Balak sanang mag abot ng bayad ng dalaga pagkalabas nila ng sinehan ngunit hindi na niya naabutan pa ang binata. Sa tingin niya ay sinadya nitong huwag ng magpakita pa upang hindi na siya makapagbayad.
"Akala ko Ate kakilala mo 'yon kaya kahit nagtataka ako, 'di na lang ako nagtanong. Mukha pa namang sarap na sarap ka sa popcorn ni Kuya."ani Nene sa kanya.
"Oo nga naman Miss Jamie. I thought isa siya sa mga suitors mo kaya hindi na rin ako nagsalita." ani naman ni Ashton.
"Tse!! Mga pahamak kayong dalawa! Di man lang kayo nagtaka, nakakahiya tuloy dun sa mama,baka sabihin niya masyado akong masiba at mang-aagaw ng snack!".
"Relax ka lang Ate Jamie,mukha namang mabait si Kuya pogi.. Nagpapacute pa nga siya sayo kanina..hahahaha!!".
"Nene ahh!! Tigil-tigilan mo ako sa panunukso mo sa'kin.. Baka parusahan kita."
"Ayy 'wag po Ate Jamie, nagbibiro lang po ako.." Ani Nene sabay tago sa likuran ni Ashton na wari natakot sa sinabi niya kaya biglang napangiti ang dalaga.
"Ashton, mauna na kayong umuwi... Babalik lang ako dun sa pinuntahan ko kanina..Ikaw na ang bata sa makulit na batang 'yan." aniya sabay nguso kay Nene.
"Ate dalagita na po ako." nakalabing wika ni Nene.
"Nene, Isa!"
"Sabi ko nga po, bata pa po ako. Tara na po Mang Ashton," ani Nene sa kanya sabay lakad ng mabilis papalayo sa kanya.
Habang tinitingnan niya si Nene habang naglalakad ay nakikita niya ang sarili rito nung halos kasing edad niya lamang ito.
Si Ashton lang din ang palagi niyang kasama dahil palaging wala ang Mommy at Daddy niya. Bahagya siyang nalungkot para sa dalagita dahil sa murang edad nito ay uhaw ito sa pagkalinga at pagmamahal ng tunay na kadugo.
Dahil sa isiping iyon ay nagawang magplano ang dalaga na asikasuhin ang adoption papers ni Nene upang maging legal guardian nito. Mas mapapanatag siya kapag nasa poder niya ang dalagita kesa sa lansangan na lubhang mapanganib lalo na at nagsisimula ng mamukadkad ang ganda nito.
"Don't worry Nene, 'di ka na mag iisa.. Ate Jamie will always be here for you." nakangiti niyang bulong sa sarili bago siya naglakad papalayo sa lugar na iyon upang balikan ang lugar na minamanmanan niya. Pursigido siyang mahuli kung sino man ang walang pusong kriminal na nambibiktima ng mga kawawang kababaihan.
---
Samantala hindi maiwasan ni Clark ang mapangiti sa tuwing maaalala niya ang babaeng naka engkwentro niya sa sinehan. Ang cute ng reaksyon nito ng malamang hindi kanya ang kinain nito. Mas lalo itong naging kaakit akit sa kanya ng magmukha itong guilty sa nagawa.
"Aba Kuya, Para saan naman 'yang mga ngiting 'yan? Para kang kinikiliti na ewan," nakangising wika ni Connor sa kapatid.
"Hindi 'yan hitsura ng kinikiliti. Mukhang kinikilig eh." sabad naman ni Ditas.
"Hmmm mukhang mayroon kaming hindi alam Kuya ahhh. Who's that girl?"
"Naku! Magtigil nga kayong dalawa! Nakangiti lang kinikilig agad? Di ba pwedeng epekto lang 'to ng pinanood natin?" paiwas na sagot ng binata.
"Weehh! Di nga Kuya?? Eh kulang naman kumislap-kislap yang mga mata mo eh!"
"Masyado ka ng tsismoso Connor! Tigilan mo ako! ang mabuti pa ay ihatid mo na si Ditas sa bahay nila at ako naman ay pupunta muna saglit sa farm. Titingnan ko kung may bunga na ang mga prutas na tanim natin roon."
