawala rito sabay takbo para makalayo rito.
'Anong pinagsasasabi nung lalaking yun..' ani ng dalaga sa sarili bago siya umakyat sa escalator para puntahan sina Nene na naghihintay na sa kanya.
"Weird. I thought I saw her somewhere. But I don't know when.." bulong ng binata sa sarili habang nakatitig sa dalaga hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
Samantala nakuha pang magkubli ng dalaga sa malaking poste habang sinisilip ang binata sa baba. Bigla kasing pumasok sa isipan niya ang lalaking nakausap niya sa party ni De dios at base sa bulto ng katawan nito ay baka nga iyon ang lalaking nakausap niya.
"Is it possible?" bulong ng dalaga sa sarili at muling naglakad papalayo roon.
***
"Andito na pala si Ate Jaime eh!!" malakas na sigaw ni Nene nang makita siya nitong papalapit sa table na inookupa ng mga ito.
Nakita niya pa ang dalawang magkasintahan sa tabi ng table nila Nene na nagyayakapan dahil umiiyak ang babae at pilit itong pinapatahan ng nobyo nito.
"Hi, I'm sorry na late ako. gutom ka na ba Ne?"nakangiting wika niya ng tuluyang makalapit sa dalagita.
"Sakto lang po Ate Jaime..Tara po kain na tayo..gutom na po ako..." aya ni Nene sa kanya.
"Okay. Let's eat then.." aniya sabay hila ng upuan patalikod sa dalawang magkasintahan.
Lingid sa kaalaman niya ay papasok na rin sa Clark sa loob ng restauran para puntahan ang kapatid at ang kasintahan nito para sabayan sa pagkain.
"Thank God, you're here na Kuya. Baka sakali tumahan na 'tong mahal ko dahil kanina pa umiiyak. Hindi makamove-on sa nangyari nung isang gabi." ani Connor ng makalapit ang kapatid.
"Don't worry. She'll get over it." aniya dito.
Walang kamalay-malay si Jaime na nasa likod lang niya si Clark at pilit na pinapakalma si Ditas dahil hindi pa rin ito tumatahan sa pag iyak.
"Ditas, huwag ka nang umiyak. Kalimutan mo na 'yong nangyari kay Mr. De dios. Ang mahalaga ay ligtas ka/tayo..." ani Clark sa dalaga habang pinipisil ang nanlalamig nitong mga kamay.
"Oo nga naman. Andito pa ako ohh.. Buhay pa at makakasama mo pa palagi.." sabat naman ni Connor sa usapan nila.
"Sorry Kuya Clark. Hindi lang talaga siya mawala sa isipan ko. Pero 'wag kayong mag-alala. Magiging okay din po ako." ani Ditas sabay ngiti ng pilit.
"That's my girl!!!" tuwang wika ni Connor sa kasintahan kasabay ng pagyakap rito ng mahigpit.
"Oh siya... Tara nang kumain at manonood pa tayo ng sine. Pasensiya na Ditas ahh.. Sumabit pa ako sa date ninyo ng kapatid ko." hinging paumanhin ng binata.
"Okay lang po Kuya Clark." magalang na wika ng dalaga.
Samantala tahimik naman na nakikinig sa usapan nila si Jamie na naulinigan na pala ang usapan nila. Hindi nga kaya ito yung lalaking nakausap niya sa party?
"Ate Jamie pwede po ba manood tayo ng sine?" untag ni Nene sa kanya na tila narinig din nito ang sinabi ni Clark.
"Ha? Gusto mo ba?" alanganing sagot niya.
"Opo, pwede po ba? Kung papayag ka po first time ko po 'yon..." tila nahihiyang ani ng dalagita.
Dahil sa tinuran nito ay agad namang naawa ang dalaga kaya pinagbigyn na lang ito kasabay ng piping panalangin na sana hindi nila makasama sa loob ng sinehan ang binatang nagpapagulo sa tahimik niyang isipan.
***
"Ate Jamie, thank you po ah! Ambait bait niyo po sakin kasi kahit 'di mo ako kilala pinatuloy mo ako sa bahay mo, binilhan mo ako ng mga damit at ngayon naman manonood pa tayo ng sine..." nagagalak na wika ng dalagita.
"Okay lang.." nakangiting wika niya rito bago niya iniabot ang popcorn nito. Maging si Ashton ay halatadong natutuwa sa nagaganap dahil excited din itong manood dahil paborito diumano nito ang papanoorin nilang pelikula ni Tom Cruise na mission impossible.
"Pano? Tara lets!" excited na wika ni Ashton sa kanila at nagpatiuna na itong naglakad papasok sa sinehan kaya sumunod na lang silang dalawa ni Nene habang magkahawak kamay.
Pasimple siyang naupo sa upuan na nagustuhan niya medyo malayo kina Ashton para makapagkalikot siya ng phone niya. Sina Nene at Ashton naman ay magkatabi at sabik na sabik sa mapapanood.
Siya naman ay busy sa cellphone niya kaya hinayaan niya na lang ang dalawa na mag-usap tungkol sa pelikula kaya naman hindi na niya pinansin ang lalaking nakatayo sa harapan niya bago pinatay ang ilaw sa loob ng sineha hudyat na magsisimula na ang palabas.
"Excuse me Miss. Mayroon na bang may-ari itong upuan sa tabi mo?"
"Wala ata..." maikling sagot niya ng hindi ito tinitingnan.
Thanks, upo ako ah." ani ng lalaki sabay upo.
Hindi na siya nag-abalang titigan pa ang lalaki dahil busy siya sa kakalikot ng cellphone. Hindi na tuloy napansin ng dalaga na pilit inaaninag ni Clark ang mukha niya kahit pa medyo madilim ang paligid.
"Ate gusto mo ng popcorn?" biglang tanung ni Nene sabay abot sa kanya ng popcorn nito.
"Sige salamat..." nakangiting tanggap niya sa inaalok ni Nene at maingat iyong nilapag sa patungan ng mga inumin at pagkain bago siya nagpatuloy sa pagkalikot sa cellphone niya.
Masyado siyang abala sa pagkalap ng mga impormasyon ukol sa bago niyang tatrabahuin at nagawa niyang pagtagni-tagniin ang mga pangyayari. Halos lahat ng biktima ay babae at target ng salarin ang mga babaeng inaabot ng umaga sa daan lalo na ang mga call center agent na alanganing oras kung umuwi.
Pasimple siyang dumukot ng popcorn at isinubo iyon at kaagad na nginuya. Habang di tinitingnan kung saan siya dumadampot hanggang sa maubos niya iyon ng hindi sinasadya.
Samantala lihim naman na natatawa si Clark dahil ang popcorn niya ang kinakain ng dalaga at hindi ang popcorn na inalok ng kasama nito,gayunpaman ay hinayaan na lang ito ng binata at inaliw na lang ang sarili na panoorin ang dalaga na tila walang kamalay-malay sa nagawa.
"Ashton, mauna na kayong umuwi ah... Babalik ako sa sinadya ko kanina. Ikaw na muna ang bahala kay Nene." aniya sa butler niya habang sinisipsip ang daliri n may cheese pang nakadikit.
"Noted, Miss Jaime..." mahinang sagot nito.
"Ateeeeee." mahinang bulong ni Nene sa kanya.
"Bakit Nene? May problema ba?"
"Kilala mo po ba 'yang katabi mo?" pabulong na sagot ng dalagita kaya agad niyang nilinga ang lalaking katabi.
"Hindi, bakit?"
"Kasi po kanina mo pa kinakain yung popcorn niya eh..." mahinang sabi nito sabay nguso at halos mamula ang buong mukha niya ng makitang naubos na niya ang popcorn ng binata.
"Oh my God! I'm so sorry!" hinging-paumanhin niya sa binata habang halos takpan na niya ng palad ang buong mukha niya kahit isipan pang madilim sa loob ng sinehan.
"No, it's okay..." ani nang lalaki kasabay ng pag-ngiti sa kanya.
"Bibili na lang ako ulit, papalitan ko yan, nakakahiya!" Aniya kasabay ng pagtangkang pagtayo ngunit maagap sita nitong napigilan.
"No need. Pag lumabas ka mamimiss mo yung show,don't mind it, maliit na bagay para mamroblema ka." ani ng binata sa kanya.
"Di bale, paglabas na lang natin. O kaya kahit cash na lang ibayad ko sayo..."
"I said it's okay, sssshhhh" sagot sa kanya ng lalaki kasabay ng pagsenyas nito sa kanya na tumahimik.
Samantala pigil naman ang tawa ni Clark habang palihim na pinagmamasdan ang dalaga nagmistulang batang paslit na nahuli sa akto na nag l-uumit ng pagkain sa kusina.