"Paiwas yung sagot eh! Pero Kuya. Alam mo ba maiigi 'yan kasi matanda ka na rin naman eh. Kung sakali man di ako tututol hehehe!" muling pang aalaska ni Connor sa nakakatandang kapatid.
"Di ka talaga titigil ha?" ani ng binata kasabay ng mahinang pagbatok nito sa kapatid.
"Aray naman, kapatid! Nakakahiya kay Ditas ohh!"
"Hahaha! Huwag ka kasing mapang asar, sige na alis na ako. Mag- iingat kayo sa byahe ha."
"Sila ang mag ingat sakin!" ganting wika ni Connor.
"Inaatake ka na naman ng kayabangan mo Connor ha!"
"Kuya naman, kanina mo pa ako pinapahiya kay Ditas." ani Connor sabay kamot ng batok nito.
"Pagpasensyahan mo na 'yang kapatid ko Ditas. Minsan talaga inaatake 'yan ng hanging habagat."
"Okay lang po Kuya. Sanay na ako kay Connor," nakangiting sagot ni Ditas.
"Umalis ka na nga Kuya. Baka kung ano pa ang masabi mo rito kay Ditas kapag nagtagal ka pa!"
"Oo na, bye!" aniya bago tuluyang iniwanan ang dalawa para puntahan ang farm niya kung saan siya gumagawa ng mga alak na ibenebenta niya.
Habang nasa kotse ang binata ay hindi pa rin nito mapigilan ang sarili na mapangiti sa tuwing maaalala ang dalaga at lihim ring nahiling ng binata na sana ay muling mag krus ang landas nilang dalawa. At kapag nangyari yun ay titiyakin niyang makukuha na niya ang pangalan at ang cellphone number nito.
---
Kanina pa paikot-ikot ang dalaga sa buong Sta. Mesa ngunit bigo siya na makakuha ng impormasyon tungkol sa killer. Ilang oras na lang ay lalatag na ang dilim ngunit negative pa rin ang lakad niya. Bagay na kinakagalit ng dalaga sapagkat hindi siya sanay na hindi niya nakukuha ng mabilisan ang gusto niya. Sa tingin niya ay maingat pa ang salarin lalo na at mainit pa sa mga tanod ang insedente.
"Damn!! tsk!" palatak ng dalaga habang nakatitig sa labas ng kotse niya.
Maliban kasi sa mga taxi driver na nag pipick up ng mga pasahero at sa mga sidewalk vendors ay wala na siyang makita pang iba sa kalsada.
"Mahuhuli rin kita. Pasasaan ba at mapapasakamay rin kita," bulong ng dalaga sa sarili bago humugot ng malalim na hininga.
Ilang saglit pa ang lumipas ay nagpasya siyang tawagan muna si Ashton upang sabihin rito na wag na siyang antaying umuwi dahil magmamatyag siya sa buong lugar sa loob ng magdamag. Agad namang pumayag ang butihing butler at ito na raw muna ang bahala kay Nene at sa kanilang bahay.
"Mag iingat ka diyan Miss Jamie lalo na ngayong hindi natin alam kung sino ang kalaban natin." bilin pa ni Ashton sa kanya.
"Makakaasa ka Ashton, huwag kang mag alala,kaya ko na ang sarili ko. Si Nene ang asikasuhin ni'yo."
"Consider it done, Miss Jamie,"
"Ngapala Ashton. About Nene?"
"What about her?"
"I want to adopt her, legally."
"W-what?? Are you serious Miss Jaime?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"No."
"Then?"
"What about your parents?"
"Palagi naman silang wala kaya walang problema. Besides ako ang magiging guardian niya at hindi sila Mommy."
"Paano kung tumutol sila?"
"Nasa tamang edad na ako Ashton, saka isa pa wala yung pakialam sakin.. Baka nga matuwa pa sila kapag nalaman nilang may makakasama na tayong iba sa bahay."
"Are you sure about this, Miss?"
"Yes! So, pakiasikaso ang dapat asikasuhin para ma adopt natin siya. Is that okay?"
"Yeah. Sure. Tiyak na matutuwa si Nene nito kapag nalaman niya."
"Much better kung hindi muna natin sasabihin Ashton. Saka na kapag okay na ang lahat."
"Okay Miss,"
"Sige, yun lang naman ang itinawag ko sayo. Balik na ako sa pag iikot ikot sa paligid. Gabi na rin naman kaya tiyak akong nandirito na ang taong 'yon."
"Ingat ka diyan, bye!"
"Bye!"
Pagkatapos nilang mag-usap ni Ashton ay kinalkal niya muna ang mga diyaryo na nasa hilid niya kung saan nakalagay ang mga balita ukol sa panggagahasa at pagpatay sa naturang lugar.
Masusi niyang pinag aralan ang bawat report at sa katagalan ay meron siyang napuna.
Ang mga biktima ay pare-parehas maiiksi ang mga buhok at nakasuot ng maiiksing palda ng matagpuan ang mga bangkay.
Sa bawat bangkay ay kapuna-puna ang mga pasa na tinamo ng mga ito at ang mga sugat sa kanang paa ng mga ito na tila may isang bagay na itinali rito.
"Tsk, kung sino ka man ay napakalupit mo! Di ka na naawa sa biktima mo!" gigil na anas ng dalaga habang nakatitig sa kalunos- lunos na hitsura ng mga kawawang biktima.
"Hindi kaya namimili ng bibiktimahin ang salarin?" pabulong na wika ng dalaga habang nakatanaw sa malayo.
"So, ang lahat ng biktima ay maiikli ang buhok. Lahat ay sexy ang pananamit. It means attracted ang salarin sa mga babaeng gan'on ang style. And maybe the only way to catch him is,"
Maya-maya ay agad na nag drive ang dalaga papunta sa pinakamalapit na mall at agad na bumili ng kakailanganin niya ng gabing iyon.
Ng mabayaran ang lahat ng pinamili ay kaagad siyang nagtungo sa banyo para isukat ang lahat ng pinamili at ng maiayos ang lahat ay pasimpleng lumabas ang dalaga ng nakangiti.
Muli niyang tinawagan si Ashton upang utusan ang isa sa mga driver nila na kunin ang kotse niya na ipinarada niya sa safe na lugar. Batid niyang hindi na niya kakailanganin pa ng mga sandaling iyon ng sasakyan dahil hindi siya makakakilos ng maayos at hindi niya mahuhuli ang nais niyang kumagat sa kanyang pain.
Alam niya na sa gagawin niya ay ang suspek mismo ang lalapit sa kanya lalo na kung tama ang pag aanalisa niya sa mga bagay bagay. Hindi na niya kailangan pang magpakahirap pa dahil sa gagawin niya ay nakakatiyak siya na ang rapist mismo ang lalapit sa kanya!
---
09:00pm
Kanina pa nakatayo sa waiting shed si Jamie at halos mamula na ang mga braso at binti niya dahil sa kakahampas rito. Dahil sa suot niyang maiksing damit at palda ay pinuputakte naman siya ng mga lamok.
"Nasaan ka na bang kupal ka! Kanina pa ako pinapapak ng mga lamok rito, pag ako nagka dengue mas malala gagawin ko sa'yong lint*k ka!!" nakasimangot na ani ng dalaga habang marahas na kinakamot ang bandang paa niya.
Dahil sa pagyukod niya ay hindi niya napansin na halos lumuwa na ang cleavage niya at kitang kita ng mga nagdaraan ang makinis niyang hinaharap.
Isang scenario na nakapagpainit ng dugo ng taxi driver na si Renato na noon ay napakalaki ng pagkakangisi habang nakatitig sa dalaga.
"Kung siniswerte ka nga naman. Unang labas ko pa lang may nakahain na kaagad." ani ng binata habang dahan dahang nagmamaneho papalapit sa dalaga.
"Hi, Miss! Nag iisa ka 'ata?" nakangiting wika ni Renato sa dalaga na abala pa rin sa pagkamot ng binti nito. Kahit street lights lamang ang ilaw ay kapansin-pansin pa rin ang kakinisan at kaputian ng dalaga.
"Huh?!" mataray na wika ng dalaga sabay titig sa kanya ng masama.
"Saan ka ba patungo, Miss? Tara hatid na kita." nakangiting wika ng lalaki sabay sipat sa kanya na para bang hinuhubaran siya nito.
"Hindi ako naghahanap ng taxi!" mataray na wika ng dalaga.
"Ikaw naman, nagmamagandang-loob na nga ako sa'yo tapos tatarayan mo pa ako? Wag ganoon. Sakay ka na sa taxi ko at ihahatid kita sa pupuntahan mo o sa kung saan mo man gusto, hehehehe!"
"No, thanks! I said 'di ko kailangan ng taxi." matigas na wika ng dalaga kasabay ng pagtalikod rito upang hindi na siya nito muling kausapin.
"Miss, delikado para sa isang napakagandang babae ang mag-isa sa ganitong lugar. Kung hindi mo pa nababalitaan ay mayroong nangingidnap dito ng mga babae at ginagahasa bago patayin. Sayang naman ang beauty mo kung sa kanila ka lang mapupunta.." muling giit ng lalaki.
"Kuya, look! Kaya ko ang sarili ko. I don't need you," pagmamatigas ng dalaga sa driver.
"Pero Miss, Hahayaan mo na lamang ba na papakin ka riyan ng lamok? Teka sino ba ang hinihintay mo at nagpapakamartir ka diyan sa sulok? Kung sino-sino pa ang hinahanap mo eh narito naman ako." giit ng lalaki.
Lingid sa kaalaman ng lalaki ay masusing pinagmamasdan ng dalaga ang mga kilos nito. Kapansin pansin ang pamimilit nito sa kanya na sumakay sa kotse nito at sa tingin niya ay wala itong balak na layuan siya ng mga oras na iyon.
'hindi nga kaya ito ang killer?' biglang ani ng dalaga sa isipan nito.
Muli niyang sinilip ang mukha ng lalaki at base sa ayos nito ay mukha naman itong mabait at maginoo. Yun nga lamang ay may pagkamakulit ito.
"Ano Miss na starstruck ka ba sa kapogian ko kaya 'di ka na makapagsalita diyan? Sakay na, ihahatid kita kahit saan mo gusto," ani ng lalaki sabay hagikhik na waring kinikilig sa pagkakatitig niya rito.
Dahil sa naisip ng dalaga ay walang pag aatubili siyang sumakay sa sasakyan nito at agad na kinapa ang maliit na kutsilyo na nakakabit sa isang hita niya gamit ang manipis na leather. Kung sakali man ay magagamit niya iyon laban rito kapag kumilos ito ng masama.
"Alright! Saan mo gusto?" anito sabay titig sa kanya gamit ang rear view mirror nito.
"Sa bahay ko," aniya.
"Okay, anong address mo."
Kaagad niyang binigay ang address ng isa sa mga kakilala niya bago naghalukipkip at hinayaan itong magmaneho.
Makwento at mabiro ang lalaki at kahit na naiinis na siya sa ingay nito ay nanatili pa rin siyang kalmado kahit na gustong gusto niya itong bigwasan at lagyan ng duct tape ang bibig upang matigil lamang.
"Grabe na ang polusyon 'no? Ang baho na ng usok at talaga namang lumalala na ang air pollution." ani ng lalaki kasabay ng pagsara nito ng bintana ng kotse na kanina ay hinayaan lang nitong nakabukas.
"Isara na natin para makapag aircon ka," anito sabay bukas ng aircon ng sasakyan nito.
Sa pagtataka niya ay kung kailan isinara nito ang bintana ay saka naman ito nagsuot ng face mask at maya-maya pa ay nag spray ito ng kung ano sa paligid at agad iyong nalanghap ng dalaga.
"What the hell!" malakas na wika niya sa lalaki kasabay ng pagkilos niya upang pigilan ito ngunit unti-unti siyang nakaramdam ng pagkahilo.
"Relax ka lang Miss. Matulog ka na muna riyan ng mahimbing. Dahil mamaya ay tiyak kung mag eenjoy ka sa gagawin natin,"nakangising wika ni Renato ng makita ang walang malay na dalaga.
Maya-maya pa ay kinabig nito ang manibela patungo sa lugar kung saan nito binabalak dalhin ang dalaga. Sa abandonadong warehouse kung saan niya dinadala ang mga biktima niya!
---
Madilim ang kalsada na tinatahak ni Renato at mangilan-ngilan lamang ang mga gusali na naroon at madalas pa ay wala na talagang tao. Napangisi pa ang binata ng muling sulyapan ang dalaga na noon ay walang kamalay-malay sa panganb na nakatakdang mangyari rito.
"Ang puti! Ang kinissssss!" naglalaway na wika ng binata bago nito pangkuhin ang dalaga at ipasok sa warehouse kung saan sila maglalagibuong magdamag.
"Sa sobrang kinis at ganda mo ay nakakasiguro ako na papapakin kita buong magdamag," ani Renato sabay halakhak ng napakalakas.
Nang makarating sa isang bakanteng silid kung saan mayroong mga karton na nakalatag sa sahig ay maingat nitong inilapag ang dalaga. Pagkatapos ay agad niyang hinubad ang sapatos nito na de takong at agad na isinuot ang kadenang bakal sa kanang paa nito upang hindi ito makatakas kapag nagising man ito.
"Napakagandang babae," tila nakakalokong wika ni Renato bago nito kinuha ang cellphone nito at pinicture an ang natutulog na dalaga.
Busy pa sa pagkuha ng litrato ang binata ng biglang may tumawag rito kaya naman agad itong sinagot ni Renato na may halong inis.
"Hello, Kuya Riely, bakit na naman ba?" iritableng wika niya sa nakakatandang kapatid.
"Aba, loko "to ah. nasaan ka na naman ba? Itinakas mo na naman daw yung isa sa mga taxi natin. Ano ka ba naman Renato? Grow up! Imbes na ipapasada yan ng isa sa mga driver natin hindi na tuloy dahil itinakas mo pa!"
"Bla Bla Bla! Pwede ba Kuya. Enough with your sermon, okay?! Uuwi din ako mamaya. Besides minsan ko lang naman ilabas ang taxi mo. I just want to have fun tonight, minasama mo na naman!"
"Fun pala ang hanap mo bakit hindi yung kotse mo ang dinala mo, hindi yung taxi ko na pinagkakakitaan ko, perwisyo ka talaga kahit kailan!"
"Ewan ko sa'yo Kuya! Badtrip ka talaga kahit kailan! Diyan ka na nga!" pikon na wika ni Renato bago nito pinutol ang tawag at binalibag ang cellphone nito sa pader.
"Bastos talaga 'tong bw*isit na 'to! Nakakagigil!!" ani Riely sa sarili ng babaan siya ng telepono ng kapatid.
Sa kabwisitan ni Riely ay agad niyang trinace kung nasaan ang taxi niya. Nang sa ganun ay matunton niya kung nasaan ang kapatid. Kailangan niya kasi ang taxing iyon ngayong gabi dahil may idedeliver siya sa isa sa mga kasosyo niya at yun ang gagamitin niya. Kung bakit ba naman kasi itinakas pa ng kapatid. Nammroblema pa tuloy siya. Buti na lamang at kaya niyang ma trace kung nasaan ito kaya naman may pag asa pang mabawi niya iyon sa kapatid.
Ang negosyo niya kasi ay hindi lamang ang pag ooperate ng mga taxi,bagkus ay isa lamang iyong front upang hindi malaman ng mga ito ang tunay niyang negosyo. Iyon ay ang shabu.
Sa higpit ng war on drugs ngayon ay tinitiyak niyang maingat at malinis ang trabaho nila at walang sinuman ang mag aakala na mayroon pa silang pinagkakakitaan bukod sa pag ooperate ng taxi sa kalakhang Maynila.
Prenteng nakaupo si Renato habang nakatitig sa nakahandusay na dalaga. Nais niyang magising ito bago niya gawin ang balak niya rito. Kapag nanlaban ang dalaga ay mas maganda. Mas nakakabuhay ng dugo at mas nakakapagpataas ng kanyang libido